Chapter 56: Us

1.7K 53 13
                                    

"W-what did you just say?" Tanong ni Hyacinth kay Asher.

Bahagya akong inilayo ni Asher sa kanya at tinignan sa mata, "Don't do this." Mahina niyang sabi sa akin, sabay punas sa kaliwang pisngi ko. Tumulo na pala yung luha ko ng hindi ko man lang napapansin.

Tapos ay tumingin si Asher kay Hyacinth, "Enough, Hya." Maikling tugon niya.

"What do you think you're doing?" Gigil na tanong ni Hyacinth sa kanya. Hindi na ako nakaharap sa kanya, kaya hindi ko makita kung anong reaksyon niya, subalit sapat na yung tono ng pananalita niya upang maramdaman kong hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya. "Get the hell away from her."

Hindi kumibo si Asher. 

"I can't believe this." Bulalas ni Hyacinth.

Humigpit ang hawak sa akin ni Asher, "Akong bahala sa'yo." Sabi niya, na lalong mas nagpaiyak sa akin. Humawak ako sa braso niya, hindi ako bumitaw. Kasi ang tanging kailangan ko ngayon, ay isang taong masasandalan; kasi hindi ko na kaya. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko. 

"How dare you?!" Sigaw ni Hyacinth sa akin, na sinuportahan ng mga kasama niyang sina Rachel. Iba't ibang klase ng pangiinsulto ang lumabas sa bibig nila: ahas, malandi, slut, whore at marami pang iba.

Pero wala na akong pakialam, wala na akong pinakinggan pa. Dahil andito na si Asher, at kahit matagal kaming hindi nagkasama at nagkausap, andito na siya, at awtomatiko ko lang na naramdamang magiging okay na ang lahat.

"I said enough!" Galit na sabi ni Asher. "Stop this Hyacinth. Tama na." 

"No. This isn't enough. Look at what she's doing. We're fighting because of her."

"We're fighting because of you, Hyacinth." Bintang sa kanya ni Asher. "We're fighting because you've changed, don't put the blame on her."

Sarkastikong tumawa si Hyacinth, "So we're really gonna do this here? In front of all these people watching us?" Tanong niya. "Fine. But let me tell you this: I was not the one who changed, it was you."

Natigil si Asher, at kahit hindi ko nakikita, alam kong tumingin siya sa akin. "Maybe I did. But I'm not regretting it." Mahinang sabi niya. "You should try to change yourself too. You're better than this, Hya. I know you are."

"No, Asher. Don't tell me what to do. I will never let her get what is mine. Kinuha na niya si Brent, and now what? She's trying to take you away from me ng harap-harapan pa!" Galit niyang sabi.

"No one's trying to take me away from you, Hya. I don't belong to you. Stop being childish, for pete's sake. Matatanda na tayo, grow up!" Sermon sa kanya ni Asher. Hindi ko alam kung anong klasing pagkakaibigan ang meron kina Asher at Brent, pero alam kong simula palang nung bata sila, sila na yung magkakasama.

"I'm a grown up! Kaya nga I won't let her take everything away from me." Pagmamatigas ni Hyacinth. "I won't let someone as poor and pathetic as her get the best from me!" Humigpit ang hawak ko sa braso ni Asher sa sinabi niya. Madalas akong nakakarinig ng iba't ibang klase ng pangiinsulto, pero kapag galing kay Hyacinth, tagos talaga. Yung tipong ramdam na ramdam ko.

"Stay the hell away from this Asher, or else I'll break up with you." Banta ni Hyacinth.

Huminga ng malalim si Asher, "Seb, please take Lia out of here."

Nagulat ako sa sinabi ni Asher, doon lang ako lumayo mula sa hawak niya at tumingin sa paligid. Nakita ko si Seb at Elle na magkasama, mukhang galit si Seb, pero sumunod siya sa sinabi ni Asher at lumapit samin. Hinawakan niya ako sa likod at inalalayan paalis. Pero bago ako makaalis, naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Asher sa kamay ko, at pinisil niya ito.

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon