She Who Dares Wins

By deymkewlkiddo

453K 9.7K 986

Guns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could ... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 27

12.7K 266 33
By deymkewlkiddo



Chapter 27: Ang Nakaraan

(I just used the surnames of the characters for the names of their daddies para malinaw and madaling i-type hahaha)

"Maganda sana ang gym na iyon kung matatapos agad itayo." Sabi ng isang lalaking nakasuot ng T-shirt, nakamaong, at naka-combat shoes. Lahat sila ng mga kasama niya ay naka-tuck in at suot ang mga cap nilang kulay bughaw na may agila sa gitna. Bawat isa sa kanila ay may dalang kapirasong kahoy na ginagamit nilang panakot sa mga kawawang humaharang sa kanilang daan.

"Matagal pa iyon bago matapos." Sagot ng lalaking nangunguna sa kanila.

"Ang tagal naman kasi. Kating-kati na ako maglaro ng basketball." Sabi ni Galang. Ang pangalawang pinuno ng pinakamalaking organisasyon sa ADLSH ilang taon na ang nakakaraan.

Natawa naman si Valdez na siyang nagunguna sa buong grupo. (Can't imagine. Ang bait tingnan ni Daddy Valdez 😭😂)

"Mayroon namang half-court dun sa bakanteng lote sa likod ng tinatayong gym. Maari naman tayong maglaro doon kung iyong gugustuhin." Sagot nito sa matalik na kaibigan. Naglalakad sila sa nagtataasang damo. Hinahampas naman ito ni Valdez para hindi siya mangati kung sakaling tatama sa kanya ang mga damong iyon.

Halos dalawampung katao ang nakasunod sa kanya na may kaparehong kasuotan din. Masaya silang nagkukwentuhan tungkol sa mga gawaing kanilang ginawa sa organisasyon. Nagkaroon kasi sila ng frat war at iba pang 'laro' nung nakaraang linggo at lahat naman ay mukhang nagkasiyahan.

"Supremo", tawag sa kanya ng isa pang kaibigan na si Ho na kasama rin sa paglalakad na iyon, "May bagong estudyante daw ah." Pagpapatuloy nito. Napahinto naman ang kanilang pinuno. Hinarap siya nito nang nakakunot ang noo.

"Ha? At saan mo naman narinig ang balitang iyan?" Takang pagtatanong nito. Setyembre na kasi kaya nakakapagtakang may mag-eenroll pa sa kanyang paaralan.

"Nakita ko lamang ang kalaro ko sa kompanya ni papa noong nakaraang linggo. Kinausap ko siya at sabi niya, unang araw niya sa paaralang ito ngayon. Kung ating makukuha iyon para sa ating grupo, mas lalakas tayo." Sagot naman siya sa kaniyang pinuno.

"Malakas naman tayo." Pagbabalik salita ni Valdez.

"Ngunit kung siya ay mapupunta sa grupo ni De Leon, maaaring mapantayan na nila tayo." Sabi naman ni Fajardo dahil kakilala niya din ang lalaking tinukoy ni Ho. Kilala ito sa mga martial arts competition na siya ding sinasalihan nila ni Galang. Hindi nga lang nila aakalaain na papasok ito sa pinakamagulong paaralan nung panahon iyon. Mukhang tahimik at responsableng tingnan kasi ang lalaking tinutukoy nila kaya't nakapagtataka na pumasok ito sa ganitong klaseng paaralan.

"Pag-iisipan ko." Sagot naman ni Valdez.

"Ayun siya oh." Pagtuturo naman ni Pineda na nandun din nung araw na iyon.

Napalingon doon si Ginoong Valdez at nakita niya ang isang matangkad na lalaki. Ito ay may kaputian at may pagkamestizo. Sa unang tingin pa nga lang ay makikta na isa siyang tahimik na tao. Sa pagkakatayo nito, makikita rin ang pagiging confident nito.

"Mike Lazaro, supremo. Ang matalik na kaibigan ni De Leon." Sabi ni Ho kay Valdez.


Tumango naman si Valdez at saka itinakbo ang distansya nila ni Lazaro. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama niya nung mga panahon na iyon.

Nang matigil sa harap ni Lazaro ay inilahad agad ni Valdez ang kamay nito. Tiningnan lang ito ni Lazaro na may halong pagtataka. Kilala niya ang lalaking nasa kanyang harapan ngunit hindi niya alam kung bakit siya nito nilalapitan.

"Ruel Valdez." Sabi nito nang may ngiti.

Mukhang nakuha naman agad ni Lazaro ang ibig nitong sabihin kaya tinanggap niya ang kamay nito. Siya na rin ang unang bumitaw. Ang nais niyang makita ngayon ay ang matalik na kaibigan na si De Leon. Siya ang dahilan kng bakit siya nakapasok sa isa sa mga pinakasikat na paaralan noon.

"Mike Lazaro. Kilala na kita, supremo." Sagot nito.

"Welcome sa ADLSH." Singit ni Ho at Galang sa usapan ng dalawa. Ngumiti naman si Lazaro dahil kilala niya rin ang mga lalaking iyon.

"Nasaan ang silid ni De Leon?" Tanong nito sa dalawa.

Tinuro naman nila ang kulay berdeng gusali sa may bandang dulo, kung saan nakatira ang mga archers. Tumango sa kanila si Lazaro at nagpasalamat. Tiningnan nito si Valdez at tumango rin lang ito sa kanya. Agad siya tumakbo papunta sa silid ni De Leon.

"So hindi talaga kasali si dad sa frat?" Tanong ni Dennise sa kausap.

"Yup! Just like you, pinag-aagawan siya ng isang Valdez at ng isang De Leon." Sagot naman ni Bang nang may halong pang-aasar na tawa. Hindi na lang iyon pinansin ni Dennise.

Nasa gym ang dalawa dahil iyon ang base nila Alyssa. Nang muling makapasok si Den sa paaralan ay agad siyang dumiretso sa gym para tanungin ang kung sino mang matagpuan niya dun tungkol sa mga kaganapan sa loob ngayon. Si Bang naman ang una niya nakita na nakaupo pa rin sa wheelchair.

"What happened next? Anong nangyari? Bakit nagkaaway si dad at si Löwe?"

Lumipas ang ilang linggo at wala pa ring grupong sinasalihan si Lazaro. Nang mga panahon na iyon ay required silang sumali sa dalawang grupo, ang mga Archers at Eagles. Hindi naman makapili si Lazaro. Hindi naman sapat na dahilan na matalik niyang kaibigan si De Leon para sumali doon.

Madalas din ay napapasama siya kay Valdez dahil kaklase niya ito sa lahat ng subjects. Tinuturuan pa siya nitong tumakas sa mga klase na hindi rin naman alam ni De Leon. Dahil kapag nalaman niya iyon, paniguradong malalamatan ang pagkakaibigan nilang dalawa. Noon pa man ay inggit at galit si De Leon kay Valdez dahil sa respeto at pagiging espesyal nito sa lahat ng tao kahit na hindi naman ito karespe-respeto para sa kanya.

Inabutan siya ni Valdez ng kapirasong sigarilyo at hinithit namn niya nito. Nasa labas sila ngayon ng paaralan. Mas gusto niya lang talaga sa labas dahil hindi siya pinapagalitan ng mga tauhan ng kanyang ama. Kahit na tuwing Sabado ay pinapalabas sila, nagagawa pa rin niyang tumakas lalo na pag klase dahil sa gusto niya lang.


"Nagtataka lang ako. Bakit hindi mo ako pinipilit na sumali sa kahit anong grupo?" Tanong ni Lazaro sa kanya. Inubos muna ni Valdez ang sigarilyo at saka tinapon ito at inapak-apakan.

"Hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo. Gaya ng pagsama mo sa akin ngayon at paghithit ng sigarilyong iyan. Pinili mong gawin yan kaya mo ginagawa yan. At saka, mukhang hindi ka naman pwede sa grupo-grupo. Lagot pa kami sa tatay mong abogado." Natatawang sagot ni Valdez.


"Si De Leon kasi eh. Pinipilit ako." Sagot naman ni Lazaro.

"Eh bakit hindi ka sumali doon? Ayos lang naman sa akin." Tanong ni Valdez.

"Ewan ko. Hindi na kasi yun ang De Leon na nakilala ko eh. Nakakapanibago. Hindi ma siya yung matalik na kaibigan ko." Sagot naman ni Lazaro.

Nagkibit-balikat naman si Valdez kahit na alam naman niya ang totoo.

"Hindi ba't may kaibigan din kayo noon? Anong nangyari?" Tanong ni Lazaro.

"Ewan ko ba sa kaibigan mo. Wala namang grupong ganito noon. Barkada naman kami noon. Si Ho, Galang, Fajardo, Pineda, De Jesus at saka yung iba pang nasa loob. Tapos simula nung lumabas kami, tumakas kami, pumunta kami sa park, nagbago siya. Bigla akong sinapak at humiwalay na sa grupo. Bubuo na daw siya ng grupo." Kaswal na sagot ni Valdez.

"Park? Ayun ba yung malapit sa ilog?" Tanong naman ni Lazaro dahil nabanggit sa kanya ni De Leon iyon nung nagpapalitan pa sila ng liham.

"Sa tingin ay yun nga. Bakit mo namang natanong?" Tanong ni Valdez kay Lazaro na tapos na rin sa paninigarilyo.

"Sa aking pagkakaalam, kaya siya'y humiwalay sa inyp sapagkat inagaw mo raw ang kanyang kasintahan." Walang emosyong sinabi ni Lazaro. Napahalakhak agad si Valdez matapos ang ilang segundo nang marinig niya iyon.

"Seryoso ba?" Natatawang tanong nito at agad namang tumango si Lazaro.

"Wala akong inagaw. Yung magandang dilag na iyon ang lumapit sa akin." Natatawa pa ring sagot ni Valdez.

"Ganun ba? Galit na galit pa naman sa'yo si De Leon. Iba na yung galit niya eh. Hindi na dahil sa babae iyon. Tingin ko ay may pinaghuhugutan pa siya na mas malalim pa sa alam kong dahilan." Sabi naman ni Lazaro.

"Alam mo, yung kaibigan mo, nabulag na sa ideya ng pamumuno sa maraming tao. Yun kasi ang nakita niya nang sinali siya ni Galang sa grupo. Siya kasi ang nagdedesisyon para sa barkada noon at lalo na sa buong paaralan. Ayoko naman kasi mamuno kaya hinayaan ko siya. Kaso iyon, at naging ganun siya. Naging sakim sa kapngyarihan. Gusto lahat, sumusunod sa kanya kahit parang mali na. Kaya kumilos na rin ako kasi ako naman talaga ang totoong may kapangyarihan. Kahit na siya ang 'namumuno', ako pa rin ang sinusunod ng mga tao kaya nagalit ata sa akin. Mas lumalim lang noon ang galit niya dahil sa kasintahan niyang nilalapitan ako. Hayaan mo na. Wala naman sa akin iyon. Laro-laro lang ang pag-aaway namin. Nasa kanya na yun kung papalalimin niya at papatagalin itong gulong ito." Sagot naman ni Valdez.


"Pagkatapos ng pag-uusap nilang yun, pinili ng daddy mo yung grupo nila dad at ang daddy ni supremo. Nagalit naman si Sir De Leon. One day, nagsneak in sila sa dorm ng daddy ni Ly at sinunog lahat ng gamit niya, kasama na yung mga sulat ng mommy ni daddy Valdez. Gaya ni Ly, pareho silang malapit sa magulang kaya nagalit na din si Sir Valdez. Ayun, pinakick-out lahat ng kasali noon. Kasama doon ang daddy nina Laura, na ngayon ko lang nalaman na naging ex ni Ly, Mika Reyes, Mich, Gaston sisters, Fel Cui at iba na ngayon ay nasa Archers. Nagtaka nga ako na lumipat pala si Ara at Kim noong nawala ako sa school kasi originally, sila tito, nasa Eagles side. Maybe dahil nag-away daw sila ni Ly. I still don't know the reason. Hindi na nila kinuwento. Ni hindi na nga kami nakapagcatch up dahil malaki oa ang problema nila, natin. Pero anyway, mukhang ako lang ang kinuwentuhan ni Daddy about dito. Kaya siguro ako rin yung target ni Luigi noon kasi alam niyang ako lang ang may alam sa aming magkakaibigan kung sino yung nanggugulo sa amin."

Tumango si Den. Kasali pala talaga ang daddy niya sa gulo. At anrealiza niya kang ngayon na kung pasaway na siya, mas pasaway ang daddy niya noon. Alam na niya kung kanino siya nagmana.


"Pare..."

"Wag mo akong mapare-pare, Lazaro! Ano 'to? Bakit naririnig kong nasa grupo ka na ni Valdez? Akala ko ba ayaw mog sumali sa mga ganito kaya ayaw mong makigrupo sa akin?" Galit na tamong ng matalik niyang kaibigan.


"Dahil alam ko yun ang tama. Mali na 'tong ginagawa mo." Sagot naman ni Lazaro sa kanya.

Malalim ang tingin niya nang nilingon ni De Leon si Lazaro.

"Anong sa tingin mo kay Valdez? Mas masahol pa iyon sa akin kung pagttripan ang mga taong nandito! Matalik pa man din kitang kaibigan!" Sigaw ni De Leon sa tahimik na si Lazaro. Inayos nito ang salamin niya bago sinagot ang mga pinagsasabi sa kanya ng taong sa tingin niya ay gusto siyang bigwasan.


"Pasensya ka na. Buo na ang aking desisyon." Sabi nito bago tinalikuran ang dating kaibigan.


Malakas at may diin na tinawag ni De Leon ang papalayong pigura sa kanyang harapan. Hindi basta-basta ganito magdesisyon ang taong iyon nang makilala niya ito. May mas malalim pang dahilan.


"Nauto ka ng Valdez na iyon. Akala ko pa man din ay matalino ka." Sabi nito na may panunutyang tawa.

Tumigil si Lazaro dahil ayaw niyang kinukutya lang siya ng mga tao. Nagsalita siya pero hindi niya hinarap ang kausap.

"May sarili akong isip, De Leon. Hindi kagaya mo. Emosyon na ang nagpapatakbo ng utak mo kung posible man iyon. Masyado ka nanag galit sa lahat. Masyado ka nang naiinggit kay Ruel. Hindi ko sinasabing mali ang magalit at ang mainggit dahil normal lamang sa isang tao ang maramdaman iyon. Ang sinasabi ko lang aya mali dahil sumusobra na ito at wala ng tamang dahilan para maramdaman mo iyon sa taong tinuring ka din naman kaibigan. Kung emosyon ang mangunguna sa'yo, ikaw lang din ang masasaktan sa huli." Sabi nito at muling nagpatuloy sa paglalakad. Nilagay nito ang kanang kamay sa bulsa at kumaway sa dating kaibigan nang hindi man lang ito tumitingin.

"Mas pinili mo ang tusong iyon, Lazaro. Gaganti ako sa inyo. Babalik ako sa paaralan na ito at magiging akin dito. Kung napaalis niyo ako ngayon, mangyayari din iyon sa inyo sa susunod na panahon. Itaga niyo yan sa bato."





---

"Ano na? Ang tagal magdesisyon!" Sigaw ni Bei dahil di pa rin kumikibo ang grupo ni Alyssa. Nilingon na lang muli ni Alyssa ang mga kaibigan. Tumango na lang sila dito dahil alam naman nila ang iniisip nito.

