Chapter 42: All Is Well

1.7K 73 15
                                    

"So? Anong balita?" Tanong ko sa kanya habang nakapatong ang baba ko sa magkahawak kong kamay.

Ngumisi siya, "She smiled at me."

"Yun lang?"

"What do you mean 'yun lang'?! Lia, she smiled at me. Before, she won't even look at me for more than a second!" Manghang-manghang sabi niya, habang hawak-hawak ang puso niya. "Pagkatapos ko siyang ipagluto, the first time hindi niya kinuha. Pero I insisted at nilagay yun sa bag niya, the next day, hindi na siya ganoon ka-cold sa akin. And then after a week, she smiled at me. Unbelievable."

Tinaasan ko siya ng kilay, "Seb, gaano mo na nga katagal sinusuyo itong si Elle?"

"A month?"

"Isang buwan? Tapos ngiti palang yung nakukuha mo?" Natatawang sabi ko sa kanya.

Nawala yung saya sa mukha niya ng isang iglap, "That's like 120% progress, Lia." Sambit niya na may tono na tila tinatama niya yung paraan ng pagkakasabi ko. "A hundred and twenty." Ulit pa niya.

"Hindi ka pa tinamaan sa kanya nang lagay na yan ah?" Sarkastiko kong tanong.

"Tinamaan means head over heels right? Well of course not. Siya yung tinamaan sa akin, she's just hiding it."

"Sige nalang."

Tinuro niya yung tacos na nasa harapan ko, "Are you gonna eat that?"

"Oo naman. Pero sige na, kumuha ka na." Sabi ko sa kanya, sabay tulak sa tacos ko papunta sa kanya.

Hindi naman siya nag-alangan, at kumuha siya kaagad nito. "More people are hating you right now, you know. Two of the Nobles are interacting with you." Sabi niya habang nakatingin sa likod ko.

Sinundan ko yung tingin niya, at laking pagsisisi ko na sa ginawa ko. Karamihan sa mga nakatingin ay babae, at hindi sila masaya sa nakikita nila. Ibinalik ko ang tingin ko sa bumubungisngis na lalaki sa harapan ko, "Binabawi ko na yung friendship natin." Inis kong sabi sa kanya, na sinagot lang niya ng lalo pa niyang pagtawa. "Bakit ba enjoy na enjoy kayong mga Nobles tuwing nakikita akong nagdurusa?"

"Can't help it, everybody loves us." Parang wala lang niyang sinabi.

"Mas gusto ko pa kapag mag-isa ako sa lunch table ko eh." Sabi ko dahil sa kayabangang ipinapakita nanaman niya.

"Weh? I think you meant: I like it better if it's Asher who's sitting with me." Sabi niya. " Well you don't have to worry, he'll be coming soon."

Kumunot ang noo ko, "Ha? Anong pinagsasabi mo?"

Nagulat ako nang biglang tumayo si Seb at inilapit ng sobra ang mukha niya sa mukha ko." Nasisiraan ka na ba ng bait?!" Tanong ko kaagad sa kanya, na sinagot lamang niya ng isang napaka-pilyong ngiti.

"It seems, that one punch isn't enough for you, Sebastian."

Ako na mismo ang lumayo kay Seb, at tumingala upang tignan si Asher na bigla na lamang nasa tabi ng table namin. "That's my seat." Dagdag pa nito, sabay tingin sa inuupuan ni Seb. "Alis." Taboy pa niya.

"Uy, Lia. Pinapaalis ako ng boyfriend mo oh." Reklamo sa akin ni Seb.

"What? Lia?!"

Sinamaan ko ng tingin si Seb na tila ba nagsasabing 'Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, baliw ka! ' Nang bigla nalang tumakip sa mga mata ko. "Wag mo siyang titignan." Biglang sambit ni Asher. Hindi ko tuloy napigilan ang mapangiti.

"Wow, so cheezy." Kumento ni Seb.

Sinipa ko nalang sa ibaba ng table yung paa ni Seb para manahimik na siya. "Don't touch him." Sita naman kaagad ni Asher, sabay harang naman sa ibaba ng table gamit ang kanyang kaliwang paa. "Bakit hindi ka pa umaalis?"

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now