Chapter 45: Grandparents

1.7K 49 3
                                    

"BURRRRRP!"

"Yung totoo?" Natatawang sabi ko sa lalaking nasa tabi ko na hawak-hawak ang tiyan. "Ay ano ba yan, amoy beef broccoli!" Kumento ko habang iniipit ang ilong ko gamit ang mga daliri ko.

Natawa rin siya sa sarili niya, "I'm so full. I feel like I could die any minute."

Ngumiti ako sabay sabi ng, "Ako rin." Nawala ang saya sa mukha ni Asher at napalitan ito ng gulat at pagtataka. "Pakiramdam ko, pwede na akong mamatay sa sobrang saya ko ngayong araw. Kaya, sobrang thank you, Asher."

"I thought you were being serious!" Buntong hininga niya. "And sus, it's nothing. Really."

Tumingin ako kina Papa at Tom-Tom na nilalaro yung instant camera ko at kuha ng kuha ng picture. Napangiti ako. Hindi alam ni Asher kung gaano kalaking bagay ang ginawa niyang ito para sa amin. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ngayon na pakiramdam ko sasabog ako. Yung tipong pakiramdam ko panaginip lang ang lahat dahil ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naisip na mararanasan ko ang saya na tulad nito.

Nagulat ako ng hawakan ni Asher ang kamay ko, at ipinatong ito sa may tuhod niya at hinayaan lang na magkahawak kami. Hindi ako tumanggi, hindi ako kumibo. Kahit na alam kong mali, kahit na alam kong nagpapakatanga lang ako at umaasa, pinagbigyan ko ang sarili ko at hinayaan ko lang ang mga kamay namin.

"I passed our trigonometry exam, by the way." Sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.

Napanganga ako, "Seryoso ka?! Yung trig exam, as in yung inaral natin?" Galak na galak kong tanong sa kanya.

"Yes, 70 over 100."

Papalakpak sana ako pero noong sinubukan kong galawin ang kamay ko na hawak niya, hinigpitan niya ang pagkakahawak niya rito.

Ano to?

Anong ginagawa niya?

"Congrats! Kita mo na? Kaya mo naman eh! Nasabi mo na ba kina Big Ben at Mama Tori? Sigurado ako na sobrang matutuwa yun!" Sabi ko nalang, kahit na gustung-gusto kong itanong kung ano tong ginagawa niya, kung bakit niya ito ginagawa.

Umiling siya, "Hindi pa. Pero aside from that, have you forgotten about our deal?"

"Deal?"

"The one we made once I pass my trigonometry exam. Remember?"

'Ganito. Kapag nakapasa ka sa exam, gagawin ko lahat ng gusto mo kahit ano. At kapag naman bumagsak ka, ako ang papagawa ng kahit ano sayo.'

"Meron ka na kaagad naisip? Kakabigay lang nung resulta ah?" Tanong ko sa kanya.

"It's just that, it became timely." Sabi niya. "My Dad...he's hosting a charity ball at the end of the month and I want you to come with me."

"Ball? As in ball na bongga ganun? Yung tipong gown dapat yung suot, as in yung gown na lumolobo okaya yung sayad sa sahig?"

Tinignan ako ni Asher ng may pagtataka sa mga mata. Nagkunwari na lamang akong umubo upang pagtakpan ang kahihiyang idinulot ng pagka-Peasant ko. "Teka, pupunta ka sa isang event na ang Daddy mo ang magho-host?" Sabi ko nalang.

Bahagya siyang tumango. "Yes." Nahihiyang sabi niya. "I'm trying, Lia. I'm trying my best."

Ako naman ang naghigpit ng hawak sa kamay niya ngayon, "Alam ko. Kaya mo yan, ikaw pa?"

"That's the thing." Sambit niya. "I want you to come with me."

"E-eh? Ako?"

Tumango siya, "This is my request, Lia. Samahan mo ako sa ball."

Western Heights: Casanova's PropDär berättelser lever. Upptäck nu