"Wala na kaming ipanglalaban pa..." Sagot ni Alyssa dahil masyado nang marami ang sugatan sa grupo niya. She can't risk their lives anymore.

"Tsss. Suko ka na? Papatayin na ba namin 'tong mga tatay niyo?" Ang-asar na tanong ni Bea. Hawak niya si Den ngayon na may takip sa bibig. Pumipiglas ito pero dahil mas malakas nang di hamak si Bea ay wala ding kwenta iyon.


"Wala na kaming ipanglalaban pa kundi kami nila Ara, Gretch, at Kim. Kaming apat laban sa mga libo mong tauhan." Sagot ni Alyssa. Napailing nang marahas si Den at pilit na sinasabing 'wag' dahil baka mapahamak si Alyssa pero hindi niya mabuo ang mga salita.

Umalingawngaw sa tahimik na lugar ang malakas na pagtawa ni Bea. Hanggang sa sinundan na ito ng mga tawa ng mga tauhan niya kaya agad din siyang sumigaw.

"Sinabi ko bang tumawa din kayo?!" Sigaw niya sa mga ito. Agad namang tumahimik muli sa field na tanging mahihinang daing ng mga sugatan at ang nagliliyab na apoy na lang ang maririnig.

Muling tumawa si Bea pero mas mahina kumpara sa una. "Kayong apat laban sa libo-libo kong tauhan? Nagpapatawa ba kayo?" Tanong nito.

Tumingin si Ly sa kanyang ama at nakitang mukhang ayos naman ito sa kamay ni Löwe na may ngiting tagumpay sa mukha.

"Okay pa si dad."

"Oo!" Malakas na sigaw ni Alyssa na siya ring umalingawngaw sa paligid. "Kaming apat sa mahihina mong mga tauhan. Palibhasa ay duwag ka. Hindi mo ako kayang labanan na kakailanganin mo pa ng libong tauhan para mapatumba ako." Mayabang na sinabi nito. Agad umigting ang panga ni Bea. Binigay niya si Den sa tauhan na nasa tabi niya at humakbang paharap.


"Mahina ka." Dugtong pa ni Alyssa. Mas lalong nagalit si Bea. Kota sa mga mata nito ang galit kahit na parang wala siyang ekspresyon. Kinuyom niya ang kanyang kamao at napansin din ito ni Alyssa kahit na nasa malayo pa man siya. Lihim siyang napangiti pero may bahagi din sa puso niya na nasaktan nang dahil tinuring niya rin kapatid ang abbaeng nasa kabilang dulo ng kaguluhang ito.


"Ha! Sa lahat ng bagay naman ay mahina ka. Kung hindi ka lang siguro dumikit-dikit sa akin ay wala kang kwenta sa paaralan ko. Ni hindi ka nga mananalo sa kahit anong frat war na sinalihan mo kung hindi mo dala ang pangalan ko. At pinakahigit sa lahat, hindi mo nakuha ang babaeng gusto mo nang dahil sa mahal niya ako at ako, mas mahal ko siya." Dugtong pa ni Alyssa kaya mas lalong nagliyab sa galit si Bea. Hindi niya gustong ipamukha kay Bea iyon pero kung yun ang paraan para kumilos ito, gagawin niya iyon.

"Sorry, Den. Kailangan kong sabihin iyon para galitin si Bea. Di bale naman. Mahal naman talaga kita."

"Manahimik ka kundi babarilin ko ang bungo ng mga tatay niyo!" Sigaw ni Bea. Napatigil sa pagngiti si Alyssa at ngayon naman si Bea ang may ngiti sa labi. Napawi ito ng ngumisi si Alyssa at nagawa pang humakbang paharap.

Wag kang pahahalata


"Kaya mo?" Tanong ni Alyssa.


"Bea..." Malalim na boses ni Löwe ang narinig.

Para itong boses na nagmumula pa sa ilalim nang lupa sa sobrang lamig. Sa boses pa lang nito ay tumayo na agad ang balahibo ni Alyssa. Natigilan siya pati ang pagtibok ng puso niya. Gumapang sa buong katawan niya ang kabang hindi niya pa nararamdaman buong buhay niya. Napahawak na lamang siya sa kwintas na binigay ng nanay niya. Ang tanging nagbibigay lakas tuwing nanghihina siya. Pero maging iyon ay parang walang epekto sa malalim na boses pa lamang ni Löwe.

Lumingon si Bea sa ama. Maging ito ay di pa rin sanay sa boses ng ama.

"Yes, dad?" Tanong nito na ramdam din ang napakalamig at lalim na boses ng ama. Madalang niya lang ito mapakinggan dahil madalas ay sa telepono niya lang ito nakakausap.

Nanginginig man ay tumindig pa rin si Bea sa harap ng tatay niya.


"Bilisan mo na habang maliwanag pa. Teritoryo ng mga taong ito ang gabi." Maikling sinabi nito. Tumango si Bea at saka sumigaw sa kabila ng takot sa ama.

"SUGOD!"

At muling umingay sa paligid. Tumakbo paabante ang mga kawal kung maituturing ni Bea na may mga suot na armor at may mga dala ding espada. Naubos na kasi ang bala nila kanina at sinira ng grupo nila Alyssa ang mga spare weapons nila kaya wala silang pagpipilian kung hindi ang mga espada na lamang.

Hinagisan sila Alyssa, Ara, Gretchen at Kim ng espada ng mga kaklase nila mula sa mga fallen warriors.

Gaya ng nakaugalian noon, gumawa ng maliit na hiwa ang apat sa kaliwa nilang palad at saka sumipsip ng kakaunting dugo bago sumugod para harapin ang kalaban. Para sa kanila ay nagbibigay ito ng lakas.


Nagtagpo sa gitna ang apat laban sa isang libong tao. Mas maraming sumugod kay Alyssa gaya nang inaasahan pero agad niya rin itong napatumba.


"Wait lang." Sigaw ni Alyssa nang mapagod. "Woooh!" Paghinga nito.

"Game!" At nagpatuloy ang laban. Pinalibutan siya ng sampung tao. Paikot-ikot ang mga ito at sinasabayan lang iyon ni Ly. Pinakiramdaman niya ang kilos nila bago siya gumalaw. Nang may magtangkang lapatan siya ng espada ay gad niya itong inunahan. Natamaan ito sa gilid kaya ito napaluhod. Ginamit ni Ly ang pagkakatong iyon para masipa ang nasa likuran niya. Tinamaan ito sa tyan kaya agad ding tumumba. Sinalag niya ang espadang palapit sa kanya at nagcause pa ito ng saglit na pagliyab.



Pawis, at dugo na ang tumutulo mula sa katawan ni Ly pero hindi na niya ito napansin pa. Patuloy lang siya sa pakikipaglaban hanggang sa nahiwaan siya ng maliit na lalaki sa pisngi. Kahit na maliit lamang ito ay mahapdi pa rin iyon dahil nadadaan ito ng pawis niya. May kakaunting dugo din ang tumulo mula roon.


"Gago ka ah." Sabi ni Alyssa at saka binali ang kamay ng lalaki hanggang sa mapaluhod ito. Tinadyakan niya ito kaya napatumba.

"ALYSSAAAAA" sigaw ni Den nang matanggal niya ang kanyang takip sa bibig. Nakita niya rin kasing may aatake sa nakatalikod na si Alyssa.


Napansin naman iyon ni Alyssa kaya tinadyakan niya ito sa maselan bahagi ng lalaki kaya napadaing ito nang napakalakas.


"That's what you get." Sabi ni Alyssa at saka ngumiti.

"WAG KANG NGUMITI DYAN MAY NINE HUNDRED EIGHTY PLUS -----" Sigaw ni Den na agad din tinakpan ni Lau ang bibig.

