Chapter 20: Big Ben

1.7K 60 4
                                    


"Aba'y saan ka ba pupunta, Thalia? Hindi ba't sabado ngayon? May make up class ba kayo?" Nagtatakang tanong ni Papa sa akin. 

Tinignan ko siya, nasa ospital parin kami at kasalukuyan siyang nakahiga sa kanyang kama, maraming mga nakasaksak na dextrose sa kanya. Nangayayat narin ang mukha niya, marami kasing ipinagbabawal sa kanya na pagkain. "Saglit lang Pa, may kukunin lang ako sa classmate ko."

Hindi naman ako nagsisinungaling, totoo namang may kukunin ako sa kaklase ko, kay Asher, yung unang sahod ko. Hindi ko rin kasi masabi ang buong pakay ko kay Papa, dahil sigurado akong magagalit siya sa mga pinaggagawa kong to. "Babalik din po ako kaagad." Dagdag ko pa na sabi.

"Ate, bilhan mo ko nang pasalubong." Kaagad na yumakap sa balakang ko si Tom-tom pagkatapos niyang i-request iyon.

Nginitian ko siya, "Titignan ko ha? Baka kasi wala akong mabilhan dun e."

"Okay lang ate kung wala." Bukal sa loob niyang sabi. Hindi kasi siya katulad ng iba na parang sasabihin na okay lang, kahit hindi naman. Hindi naman kasi ganoon kahilig sa materyal na bagay itong kapatid kong to. Kumabaga, sa ideya lang na pinaghanap ko siya ng pasalubong, masaya na siya roon.

"Basta, ako na bahala." Sabi ko sa kanya. "Basta promise mo sa akin na aalagaan mo si Papa habang wala ako? Dapat lahat ng utos niya, susundin mo. Tapos bawal ka rin maging malikot para makapagpahinga siya ng maayos. Okay?"

Tumango siya, "Okay!"



***

Kasalukuyan akong nasa harapan ng bahay nina Asher sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, mula dito dahil hindi naman sumasagot si Asher ng cellphone niya. Napag-usapan namin na ngayong araw ko makukuha yung una kong sweldo, kaya ako nandito ngayon. Pero ito nga, nakatambay ako sa harapan nila.

"Excuse me, Miss?"

Tunignan ko kung sinong tumatawag sa akin. Pagtingin ko, isang malaking lalaki na nakaunipormeng pambody guard ng presidente ang nakita ko. "P-po? Wala naman akong ginawang masama, pero may kung ano sa presensya niya na naging rason ng pagkakaba ko.

"Anong ginagawa mo diyan sa harap ng gate?" Tanong niya.

"Ah-eh. Hinihintay ko po si Asher."

Umiling siya. Tapos ay inilabas niya ang walkie-talkie niya. "Another case of stalking, do you copy?"

Stalking?!

Tumingin ako sa likuran ko, tapos sa paligid ko. Ako lang naman ang tao dito at siya, ibig bang sabihin non, pinagkakamalan niya akong isang stalker ni Asher sa mga oras na ito? "T-teka lang po kuya, hindi po ako stalker. G-girlfriend! Tama, girlfriend niya ako!" Natataranta kong sabi sa kanya, habang tinuturo ko yung sarili ko.

"Narinig ko na yan. Miss, kung ako sa'yo umalis ka na bago dumating mga kasamahan ko." Banta niya.

"Pero pinapunta po ako ni Asher ngayon dito, hindi po ba niya nasabi?"

"Hindi kami kinakausap ni Sir. At pwede ba, Miss? Imposible namang maging girlfriend ka ni Sir." 

Wow?! 

Tinignan ko yung suot ko. Disente naman yung itsura ko. NakaT-shirt akong maroon, pantalon na kulay itim at puting rubber shoes, anong mali sa suot ko? "Kuya, grabe ka naman po magsalita. Totoo nga!" Sabi ko, tapos nag-isip ko. "Ay oo! Eto, oh. May number niya ako, tignan mo kuya. Hindi lang po talaga niya sinasagot yung mga tawag ko." Paliwanag ko.

"Pre, naayos mo na ba?" Tanong ng isa pang kasamahan niya na kararating lang.

"Di pa nga, eto nga at sinasabi niya na girlfriend siya ni Sir." Tumatawang sagot naman ni kuyang kausap ko kanina.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now