"Thalia, relax. I'm sure he'll be fine."
"Wag ka nang magsalita, Asher. Bilisan mo nalang magdrive!" Inis kong sigaw.
Tapos ay huminga ako ng malalim. "Sorry." Paumanhin ko sa kanya kaagad. Kinakabahan lang kasi ako at sobrang natatakot. "Nasira ko pa tuloy yung party, tapos nasigawan pa kita ngayon." Dagdag ko pa.
"I completely understand. Kapatid mo tong pinag-uusapan natin. I know how much you love him." Sabi naman niya.
Inilagay ko ang dalawang kamay ko at tinakpan ang mukha ko.
Bakit ba nangyayari to? Bakit nangyayari ang lahat ng to sakin? Ano bang ginawa kong masama? Bakit hindi nalang ako? Bakit si Tom-tom pa? Jusko. "Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko." Sabi ko.
"Everything will be fine, Thalia."
***
"Thalia!"
Tumakbo kaagad ako papunta kay Tito Julio na nasa harapan ng operating room. "Tito Julio, ano po ba kasing nangyari?" Kaagad kong tanong sa kanya.
"Eh, nalibang yung mga bata sa kalalaro. May padaan na sasakyan, hindi nila napansin. Si Tom-tom, hindi kaagad nakatakbo..."
Hindi pa niya natatapos yung sinasabi niya, napaupo na kaagad ako sa mga upuan na nasa harapan ng operating room. Para kasing nawalan ng dugo yung buong katawan ko, at nanghina ito. Pinagtagpo ko ang dalawang mga kamay ko dahil sa matinding panginginig nila.
"Nasagasaan yung bata. Hindi ko pa alam kung anong nangyayari sa loob, pero sa nakita ko.. medyo malala eh. Lumabas yung buto ng bata sa paa." Paglalarawan niya.
Napahawak kaagad ako sa bibig ko ng dahil sa sinabi niya. Pati mga labi ko nanginging narin nang dahil sa sinabi niya. Sinubukan kong pigilan na gumawa ng kahit anong tunog, pero sa sinabi niya hindi ko napigilan ang pagkawala ng isang hagulgol. "Pasensya ka na, Thalia. Inaayos ko kasi yung tricycle ko, hindi ko siya masyadong nabantayan."
Umiling ako, "H-hindi po tito Julio. Ako naman yung may kasalanan eh." Kaagad kong sabi sa kanya. Sa totoo lang, kung walang toto Julio na matalik na kaibigan si Papa, siguro ay hirap na hirap na kami sa pamumuhay ngayon. Pero dahil palagi siyang nandyan para kay Papa at pati narin sa amin, kahit papaano ay gumagaan ang pamumuhay namin.
Ang problema lang talaga dito ay ako. Ako na nagpabaya sa kapatid ko. Ako na iniwan siyang mag-isa. Ako na inaasa lang sa iba yung kaligtasan niya.
"Thalia." Naramdaman kong may isang kamay na kumuha ng sakin at hinawakan ito ng mahigpit.
Tinignan ko si Asher na nakaupo na ngayon sa tabi ko. "Napabayaan ko yung kapatid ko." Umiiyak kong sabi sa kanya. "Tom-tom.." Humihikbiki kong sabi.
Mababaliw talaga ako kapag may nangyari kay Tom-tom. Papaano kung napuruhan siya sa loob ng katawan niya kaya hindi lang nakita ni Tito Julio? Papaano kung naapektuhan yung utak niya sa nangyari? Paano kung hindi na siya makapaglakad dahil sa nangyaring to?
Kasalanan ko lahat.
Kasalanan ko lahat-lahat.
Tapos ay bigla kong naalala si Papa at tumingin kay Tito Julio, "Tito, si Papa po? Alam na po ba niya?"
"Ay hindi ko pa nasasabi, puntahan ko muna kaya siya at sabihin-"
Umiling ako kaagad, "Wag po. Wag niyo na po munang sabihin, baka po mag-alala siya ng sobra. A-ako na po muna ang bahala, pero please po wag niyo munang sasabihin sa kanya." Pakiusap ko sa kanya.
"Sige. Hindi ko muna sasabihin." Pagpayag niya. "Pero aakyat na muna ako at pupuntahan siya sa kwarto niya. Baka magtaka siya kung bakit wala siyang kasama." Paalam niya.
BINABASA MO ANG
Western Heights: Casanova's Prop
Teen Fiction*complete* Western Heights is a renowned school/academy. Known for its academic excellence, Western Heights provides nothing but the best materials and no one but the top instructors and professors of the country. Leading the country's prime athle...