Chapter 44: Surprise!!!

1.6K 60 5
                                    

"Parefill naman nitong spray bottle ko." Pakiusap ko kay Caitlin na nasa loob ng counter. Iniabot ko sa kanya ang spray bottle na ginagamit naming panlinis ng mga mesa. "Salamat!" Masayang sambit ko.

"Hala siya? Bakit ang saya-saya mo? Anong pinag-usapan ninyo ni Sir Brent, ha?" Tanong niya. "Nangangaliwa ka no!" Dagdag pa niya.

Itong si Caitlin talaga!

"Baliw! Nag-usap lang kami. Tungkol lang yun sa trabaho, ano ka ba. Anong nangangaliwa! Sssh! Mamaya anong isipin ng mga customer eh!" Sita ko sa kanya.

Ngumiti siya, at tinakpan niya ang bibig niya na animo'y hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari. "Aww! Dalaga ka na bebe Lia! Parang kailan lang nung unang pasok mo sa shop at mag-aapply ka ng trabaho, ngayon luma-love life na si ateng!" Eksaherada niyang sabi.

"Caitlin!" Natatawa kong sabi. "Tigilan mo nga ako diyan!"

"Ikaw na talaga, ikaw na talaga ang pinagpala sa babaeng lahat." Muling sambit niya. Akala ko nang-aasar nanaman siya dahil sa naging pag-uusap namin ni Brent, pero napansin kong nakatingin siya sa labas ng shop kung saan nakatalikod ako.

Pagtingin ko sa kung saan siya nakatingin, wala akong ibang nagawa kung hindi ang manlaki ang mga mata sa nakita.

Binuksan niya ang pinto at pumasok ng shop, "Hello." Matipid at masaya niyang bati.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Asher!" Masayang bungad ni Caitlin. Nagmamadali itong lumabas mula sa station at niyakap si Asher. "Bakit ngayon ka lang nagpakita?!"

Niyakap din siya ni Asher. Hindi naman nakakapagtaka na naging close sila. Tatlong buwan ding nagtrabaho rito si Asher, at sa sobrang daldal ni Caitlin, hindi malayong magkakasundo sila pagkatapos ng ilang linggo. Pagkatapos lang ng ilang segundo, inalis na ni Asher ang pagkakayakap niya. "Oops. Ryan will get mad." Sabi niya na ikinatuwa ko.

"He!" Bulyaw sa kanya ni Caitlin.

Tapos ay inilapit ni Asher ang mukha niya sa tenga ni Cait, "And my girlfriend will get jealous."

"Mukha mo!" Bwelta ko kaagad sabay ng suntok sa tiyan niya.

"Gwapo!" Sagot naman niya kaagad habang hawak ang tiyan niya. "Teka, I thought you were with Brent?"

"Oo! Sa sasakyan ni Sir Brent kanina! Ang tagal nga nila bago lumabas eh!"

Sinamaan ko kaagad ng tingin itong bruha sa tabi ni Asher. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon, pakiramdam ko lang ay hindi iyon tama at hindi maganda tignan. "Tara i-ditch mo na yung shift mo." Mariing sabi ni Asher.

"H-ha? Ayoko nga! Sayang sweldo!" Tanggi ko.

Pero hindi nakinig si Asher, bagkus ay hinawakan niya ako sa braso at hinila palabas. "Uy! Teka yung gamit ko nasa staff room pa!" Reklamo ko.

"Kunin mo nalang bukas."

"Ha?!" Gulantang kong tanong. "Teka! Hindi pa tapos yung shift ko eh!" Bwelta ko parin.

"Where do you think you're going with my employee?"

Pareho kaming natigil ni Asher nang magsalita si Brent. Natigil, ibig sabihin tinigilan na niya ang pagkaladkad sa akin. Noong una ay tinignan lang ni Asher si Brent. Nawala lamang ang tensyon na panandaliang naroroon nang una ng nagsalita si Brent. "Seems like you've been keeping alot of secrets from me, Lance." Sambit niya.

"I could say the same thing to you as well, Brent."

Nagulat ako ng makita kong ngumisi si Brent. Isang bagay na sa tinagal-tagal ko rito sa shop ay hindi ko naisip na makikita ko.

Western Heights: Casanova's PropWhere stories live. Discover now