Chapter 27 : Call From Abroad

1.7K 51 3
                                    

Pinupunasan ko ang table nung umalis na maarteng estudyante ng Western Heights nung tinawag ako ni Caitlin, "Lia! May tawag ka sa phone!"

Huminga ako ng malalim at inilagay yung basahan sa bulsa ng apron ko at tumungo pabalik sa counter. Tinignan ako ni Caitlin, "Pamilyar yung boses, kaso ayaw sabihin kung sino." Sabi niya sa akin.

"Sige, salamat nalang." Sabi ko sa kanya.

Ginalaw-galaw ko muna yung ulo ko dahil nangangalay na ito sa buong gabing pagttrabaho, bago ko kinuha yung telepono at itinutok sa tenga ko. "Hello?" Tanong ko.

"You must be tired. I'm sorry for bothering you." Sabi ng tao sa kabilang linya.

Isang lalaki. "Ay hindi, hindi. Okay lang. Sino nga pala to?"

"Why don't you take a guess?"

Sa totoo lang, pagod na pagod ako ngayong araw at wala ako sa mood na makipaglokohan sa telepono. "Wait, don't hang up on me! Okay?"

"Pano mo nalamang gagawin ko yun?" Tanong ko sa kanya. Tapos ay tumingin-tingin ako sa paligid ko. Bigla tuloy akong na-paranoid, pakiramdam ko may nakatingin sa akin kahit wala naman akong makitang taong may hawak na kahit anong telepono sa paligid. "Sino ka?"

Narinig kong tumawa siya mula sa kabilang linya at napakunot ang noo ko. Tama si Caitlin, pamilyar nga yung boses.... "Sir Brent?"

"I told you, just call me Brent. Remember?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa tama yung hula ko kung hindi dahil sa gulat na tumawag siya at ako ang gusto niyang makausap. "Bakit ka pala tumawag? May ihahabilin ka ba tungkol sa cafe?"

"Nope. Ryan has everything under control." Sabi niya.

"So... bakit ka nga napatawag?" Tanong ko ulit.

"I just want to ask kung kumusta ka na. How are you, Thalia?" Ano raw?

Pinilit kong wag nalang kwestiyunin ang tanong ni Brent, kahit pa inuulan na ako ng napakaraming tanong sa kaloob-looban ko."Mabuti naman ako, ikaw?"

"Good. But I really miss home, and some people." Pilyo niyang sabi. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang yun, pero sumagi sa isip ko na kasama ako sa mga sinasabi niyang taong yun dahil sa tono ng pananalita niya. "How's Western Heights?"

Hindi ako kaagad nakasagot, "Thalia?"

"Ah! Uhm, okay lang naman. Masaya paminsan." Kung saan ko man galing yung sinabi kong masaya, hindi ko na rin alam. Pero totoo siya, hindi ko lang yun sinabi para lang may masabi ako kay Brent.

"Really?" Mapagduda niyang tanong. "Well I guess Asher's been keeping an eye on you? I asked him to protect you for me."

Bahagya akong natawa, "Protect? Ako? Si Asher?"

"Why? Isn't he?"

Umiling ako, kahit hindi naman niya ako nakikita. "Ay oo, oo." Sabi ko nalang. "Tsaka hindi naman kailangan, Brent eh. Wala na silang ginagawang masama sa akin." Sabi ko sa kanya. Medyo totoo naman yung sinabi ko. Nababantayan ako ni Asher sa isang kakaibang paraan, magpanggap na boyfriend ko. At iyon na, hindi na ako sinasaktan ng kahit sino sa Western Heights.

"That's very nice to hear. Even if I wanted to protect you myself, hindi ko magawa because I'm in another country."

Ramdam kong nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. "Sus." Ang tanging nasabi ko.

Biglang tumingin sa akin si Caitlin mula sa station niya. "Uy ano yan? Bakit ang landi ng pananalita mo?!" Tumatawang pang-iinis niya. "Ano yung 'sus' na yun?!" Panggagaya pa niya sa akin.

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon