Western Heights: Casanova's P...

Par foolishlaughter

114K 3.5K 406

*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights... Plus

Western Heights
Chapter 1: Scholarship
Chapter 2: Gossips
Chapter 3: Sir Brent
Chapter 4: The Hierarchy
Chapter 5: Kulay Tae
Chapter 6: Which Category
Chapter 7: Asher Lance Ynarez
Chapter 8: Peasant
Chapter 9: Instant
Chapter 10: Workmate?!
Chapter 11: Hyacinth Imperial
Chapter 12: Kodigo
Chapter 13: Collapse
Chapter 14: Chef Lance
Chapter 15: Desperate Measures
Chapter 16: Pride and Dignity
Chapter 17: Kapit Sa Patalim
Chapter 18: Crazy Contract
Chapter 19: The Calm
Chapter 20: Big Ben
Chapter 21: Mama Tori
Chapter 22: The Storm
Chapter 23: It's A Date!
Chapter 24: Kilabot
Chapter 25: Theme Park
Chapter 26: Wheel of Questions
Chapter 27 : Call From Abroad
Chapter 28: His Family
Chapter 29: An Unexpected Guest
Chapter 30: Engagement Party
Chapter 32: Tom-Tom
Chapter 33: The Boss Is Back
Chapter 34: Take Out
Chapter 35: Intense Review "daw"
Chapter 36: Differences & Comparisons
Chapter 37: Hospital Disaster
Chapter 38: Friends For Real
Chapter 39: Ano 'to?
Chapter 40: He's A Total Wreck
Chapter 41: Bicol Express
Chapter 42: All Is Well
Chapter 43: First Love
Chapter 44: Surprise!!!
Chapter 45: Grandparents
Chapter 46: Mission Accomplished
Chapter 47: To The Rescue!
Chapter 48: Stay Away
Chapter 49: Spilled Beans
Chapter 50: Consequences
Chapter 51: Aftermath
Chapter 52: Emergency
Chapter 53: The Burial
Chapter 54: I'm Sorry
Chapter 55: Frame Up
Chapter 56: Us
Chapter 57: Foolish Hearts
Epilogue
Special Chapter
Castaway

Chapter 31: Hand To Rely On

1.8K 59 12
Par foolishlaughter

"Thalia, relax. I'm sure he'll be fine." 

"Wag ka nang magsalita, Asher. Bilisan mo nalang magdrive!" Inis kong sigaw.

Tapos ay huminga ako ng malalim. "Sorry." Paumanhin ko sa kanya kaagad. Kinakabahan lang kasi ako at sobrang natatakot. "Nasira ko pa tuloy yung party, tapos nasigawan pa kita ngayon." Dagdag ko pa.

"I completely understand. Kapatid mo tong pinag-uusapan natin. I know how much you love him." Sabi naman niya.

Inilagay ko ang dalawang kamay ko at tinakpan ang mukha ko. 

Bakit ba nangyayari to? Bakit nangyayari ang lahat ng to sakin? Ano bang ginawa kong masama? Bakit hindi nalang ako? Bakit si Tom-tom pa? Jusko. "Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko." Sabi ko.

"Everything will be fine, Thalia."

***


"Thalia!"

Tumakbo kaagad ako papunta kay Tito Julio na nasa harapan ng operating room. "Tito Julio, ano po ba kasing nangyari?" Kaagad kong tanong sa kanya.

"Eh, nalibang yung mga bata sa kalalaro. May padaan na sasakyan, hindi nila napansin. Si Tom-tom, hindi kaagad nakatakbo..."

Hindi pa niya natatapos yung sinasabi niya, napaupo na kaagad ako sa mga upuan na nasa harapan ng operating room. Para kasing nawalan ng dugo yung buong katawan ko, at nanghina ito. Pinagtagpo ko ang dalawang mga kamay ko dahil sa matinding panginginig nila. 

"Nasagasaan yung bata. Hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa loob, pero sa nakita ko.. medyo malala eh. Lumabas yung buto ng bata sa paa." Paglalarawan niya.

