Chapter 34: Take Out

1.6K 50 2
                                    

Ngayong kaharap ko na ulit si Brent, pakiramdam ko hindi lang siya dalawang buwan nawala.

Ngayong kaharap ko na siya, tsaka ko lang narealize na sobrang dami na palang nangyari mula noong umalis siya para sa isang conference sa Singapore.

"Thalia." Nakangiti niyang sabi.

Ngumiti din ako, "Brent."

"Kumusta ka na?" Tanong niya.

"Ako po okay lang." Sabat ni Caitlin, sabay taas ng kanyang kamay at turo sa sarili niya. "baka lang naman po itatanong niyo rin." Dagdag pa niya.

Tumawa ako, ganoon din si Brent. "Hi, Caitlin, how are you?" Pabiro niyang tanong.

Siniko ni Ryan si Caitlin. Tinignan naman siya pabalik ng masama nito, "Feel mo ba nakalimutan ko na yung pagiinarte mo kanina? Akala ko naman kung napano na dito sa labas!" Inis na sumbat ni Caitlin.

"I'm sorry. I actually asked Ryan to do that. Para may thrill naman kahit papaano." Sabi ni Brent. "So how are you guys? I hope there weren't any trouble while I wasn;t around?" Tanong niya, tapos ay tumingin kay Ryan.

Tumango si Ryan, "All clear, sir."

"Good." Sabi ni Brent. "It's good to be back."

"Hala namiss ko kayo Sir." Sabi ni Caitlin.

Pareho namin siyang tinignan ni Ryan. Pero siya nakatakip ang bibig na tila ba pinipigilan ang pagtili at na kay Brent lang ang tingin. "Lalo kayong gumwapo." Dagdag pa nitong babaeng to.

"I missed all of you as well." Tumatawang sabi na lang din ni Brent, hindi nakatakas sa pansin ko na tumingin siya sa akin. Oo, tinignan niya kaming lahat noong sinabi niya iyon, pero pakiramdam ko mas matagal siyang tumingin sa akin. O, baka naman guni-guni ko lang iyon? "By the way, where's Asher?"

Bilang napaiwas ako ng tingin. May kung anong gumalaw sa tiyan ko, na tila ba may kung anong nasa loob na lumilipad-lipad. Pamilyar yung pakiramdam, subalit nararamdaman ko ito ngayon sa hindi magkaparehong dahilan. Napakuyom ang mga kamay ko, sa pag-asang mawawala kung ano man itong sensasyong nararamdaman ko.

"Ay, hindi ko alam eh. Bakit nga ba hindi pumasok yun ngayon, Thalia?" Tanong sa akin ni Caitlin.

Nagtama ang tingin namin ni Brent, at kumunot ang kanyang noo. "Thalia?" Nag-aalangan niyang tanong.

"H-hindi ko rin alam eh." Sabi ko.

"Text mo kaya? O kaya tawagan mo na?"

Tinignan ko si Cait, "Baka busy." Sabi ko sa kanya.

Napalunok ako ng di oras at tumingin kay Brent na hanggang ngayon nakaukit sa mukha ang nagtatakang ekspresyon. At lalong hindi nakatulong ang pagpapatuloy ng mga tanong ng madaldal na si Caitlin, "Nagkita ba kayo sa school ngayon? Text mo na mamaya nagpapamiss lang yan." Pang-iinis niya na sinamahan pa niya ng bahagyang pagtulak sa balikat ko.

"Ah-eh. Bakit nga pala wala tayong customer?" Natataranta kong pag-iiba ng topic. Hindi niya alam. Hindi alam ni Brent ang pinasok namin ni Asher. Hindi niya alam na sa pagkakaalam ng lahat, magkasintahan kami ng pinsan niya. "Maaga ba tayong magcclose ngayon?"

Umiling siya, "Nope. I'm thinking of having a celebration."

Tumawa ako, "Parang welcome home celebration? Ikaw pa tuloy yung naghanda para sa party. Hindi namin alam na dadating ka ngayon eh." Sabi ko.

"It's my fault. But it's okay." Tumatawa rin niyang sabi. "This celeb is my treat din naman." Dagdag pa niya.

"Kakain tayo sa labas?" Nanlalaking matang tanong ni Caitlin. "At hindi dito dahil sawang-sawa na ako sa kape at cake?!" Dagdag pa niya.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now