Chapter 4: The Hierarchy

2.1K 72 4
                                    

Habang hawak-hawak ko ang tray sa kanang kamay ko, bigla akong nawalan ng balanse sa kaliwang paa ko kaya naman napaupo ako sa isa sa mga upuan namin dito sa shop. Napabuntong-hininga na lamang ako at pansamantalang nanatiling nakaupo at nagpahinga.

"Are you okay?"

Kaagad akong napatayo nang marinig ko ang boses ng boss ko. "Opo, okay lang po." Pagsisinungaling ko. Pinamili ko kasi ng gamit si Tom-tom para sa pasukan niya pagkatapos ng shift ko kagabi. Inabot na ako ng 9 pm hanggang sa magsara ng tuluyan yung mall. Sobrang traffic kasi kaya hindi ako kaagad nakarating sa mall, at hindi rin ako kaagad nakauwi.

"Po?"

"Okay lang ako, Sir Brent."

"Sir?"

Natameme ako saglit, "Ay- hindi ko na po kayo tatawagin ng 'sir'?"

Umiling si Sir Brent, "Nope. I'm only ninenteen, Thalia. I never even said to you guys that you should call me 'sir' di ba? Hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin e."

Kung sabagay, wala naman talaga siyang sinabi na tawagin siya 'sir' nung nagbriefing at train ako. Pero wala rin naman siyang sinabi na wag siyang kausapin ng sobrang pormal, kaya hindi rin kami masisisi. "So, are you okay? Or are you overworking yourself?"

"Hindi po, sir. Okay lang po talaga ko." Sabi ko, kahit medyo nahihilo ako.

"Hm." Sambit niya, na para bang may malalim siyang iniisip. "Sa pasukan mo, hindi pwedeng seven hours kang nagtatrabaho. Babawasan ko ang working hours mo, gagawin kong from 4:30 to 8 pm dahil 4 ang dismissal sa Western Heights at dahil masyadong nang late ang lagpas pa sa 8 pm. You can do you school work during your working hours."

"Pero-"

"And no, I will not reduce your salary, Thalia." Nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nangangausap na ngayon si Sir Brent at madalas na siyang ngumiti, o hindi dahil lalo lang akong nanlalambot sa tuwing nakangiti siya habang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako pabalik, "Thank you, Brent." Sabi ko, kahit medyo naninibago pa ako na tawagin siyang 'Brent' at walang sir, at walang mga 'po' at 'opo'.

"You're welcome. Nag-aral ako sa Western Heights, I know how you'll have a hard time kapag hindi ko binawasan ang working hours mo." Sabi niya, tapos ay umupo siya sa upuan sa harapan ng upuan kung saan ako umupo.

Tapos ay tinignan niya ako at ngumiti. Napakamot na lamang ako sa ulo ko sa pagtataka, habang unti-unti akong umuupo sa harapan niya. Napansin kong nakatingin sa amin si Caitlin, maging siya ay nagugulat sa mga pangyayari. "You can ask me any question about Western Heights, I'll gladly answer them."

"Q-questions?"

Tumango siya, "Yes. Wala ka bang mga tanong tungkol sa bago mong school? Kung papaano ang kalakaran doon, at kung pano ang mga estudyante doon? I'm sure you're curious and anxious about it. Lalo na't malapit na ang pasukan ninyo."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi dahil wala akong alam itanong, kung hindi dahil masyado akong maraming katanungan sa isip. Hindi ko lang alam kung saan ako magsisimula.

"Sige, ganto nalang. I'll start blabbing all the things I know about WH, and ask me questions kapag may hindi ka naiintindihan, okay ba?"

Bahagya akong tumango bilang sagot. "Western Heights. Western Heights is a very well known school in both the academic field and the extra curricular field. Our school excell in all kinds of sports, and all academic contests. Maraming students na nag-aaral doon ay sikat. They may be artists, actors, actresses, may athletes at marami pang iba. Angat kung angat ang status, especially since the tuition in WH amounts to almost a fourth of a million per school year- all expenses included."

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now