Napahawak kaagad ako sa bibig ko ng dahil sa sinabi niya. Pati mga labi ko nanginging narin nang dahil sa sinabi niya. Sinubukan kong pigilan na gumawa ng kahit anong tunog, pero sa sinabi niya hindi ko napigilan ang pagkawala ng isang hagulgol. "Pasensya ka na, Thalia. Inaayos ko kasi yung tricycle ko, hindi ko siya masyadong nabantayan."

Umiling ako, "H-hindi po tito Julio. Ako naman yung may kasalanan eh." Kaagad kong sabi sa kanya. Sa totoo lang, kung walang toto Julio na matalik na kaibigan si Papa, siguro ay hirap na hirap na kami sa pamumuhay ngayon. Pero dahil palagi siyang nandyan para kay Papa at pati narin sa amin, kahit papaano ay gumagaan ang pamumuhay namin.

Ang problema lang talaga dito ay ako. Ako na nagpabaya sa kapatid ko. Ako na iniwan siyang mag-isa. Ako na inaasa lang sa iba yung kaligtasan niya.

"Thalia." Naramdaman kong may isang kamay na kumuha ng sakin at hinawakan ito ng mahigpit.

Tinignan ko si Asher na nakaupo na ngayon sa tabi ko. "Napabayaan ko yung kapatid ko." Umiiyak kong sabi sa kanya. "Tom-tom.." Humihikbiki kong sabi.

Mababaliw talaga ako kapag may nangyari kay Tom-tom. Papaano kung napuruhan siya sa loob ng katawan niya kaya hindi lang nakita ni Tito Julio? Papaano kung naapektuhan yung utak niya sa nangyari? Paano kung hindi na siya makapaglakad dahil sa nangyaring to?

Kasalanan ko lahat.

Kasalanan ko lahat-lahat.

Tapos ay bigla kong naalala si Papa at tumingin kay Tito Julio, "Tito, si Papa po? Alam na po ba niya?"

"Ay hindi ko pa nasasabi, puntahan ko muna kaya siya at sabihin-"

Umiling ako kaagad, "Wag po. Wag niyo na po munang sabihin, baka po mag-alala siya ng sobra. A-ako na po muna ang bahala, pero please po wag niyo munang sasabihin sa kanya." Pakiusap ko sa kanya.

"Sige. Hindi ko muna sasabihin." Pagpayag niya. "Pero aakyat na muna ako at pupuntahan siya sa kwarto niya. Baka magtaka siya kung bakit wala siyang kasama." Paalam niya.

Tumango na lamang ako bilang sagot.

Umalis si Tito Julio at kaming dalawa na lang ni Asher yung naiwan na naghihintay dito sa harapan ng operating room. Tahimik ang kapaligiran, na halos nakakabingi na. "Your dad's in the hospital as well?" Tanong bigla nitong katabi ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at tinignan siya, "Oo eh."

"Why?"

"Cancer."

Natahimik siya. "I-I'm sorry."

Siniko ko siya ng konti, "Wag ka nga. Hindi pa naman siya patay eh." Biro ko. Pero sa loob ko, hindi ako makapaniwalang nangyayari to. Na darating yung araw na malalaman ni Asher kung bakit ako pumayag sa kasunduan namin, kung bakit hinanap ko talaga siya upang magtrabaho sa kanya.

Natakot ako na kaawan niya ako, subalit hindi nangyari iyon. Dahil hindi awa ang nararamdaman ko sa presensya niya, kung hindi ang pag-aalala. "Are you scared?"

Tumingin ako sa kanya. Pagkakita ko, may kung anong tila sumabog sa tyan ko dahil sa pag-alala nga na nakaukit sa mukha niya. "Sobra." Madiin kong sagot. "Pakiramdam ko mamamatay nako sa takot. Araw-araw, kay Papa palang. Tapos eto, kay Tom-tom narin."

"Miss?" Pareho kaming tumingin ni Asher sa isang nurse na lumapit sa amin. 

Napansin kong napatagal ang tingin nitong nurse kay Asher. "Ako, ako yung miss." Sarkastiko kong sita sa babaeng nurse.

Kaagad naman niya akong tinignan, nakita kong namula ang mga pisngi niya dahil sa pagkahiya. Kasalanan naman niya, hindi niya ginagawa ng mabuti yung trabaho niya. Eto nanaman ako, sa sobrang pagkaproblemado ko na, pati ibang tao nadadamay ko na. At saka, kailan pa ako nagsimulang maging moody?

"Uhm.. kayo po ba yung guardian ni Thomas?" Tanong niya patukoy kay Tom-tom.

"Opo, bakit?" Naalarma kong tanong kaagad.

"May pulis po kasing dumating, hinahanap kayo." Sabi niya.

Nagkatinginan kami ni Asher sa sinabi niya. "Pulis?" Tanong ko.

"Opo, tungkol po ata dun sa nakabangga sa bata." Sagot niya.

"Saan? Nasaan siya? Gusto ko siyang makausap." Kaagad kong sabi dahil sa sinabi niya.

"Sa may lobby po. Hinhintay kayo."

Tumango ako at tumayo. Naglakad kaagad ako papunta sa elevator at pinindot yung button na pababa. Nasa 23rd floor pa ang pinakamalapit na elevator. Pinindot ko ulit yung button, tapos isa pang ulit, tapos isa pa.

Tumigil lamang ako ng isang kamay ang humawak sa akin, kay Asher. 

Kaagad, nakaramdam ako ng comfort. Isang bagay na kailangang kailangan ko ngayon. "Thalia, don't worry." Sabi niya sa akin.

Bumuntong hininga ako, at tinigilan na yung button. Sinamantala ko nalang yung pagkahawak ni Asher sa kamay ko, sinamantala ko yung panandaliang pagkawala ng kaba, takot at galit ko dahil sa kamay niya. Kahit napakasandali lang, pinagbigyan ko yung sarili ko.

Paglabas namin mula sa elevator, saka ko lang binitawan yung kamay niya dahil sa pagmamadali kong puntahan yung pulis na sinasabi ng nurse na naghihintay sa akin.

Paglapit ko, "Sir? Ako po yung guardian ni Thomas." Sabi ko kaagad.

"Ah... yes. Ate niya?" Tanong niya.

Tumango ako, "Opo."

"Nasaan po yung mga magulang?" 

Umiling na lamang ako bilang sagot. Nag-isip muna siya ng matagal bago siya nagsalita, "O sige. Ikaw na lang ang kakausapin ko. Sabihin mo nalang sa mga magulang mo yung mga sasabihin ko. Okay?"

Tumango ako ulit, "Opo." Lamang ang sinabi ko dahil gusto ko na kaagad marinig kung anong ibabalita niya.

"Yung nakasagasa sa kapatid mo, nahuli na namin." Panimula pa lang niya, subalit pakiramdam ko lalabas na ang mga mata ko sa gulat. Tapos pakiramdam ko sasabog  ang buong katawan ko dahil sa biglang galit na naramdaman ko. "Iniwan niya yung sasakyan niya sa daan ng dahil sa takot sa nagawa niya at sinubukang tumakbo. Mabuti nalang at hindi siya nakalayo, dahil narin sa lasing siya."

"Lasing siya?!"

Tumango si mamang pulis, "Oo. Hawak na namin siya sa presinto ngayon.  Ang unang move na gagawin namin ay ang iconfiscate ang lisensya, pagkatapos noon, mananatili muna siya sa kulungan hanggang sa kung ano ang mapagdesisyunan ng korte."

Kumunot ang noo ko, "Yun lang?! Yun lang yung mangyayari sa kanya pagkatapos ng ginawa niya?!" Galit kong tanong. Alam kong wala namang kasalanan ang pulis sa nangyari, subalit hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong pagkasuklam dahil ganoon lang ang mangyayari sa nanakit sa kapatid ko.

