Chapter 8: Peasant

1.8K 58 8
                                    

Hindi ako nahirapan na hanapin si Seb, nasa isang couch lang siya sa may lobby ng building kung saan naroroon ang classroom namin. Patakbo akong pumunta sa couch, at umupo sa tabi niya.

Tapos ay tinaasan niya ako ng kilay, "What do you think are you doing?"

"Sorry!" Paumanhin ko kaagad.

"Leave."

Natigil ako sa tono ng pananalita niya. "H-ha?"

"I said leave. This couch, no one can sit here besides me." Matipid niyang sabi. Kaagad naman akong tumayo dahil sa sinabi niya.

Bahagya akong tumawa, hindi sigurado kung papaano ako dapat na magreact. Nagbibiro ba siya? Pinapatola lang ba niya ako? "Seb-"

"Hey, peasant. Know your place." Sa sinabi niyang iyon na ako tuluyan na nawalan ng enerhiya. 

"Dahil ba sa ginawa ni Asher?" Tanong ko sa kanya.

Umiling siya, at ngumisi. "No, just because you're a peasant. Hindi porke humingi ako ng pagkain sayo, ibig sabihin gusto na kitang maging kaibigan. I'm a merchant, you're a peasant, we live in different worlds." Peasant? Ganoon talaga kababa?

"Pero Seb-"

"Stop talking to me. Don't even come near me."

Ayun. Yung nag-iisang tao na akala ko ay magiging kaibigan ko dito sa Western Heights, nagbago na kaagad ang isip matapos lang ang iilang minuto. Pinilit ko na lamang na ngumiti, kahit nasasaktan ako sa ikinikilos niya. Alam kong, ang OA ko umasta, pero umasa kasi ako. Umasa ako na kahit papaano, magkakaroon ako ng kaibigan dito. "Salamat nalang. I'm sorry kung nasaktan ka dahil sakin." Paalam ko nalang sa kanya, tapos ay yumuko ng bahagya at tinalikuran na siya.

Naka-iilang hakbang pa lamang ako ay narinig ko pa siyang magsalita. "I won't thank me if I were you."

Tumigil ako upang makinig sa mga susunod niyang sasabihin. "My plan succeeded. Asher hates you, and Rachel hates you even more. Now I only have to seat back, relax and enjoy while they make your life a living hell. Bonus pang malaman ko na you're a worthless being." Natatawa niyang sambit.

Napakuyom ang kamay ko sa sinabi niya. Biglang nawala ang lungkot at panghihinayang na naramdaman ko kanina. Nagkamali ako. Akala ko, pwede kong makaibigan si Seb. Hindi pala. Nagkamali ako, hindi ako ang may mali, hindi ang estado ko sa buhay ang may pagkukulang. Siya. Siya ang problema. 

Huminga ako ng malalim, at lakas loob na tinignan siya. "Ganun ba? Edi congrats?" Sarkastiko kong sabi sa kanya, nang makita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon sa mukha niya, sa ikalawang pagkakataon ay tinalikuran ko siya ulit at tuluyan na akong naglakad pabalik ng classroom.

Kunwari lang. Kahit ilag saglit lang, hanggang sa mawala ako sa paningin niya, nagkunwari akong hindi ako natatakot. Nagkunwari akong hindi ako kinakabahan. Pero sa sandaling makaakyat ako ng isang hakbang sa hagdan, napasandal na kaagad ako sa pader at napapikit. 

*tok* *tok* *tok*

Ulit-ulit kong inuntog ang sarili ko sa matigas na semento sa likuran ko. 

Tanga. Tanga. Tanga. 

Kasabay ng pagtama ng ulo ko, ay ang pagsabi ko ng salitang ito sa sarili ko.

Ang kapal ng mukha mo, Thalia.

Ang kapal ng mukha ko para isipin na kakaibiganin ako ng sinuman dito sa Western Heights. Ang kapal ng mukha ko. Ako? Ako na nanggaling sa walang perang pamilya? Ako na mag-isang kumakayod para mabuhay kaming mag-aama? Ako na 850 pesos lang ang laman ng wallet, at pagkakasyahin ko na iyon ng buong linggo kasama ang ibang gastusin sa bahay, kakaibiganin ng mga taong bata palang ay tiyak nang mabubuhay sila sa mundong to? Ang kapal ko.

Western Heights: Casanova's PropDonde viven las historias. Descúbrelo ahora