Chapter 38: Friends For Real

1.6K 56 3
                                    

Huminga ako ng malalim at tumango. "Sorry. Nastress lang ako kasi dumating ako wala si Tom-Tom sa kwarto niya tapos- si Papa- kayo-tayo." Napapikit ako. "Hindi ko na alam."

"I completely understand. Alam ko namang pagdating sa pamilya mo, ready kang magbeast mode anytime." Tumatawang sabi niya. "Partly my fault, hindi ko kaagad sinabi sayo. Biglaan din naman kasi, Tom-tom wanted to go inside, e nakawheelchair siya so I had no other choice."

"Sorry talaga, ang dami ko lang kasing iniisip eh."

"Hm? Like what?"

Tumingin ako sa kanya, "Ha? Eh- wala."

"Are you sure?"

Tumahimik ako sandali, bago ako magtanong. "Asher, gaano kayo kaclose ni Brent?"

"Brent?" Gulat at nagtataka niyang tanong. Nang tumango lamang ako bilang sagot, nagpatuloy siya sa pagsagot sa tanong ko. "He and I are basically brothers. We grew up together, why did you ask?"

"W-wala naman. Curious lang."

Tinaasan niya ako ng kilay, "What is it, Thalia?"

Umiling ako, "Wala nga."

"I know there's something."

"Weh? Paano?"

"I just do." Pagmamatigas niya. "I can read you. Kaya, tell me what's going on. Is there something he said?"

"May dapat ba siyang sabihin?" Ako naman ang nagtaka sa sinabi niya ngayon.

"Stop answering my questions with questions. What is this about?"

Bahagya akong napaurong. "Oh? Bakit ka galit? Nagtatanong lang ako eh." Sabi ko sa kanya ng mapansin kong may tensyon nang pumapaibabaw sa aming dalawa. "Wala nga lang kase. Tinatanong lang niya kung hindi ka na ba papasok sa trabaho."

"He did?" Sambit niya. "But I already told him I quit."

"EH?!"

Napakamot sa ulo niya si Asher. "I guess I forgot to tell you?"

"Nagquit ka na sa shop? Bakit? Paano? Kailan?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya. Nagquit siya sa trabaho niya sa Coffee Shop? Alam kong hindi naman niya talaga kailangan ang kinikita niya sa shop, pero hindi ko rin inaasahan na biglaan siyang aalis. Lalo't kung kailan nagbalik na yung pinsan niya.

Pero kung iisipin, hindi ba't parang pabor sa akin ito? Ilang oras ko na ring iniisip kung anong mangyayari sa shop kapag kaming tatlo nina Asher at Brent ang nandoon. Tapos ngayon, nagquit na pala si Asher. Ibig sabihin, hindi ko na kailangang problemahin iyon, hindi ba?

"I got tired."

"Tired? E parang nasa likod ka lang naman ng counter palagi eh?"

Tumawa siya ng bahagya, "Maybe. Well- I just didn't want to work there anymore."

"Bakit?"

"Alam mo, halatang ayaw mong malayo sa akin eh."

"Sino may sabi?" Pabalang kong tanong sa kanya. "Nagulat lang ako kasi bakit biglaan? Tsaka kailan pa to?"

"I've talked to Brent about this even before he came back." Sabi niya, na labis kong ikinagulat. "Well, it's not like I was seriously having a part time job. I was just distracting myself of some sort." Dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bakit, pero nakaramdam ako ng pagkainis. "Ganun na katagal? Bakit di ka nagsabi?" Tanong ko.

Mukhang nagulat siya sa tinanong ko. Maging ako ay nagulat dahil itinanong ko iyon at lalo na sa paraan kung papaano ko itinanong ito sa kanya. "Ang dami mo naman palang hindi sinasabi sa akin. Una yung kina Papa at Tom, ngayong yung sa pagquit mo. E baka naman mamaya niyan, magkausap na pala kayo ni Hyacinth tapos wala pa rin akong alam." Bulalas ko.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now