Dahan-dahan siyang tumango, "Opo. Pwede rin po siyang magpiyansa, dahil ganoon lang naman po kasi ang nakasaad sa batas natin."

Napahawak ako sa batok ko. Pakiramdam ko tumaas hanggang sa langit yung blood pressure ko. "Muntikan na siyang nakamatay, tapos pag nagpiyansa siya makakawala na siya?"

"Pasensya na ma'am. Ganoon lang po kasi talaga yung preocedure sa ganoon. At sa tingin ko po, makakalaya talaga siya. Mukhang mayaman eh. Magara po kasi yung sasakyang nakasagasa." Sabi pa niya.

Napahawak ako sa ulo ko. Sumasakit kasi ang ulo ko dahil bulok ang hustisya sa Pilipinas. Hanggang dito ba naman nabibili rin ng pera? Buhay nung kapatid ko yung pinag-uusapan, tapos madadaan lang nung lintik na nakasagasa ang lahat sa pera niya?

"Kung gusto niyo po Ma'am, kumuha kayo ng abugado ninyo at magsampa kayo ng sariling kaso ninyo." 

Tinignan ko siya, "Pwede po yun?" Walang ideya kong tanong.

"May mga kaso na po kaming nahawakang ganoon, at mayroon pong mga may parehong kasalanan ang hanggang gayon, nakakulong. Pero dapat po, magaling na abugado yung kunin niyo. Sa totoo lang po kasi, mukhang mayaman talaga yung suspek." Sabi niya.

Lalo akong naiinis sa tuwing nababanggit ang salitang 'mayaman', naaalala ko kasi kung papaanong pwedeng mabili ng pera ang buhay ng kapatid ko. Hindi ako OA. Totoo yung sinasabi ko. Ni wala nga akong ideya sa kung ano nang kalagayan ng kapatid ko at sa kung anong mangyaayri sa kanya, tapos dun sa nakasagasa, okay na? Laya na porke may laman yung bulsa niya?

"M-magkano po ba?"

"Naku, hindi ko po alam eh. Pero asahan na po ninyong malaki. Hindi kasi umuubra yung mga abugadong nasa gobyerno sa ganyan, lalo na kung maimpluwensya yung kalaban. Base po sa mga nagdaang kasong nahawakan namin." Sagot niya.

Dito na ako napanghinaan ng loob. Kahit pa kasi gustung-gusto ko na mabigyan ng hustisya yung nangyari sa kapatid ko, kahit pa gustung-gusto kong mapagbayaran ng gumawa sa kanya yung aksidente, hindi ko naman kaya. Kasi wala akong pambayad. Kasi kung kukuha ako ng abogadong big time, ipang babayad ko nalang yun sa bill ng ospital na lang ni Tom-tom at ni Papa. Kasi may tinatawag na realidad. Na kahit sabihin kong papatay ako para lang mapagbayaran ng suspek ang nangyari sa kapatid ko, hindi yun mangyayari kasi una sa lahat, ang dami kong kailangan na bayaran.

At base pa lang sa inilahad nitong pulis sa akin, hindi ko madadaan sa prinsipyo at paninindigan itong kasong to. Kasi nga, numero una sa lahat ng bagay, mapa eskwelahan pa o korte, ang pera. Pesteng yan.

"So ano na miss? Hihintayin nalang po namin sa presinto kung may gagawin kayong aksyon." Sabi ni Mamang Pulis. Kahit pa ganoon ang sinabi niya, halata namang alam niya na wala ako sa tamang estado para magsampa pa ng kung anu-ano doon sa suspek.

Kahit labag sa loob ko, bahagya na lamang akong tumango bilang sagot. 

Tumalikod na lamang ako at nakayukong napagdesisyunan na maghintay na lamang ako sa harap ng operating room at abangan yung kapatid ko.

Nang biglang may nakasagi sa balikat ko, "We're pressing charges."

Kaagad akong napatingin nang tinig ni Asher ang narinig kong nagmula doon sa dumaan sa gilid ko at nakasagi ng balikat ko. T-teka? Anong sabi niya?

Tinignan ko yung pulis na natigil din sa pag-alis at nakatingin na kay Asher ngayon. "Ano po yun?"

"We're pressing charges, dun sa drunk driver. I already called a lawyer and we're ready any moment the court need us." Nakapoker face na sabi ni Asher.

Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Oo, madalas kong makitang naiinis si Asher o nagagalit, pero iba ang pakiramdam na nakukuha ko mula sa kanyang inaasta ngayon. Nangingilabot ako, pakiramdam ko kaya niyang maghasik ng lagim kahit kailan niya gusto- ganoon kalala yung aura niya.

"Tell the court and the suspect that we will demand justice, a non-bailable charge that is, and money is not an issue. Whoever that rich driver is." Sabi niya. Ramdam ko ang pagkasarkastiko sa tono niya ng sabihin niya ang mga salitang 'rich driver'.

Syempre, si Asher itong pinag-uusapan natin. Isang Noble sa Western Heights. Thalia, saksakan yan ng yaman baka nakakalimutan mo?

Pagkasabi niya noon, tumalikod na siya at hinarap ako. Laking gulat ko ng ngitian niya ako, kaya hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko na ngitian din siya. Kasi gumaan yung loob ko sa ginawa niya. Kasi gusto ko talaga na ibigay dun sa nakasagasa kung ano yung dapat na maibigay sa kanyang parusa.

Hinila ako paalis ni Asher sa lobby.


Hawak niya ulit yung kamay ko.

Hoy, Thalia. Ano yan?!


Natigil ako kaagad.

Hindi dahil sa pagkahawak namin ng kamay ni Asher, kung hindi dahil sa narealize ko kung anong ginawa niya, at kung ano ang ibig sabihin ng lahat ng sinabi niya. "Asher, hindi mo na kinailangang gawin yun-"

"That's my decision to make." Sabi niya.

Umiling ako, "Gagamitin mo ba yung mga susunod kong sweldo? Wag na, kailangan ko pa yung mga yun para sa Papa ko at-"

Hinawakan ni Asher ang magkabilang balikat ko, "Thalia, stop overthinking things." Pagkalma niya sa akin. "I'm doing this because I want to, I'm doing this because I know better than anyone else how much you love your brother. Come on, you've been putting up with me, just for your brother. And I know myself that I'm a difficult person to be with."

Natawa ako ng konti, "Buti alam mong mahirap kang pakisamahan." Sabi ko sa kanya.

Kahit na inasar ko siya, tinawanan lang niya yung sinabi ko. "You don't have to worry about anything. Isipin mo nalang na ginagawa ko to because I still want to meet your brother in person."

Kunot noo ko siyang tinignan, "Ha?" Nagtataka kong tanong.

"Well, considering how much you love him, I bet that he is the cutest and the most lovable kid in the world." 

Tumango ako, "Siya nga."

"Well then, I guess doing what I just did is just right, since I would really like to meet my girlfriend's brother, right?" Pilyong sabi niya.

Nagkunwari nalang ako na inirapan siya. Nagkunwari na lamang ako na tinawanan siya. Pero ang totoo, init na init na yung mukha ko dahil sa mga sinasabi niya. At hindi na mapakali yung tibok puso ko dahil sa ngiti niya.

Yung totoo, si Tom-tom ba o ako yung nabundol ng sasakyan?



Don't forget to vote, comment na rin while you're at it!

#WHTCP


Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

110K 5.5K 47
Tiana had been working hard to prove not just to herself but to everybody that she was one of the best Sentries the world had ever seen. But her fasc...
48.7K 3.9K 43
Kilalanin si Zariya Serein Cortez, isang ordinardyong estudyante na nagmula sa modernong mundo ang napadpad sa taong ilang dekada na ang nakalipas at...
5K 283 28
Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and e...
18.1K 1.2K 42
Lana Custre, The Miss Cheerleader of Knight University. She transferred Knight University during her first year. Noon pa lang ay maugong na ang kaniy...