"Ang ingay." Reklamo ni Lau.

Napailing na lang si Alyssa at muling nakipagespadahan sa kalaban.

Kung sa una ay mukhang nanalo sila dahil buo pa ang lakas ng apat, sa ngayon ay hindi na. Nawala na ang shock sa mga tauhan ni Bea dahil sa galing sa pakikipaglaban ng apat. Isa na din dahilan ay dahil nanghihina na sila. Natamaan pa si Ara sa tagiliran kaya napaupo na siya.

Nagpatuloy pa rin ang tatlo sa pakikipagdwelo pero napahinto ang lahat ng biglang dumilim ang paligid. Tumingin si Alyssa sa relo pero ang nakalagay dito ay mag-aalas kuwatro pa lang. Dalawang oras pa bago ang paglubog ng araw. Tumingin siya sa itaas at nakita niya ang tatlong itim na malalaking helicopter ang lumilipad.

"Leche. Hindi pa nga ubos ang isang libong ito tapos may dadagdag na naman?" Bulong niya sa sarili. Nakaluhod na siya gamit ang isang tuhod dahil nangngalay na ang kanyang balikat sa bigat ng espadang binigay sa kanya. Matagal na rin kasi since yung last na paggamit niya ng espada.

Nilingon niya si Bea at ang ama nito pero maging sila ay mukhang gulat. Nang malapit na sa ground ang tatlong chopper at sunud-sunod na ang pagbaba ng mga nakaitim na mga tao na may dala-dalang rifle bawat isa.

"Dad, nagpadagdag ka ba ng tao?" Rinig ni Ly na tanong ni Bea sa ama. Umiling ito na mayroon ding pagtataka sa mukha. Nagulat na lang lahat sila, maliban sa mga bagong dating, nang biglang tumayo si Ginoong Valdez at saka nag-ayos ng tuxedo niya.


"Okay, show's over. Go home everyone. It's kind of boring." Sabi nito at bumaba ng stage nang pinapagpagan ang dalawang balikat. Napatayo ang nakaluhod na si Alyssa. Maging ang ama na rin ni Bea at ang ibang nakaupo ay tumayo. Ang daddy naman ni Bea ay napatayo at napatingin sa anak niya. May pagtatanong sa mga mata nito.

Tinaas ni Ruel Valdez ang kamay at sumenyas. Sabay-sabay ang pagtutok ng humigit-kumulang ng 100 na katao sa mga nakalaban nila Alyssa. Agad na nagsitaasan ito ng mga kamay.

Nagulat na lang si Alyssa nang may umakbay sa kanya.

"I missed you, supremo." Isang malalim na boses na babae at mabigat na Ingles ang narinig niya. Nilingon niya ito at nanlaki ang mga mata niya.

"AHOMIRO!" Sigaw nito at nagyakap ang dalawa. Sabay-sabay ding pinadapa ng mga agents mula sa Alemanya ang mga tauhan ni Bei. Napahiwalay ang dalawa sa yakap na iyon nang muling sumigaw si Löwe.

"NOT SO FAST, VALDEZ!" Sigaw nito na dumagundong sa buong lugar. Muling tumindig ang balahibo ng lahat ng naroon. Tumigil sa paglalakad si Ruel at saka lumingon sa kanya.

"What?" Malamyang tanong nito. Agad na bumunot ng pistol si Löwe at tinutok ito kay Ruel. Lumapit siya dito pero si Ginoong Valdez ay nanatili sa kanyang kinatatayuan.

"Tingin mo ba hahayaan kitang makatakas?" Tanong nito. Lahat ng atensyon ng mga tao ay nasa kanila.

"Ano bang problema mo?"

"Ikaw." Mabilis na sagot nito.

"Para kang bata eh. Ilang dekada na ba ang nakalipas? Bakit galit ka pa rin sa akin? Hindi ko naman inagaw ang matalik mong kaibigan. Hindi ko rin naman inagaw sa'yo ang pamumuno noon? I'm done with this." Sabi ni Ruel Valdez at saka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.

"DAAAAD" sigaw ni Alyssa nang pinaputok ni De Leon ang baril at natamaan ang likod ng kanyang ama kaya bahagya itong napaluhod.

"Supremo, si Den, hinihila ni Bea. Mukhang tatakas ata!" Sigaw ni Gretchen kaya napalingon siya doon. Pilit na hinihila ni Bea si Den papasok sa school building. Tumingin siya sa nakaluhod na ama at bumalik sa hinahatak na si Den.

By that time, hindi na alam ni Alyssa ang gagawin. Hindi niya alam kung sino ang unang pupuntahan.

"I'll take care of this." Sabi sa kanya ni Amy at saka tumakbo papunta sa school building kung saan hinatak ni Bea si Den para tumakas. Alam na ni Alyssa na may poprotekta na kay Den kaya tumingin siya sa ama niya.

Agad namang tumakbo si Alyssa papunta sa ama niya pero napatigil din siya ng makita niyang tumatayo ito. Sumenyas itong muli sa mga tauhan at agad na naposasan si Löwe.

"Baliw ka na." Tanging sabi nito ng dinaan ang lalaki sa kanyang harapan. Tumakbo naman agad si Alyssa sa gawi ng kanyang ama at saka ito niyakap.

"Anak." Sabi nito.

Muntikan na siyang mapaluha. Mahal niya talaga ang tatay niya. Hindi na niya kakayanin pang may mawala sa kanya nang dahil sa ganitong dahilan ulit. Gagawin niya ang lahat para maprotektahan lahat ng taong importante sa kanya. Hindi na niya hahayaang maulit muli ang nangyari sa kanyang ina,


"Dad, ano ba yun?! Bakit ka nandito?! Tapos maglalakad ka lang ng parang walang nangyari! Paano kung hindi mo suot yang bulletproof mong tuxedo? Edi nakahandusay ka na dyan! Dad naman eh!" Sigaw ni Alyssa sa ama nang humiwalay siya sa pagkakayakap nito.


Napatawa lang sa kanya ang kanyang ama. Madalas niyang nakikita ang tahimik at madalang kumilos na Alyssa pero nawala ito ngayon.

"Come on. Buhay naman ang daddy mo." Sabi nito at nakuha pang magbiro. "Sundan mo na si Bea. Dala niya ang anak ni tito Mike mo." Sabi nito mang may makahulugan na ngiti. Alam niya ang nangyayari sa loob kahit hindi sabihin ni Ly kaya may alam din siya sa namamagitan sa dalawa.

"Dad, shut up." Sabi na lang ni Alyssa dahil alam nito ang tinutukoy ng ama.

"I will. Basta sundan mo na si Den." Sabi nito at saka tumawa. "You might be needing this." Inabot niya ang maliit na pistol. Tinitigan ito ni Alyssa dahil parang pamilyar ito sa kanya.

"Bea" sabi niya na para bang sapat na iyon para maintindihan ni Ly kung bakit inaabot ng kanyang ama ang mumunting baril na iyon. Di niya magagawa kay Bea kung ano man ang nasa isip ng tatay niya. Pero kung sasaktan niya si Den, kakalimutan niya na kahit minsan sa buhay niya, itinuring niyang kapatid ito.

Tinalikuran na niya ang ama at saka tumakbo patungo sa lumang at pinakamatandang gusali ng kanilang paaralan. Pagod man ay hindi na niya maramdaman iyon.

"I will get you, Den. Wait for me." Mariing sabi niya na puno ng determinasyon.


-

Belated happy birthday, deins. Belated AD day. Hahahaha. #lastonetogo

-deym

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...
85K 2.8K 34
Exes. Two people who already have chosen different paths but because of an incident needed to cross paths again.
56K 1.4K 48
Jia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She st...
102K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...