Chapter 1: Scholarship

4.2K 121 11
                                    

"Go! Thalia! Kaya mo yan!"

"Habulin mo yang baboy na yan, Thalia!"

Hindi kayo nagkakamali ng binasa. Oo, naghahabol ako ng baboy sa mga oras na ito sa putikan, habang napapalibutan ako ng napakaraming taong naghihiyawan, nagsisigawan, at nagkakasiyahan. Nababalot ang paligid sa mga napakaraming kulay na baderitas.

Apat kaming naglalaban-laban sa paunahang makahabol sa napakailap na biik.

"Hoy, Babe. Kapag nahabol kita, tandaan mo papausukan kita ng matindi para maging ham ka." Naiinis kong sabi sa biik. Dahil sa sobrang tagal ko naring nagtatakbo at nadudulas dito sa maduming putik na to, nagawa ko nang pangalanan yung hinahabol ko. Babe. Parang yung baboy dun sa pelikula.

Hindi ko sigurado kung nasisiraan na ba ako ng bait o ano, pero parang nakita kong nginisian pa ako ng baboy na hinahabol. "Aba't- lechon. Lechon talaga yung gagawin ko sayo. Ipapaikot kita sa ibabaw ng nagliliyab na mga uling." Banta ko sa kanya.

Pansamantala akong tumigil sa pagtakbo at napaisip. Kailangan kong ibahin yung strategy ko. Hindi pwedeng nasa likuran lang ako ng baboy na yun at magdamag siyang habulin. Tinignan ko ang mga kalaban ko. Tulad ko kanina, wala silang ibang ginagawa kung hindi ang habulin lamang ito, at sundan. Tumingin ako sa kabuuan ng tinatakbo namin. Isa siyang ring na gawa sa kawayan, hugis parisukat ito. Pinagmasdan ko ang pagtakbo ng baboy palayo sa amin, at napansin kong para bang pa-ekis sa ring ang tinatahak niya palagi. Hinintay ko munang makaikot siya ng isa pang beses upang makatiyak. BINGO!

Ako namang ang ngumisi sa makulit na baboy na yun ngayon. Nagsimula na akong maglakad, pero dahan-dahan lang para hindi ako mapansin nung baboy at upang hindi mabulilsyaso ang balak ko. Nang makita kong tinatakbo na ng baboy ang kaliwang bahagi ng ring, alam ko na kung saan siya liliko.

Hindi ko na sinayang ang oras at mabilis akong tumakbo papunta sa gitna ng ring kasabay ng pagliko ni Babe. Hindi siguro niya inaasahan na makikita niya ako doon, kaya naman hindi na niya nagawang lumiko ulit. Inilahad ko na sa harapan ko ang mga kamay ko habang malawak na kaagad ang ngiti sa mukha ko.

"Huli ka!" Masaya kong sigaw nang makaramdam na ako ng bigat, at nang mapahiga na ako sa putikan.

Kasabay ng masaya kong pagsigaw ang pagsigaw sa tuwa ng napakaraming manonood sa labas ng ring.


***


"Ate Thalia!" Masayang bati sa akin ng nakababata kong kapatid na lalaki na si Tom-tom, nakataas ang kamay at sinusubukang magpabuhat sa akin.

Hinawakan ko siya sa ulo at umiling, "Hindi pwede e. Madumi pa si ate." Sabi ko sa kanya. Nagawa kong maghugas ng mga paa at kamay ko, pero hindi ko nagawang magbihis dahil wala akong dalang extra na damit. Biglaan lang kasi ang pagsali ko dun sa habulan ng baboy na yun. Nakita lang kasi ni Tom-tom yung baboy at pinilit niya na akong sumali.

Hindi naman ako nakatanggi dahil malakas sa akin tong kapatid kong to, at dahil nakalagay sa poster na may premyong three thousand pesos yung mananalo. Pandadag sa gastusing bahay din yun. Kaya naman sumali na ako.

Hinila ko na lamang ang kamay ni Tom-tom tungo sa isang tent kung saan ko raw makukuha yung premyo ko. Piyesta kasi ng bayan namin ngayon, kaya maraming palaro at maraming nagkalat na tent na may mga tindahan ng kung anu-ano. "Ate! Cotton candy!" Sigaw ng anim na taong gulang kong kapatid sa akin, sabay turo doon sa isang malapit na tent.

"Mamaya, mamaya. Kapag nakuha na ni ate yung premyo niya."

Tumawa siya, "Humuli ka ng baboy."

Tumango ako, "Galing ko no?"

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon