Chapter 2: Gossips

2.6K 80 3
                                    

Medyo malayo-layo yung bayan kung saan kami nakatira. Kailangan pa kasing sumakay ng isang jeep at isang sakay din sa padyak. Mag-tatanghalian na, nasa jeep parin kami. Kasalukuyang nakahiga sa hita ko si Tom-tom at mahimbing na natutulog.

Hindi ko na alintana pa yung tingin sa akin ng mga tao. Alam ko naman kasi sa sarili ko na ang dugyot ko nangang tignan, amoy baboy at putik pa ako. Basta ang mahalaga, may pera akong mauuwi sa bahay. Mamasyal lang kami talaga dapat ni Tom-tom. Bonus nalang na nakasali pa ako sa palaro, at swerteng nanalo.

"Ate, mall yun?"

Hindi kaagad ako nakapagreact dahil nagulat akong gising na pala ang kapatid ko. Ni hindi ko man nga lang napansin na nakaupo na siya ng maayos, at nakatanaw na sa labas ng jeep. Sinilip ko kung ano ang tinuturo niya. "Yan? Hindi. School yan."

"School? Ang laki!" Manghang sigaw niya. Ibinalik ko ang tingin ko sa eskwelahan. Hindi naman nagiilusyon tong kapatid ko. Mukha naman kasi talagang mall itong eskwelahan na ito dahil sa mataas na buildings na meron sila. Isali pa ang napakarami at napakatangkad na glass windows nila. Mula dito daan, tanaw ang isang napakalaking stadium. "Bakit di ka diyan pumapasok?"

Natawa ako sa tanong ng kapatid ko, "Hindi kaya ng bulsa e."

"Mahal dun?"

"Sobra."

"Magkano?"

Ginulo ko yung buhok niya, "Nako, ang bata-bata mo pa interesado ka na sa mga ganyang bagay. Basta mahal dun. Kahit siguro anong sideline ko, hindi ko kayang magbayad dun."

"Sideline daw?"

"Naku ke-bata bata pa niyan ah?"

"Iba na talaga nadudulot ng kahirapan no? Kakapit ka nalang talaga sa patalim."

Tinakpan ko ang magkabilang tenga ng kapatid ko nang marinig kong pinaguusapan ako ng dalawang ale. 

Habang hawak-hawak parin ang ulo ni Tom-tom, iniusog ko ito ng bahagya para magkaharap kami. "Gusto mo ba ng chocolate na frappuccino, Tom-tom? Tatanong ko sa boss ko kung pwede ka niyang bigyan ng frappe galing sa coffee shop, gusto mo ba?"

"Yung parang chocolate shake na may kape ate?" Masaya niyang tanong.

Tumango ako, "Oo! Favorite mo yun di ba?"

Pagkatapos akong sagutin ng 'oo' ni Tom-tom, pasimple akong tumingin sa dalawang ale na kanina ay pinag-uusapan ako. Pareho na silang nakaiwas ang tingin sa aming dalawa. Siguro naman ay narinig nila ang usapan namin ni Tom-tom. Siguro naman, hindi nila pagbibintangan ang isang tao ng walang basehan sa susunod. 


***


"Ang galing naman talaga nitong anak ko oh!" Tuwang-tuwang sabi ni Papa habang binabasa ang certificate na kasama sa cash prize na ibinagay sa akin ni Gov. "E ano ba naman yang kaya ng baboy na yan sa macho kong anak di ba?"

Inirapan ko si Papa, "Pa, alam kong ginusto mo ng lalaking anak, pero babae ako wag mo namang kalimutan oh." Biro ko sa kanya. 

"Biro lang anak. Ang swerte ko nga at nagkaanak ako ng isang babaeng kasing ganda at bait mo." 

Bahagya kong tinulak ang balikat ni Papa, "Nako, eto namang si Papa. Sayo talaga nagmana tong si Tom-tom sa pambobola eh." Sabi ko sabay turo sa nakaupo kong kapatid.

"Ay, oo nga pala Pa, bago ko makalimutan." Iniabot ko kay Papa ang sobre na may lamang tatlong libo. "Kasama to sa premyo na nakuha ko dun sa Habulan Ng Baboy."

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now