A Gay Cinderella Twisted Story

By absurd018

1.8M 54.3K 9.2K

Bagay na naiisip ko habang walang ginagawa. Storyang kathang isip lamang na pwedeng makaapekto sainyo. Sundan... More

Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Part 19
Part 20
Part 21
Part 22
Part 23
Part 24
Part 25
Part 26
Part 27
Part 28
Part 29
Merry Christmas!
Part 30
Part 31
Part 32
Part 33
Part 35
Part 36
Part 37
Part 38
Part 39
Part 40
Part 41
Part 42
Part 43
Part 44
Part 45
Part 46
Part 47
Part 48
Part 49
Part 50
Part 51
Part 52
Part 53
Part 54
Part 55
BOOK 2: Sneak Peek
Book 2: Part 1
Book 2: Part 2
Book 2: Part 3
Book 2: Part 4
Book 2: Part 5
Book 2: Part 6
Book 2: Part 7
Book 2: Part 8
Book 2: Part 9
Book 2: Part 10
Book 2: Part 11
Book 2:Part 12
Book 2: Part 13
Book 2:Part 14
Book 2: Part 15
Book 2: Bed Scene
Book 2: Part 16
Book 2: Part 17
Book 2: Part 18
Book 2: Part 19
Book 2: Part 20
Book 2: TEEJAY's POV (Before FINALE)
FINALE
Julian's Gift

Part 34

23.3K 651 110
By absurd018

HAPPY NEW YEAR SAINYO!!! MAG INGAT TAYO MAMAYA HA????

Tweet nga kayo guys #TeamAnjoTeejay hahaha salamat :) check ko lang mga active sa twitter :)
++++++++++++++++++

Nagising akong may ngiti sa mga labi ko. Hindi ko mapaliwanag yung sayang nararamdaman ko. Ganito pala feeling ng inlove.

"Goodmorning" ngiti ni Teejay bumungad saken. Nakatigilid siya saken at mukhang kanina pa siya gising.

"Goodmorning pogi" sagot ko naman sakanya.

"Sobrang sarap mong pagmasdan matulog. Natutulog ka na kagabi, gumising pa ako para pagmasdan ka matulog. Tapos gumising talaga ako ng maaga para pagmasdan ka pa lalo" ang ganda ng bungad ng umaga ko dahil sa kanya.

"Ang pogi mo" sabi ko sakanya.

"Aba syempre at dapat ako lang pogi sa paningin mo."

Hinawakan niya mga kamay ko at bumangon kaming dalawa. Pagkatayo namen, niyakap niya ako ng mahigpit at binuhat at pinaikot ikot.

"Teejay ano ba."

"Haha ang saya saya ko lang talaga." Bulong niya sa tenga ko.

"Promise Teejay, sobrang saya ko rin" bulong ko sakanya.

Ang saya sa feeling talaga. Di ako mapakali, parang gusto ko lang siya kausap o kayakap. Basta ang sarap sa feeling.

Nakaporma kami ni Teejay na parang aalis. Hindi naman niya sinabi kung saan kami pupunta kaya nagdamit na lang ako.

Palabas na kami ng kwarto ng hinatak niya ako palapit sakanya.

"May nakalimutan ka" sabay halik sa mga noo ko at halik sa pisngi ko.

"Aba, magnanakaw ka ng halik ah!"

"Haha hindi na pagnanakaw yun kung tayong dalawa na, diba tayong dalawa na? Hihi" sabay yakap saken ng mahigpit.

Ang sarap pala talaga ng ganito. Dapat matagal ko ng ginawa to eh.

Sabay na kaming bumabang dalawa. Kumakain buong pamilya ni Teejay sa kusina.

Ang dami nameng picture ni Teejay kagabi sa roof top. Pinipicturan pala kami ni Kuya Treb. Sobrang ganda ng shots, lalo na nung magkahalikan kami ni Teejay.

Nagpaalam si Teejay na aalis kaming dalawa. Wala pa rin akong idea kung saan kami pupunta.

Habang naglalakad kami sa labas, medyo naiilang ako di ko alam kung bakit. Pero deep inside, kinikilig ako. Parang gusto ko kasi hawakan kamay niya pero nahihiya ako. Iba pa rin pala sa feeling kapag kayo na.

Maya maya, naramdaman ko naman na inakbayan niya ako.

"Gusto ko malaman ng lahat ng akin ka lang at di ka nila pwedeng tignan" sabi niya saken. Di na ako pumalag, gustong gusto ko din naman eh.

Una kaming pumunta sa grotto. Ang sabi niya, gusto niya muna akong ipakilala kay Mama Mary. Medyo na touch naman ako sa sinabi niya.

Pero mas nagulat ako sa kailangan nameng akyating hagdan. Sobrang taas ng hagdan.

"Kaya mo ba akyatin yan ha?"

"Aba oo naman"

Nagulat ako ng hinawakan niya yung kamay ko. First time niyang hawakan yung kamay ko sa public, marami ring tao dito kaya medyo nahiya ako.

"Tara na love?" Nakangiti siya saken at halos mamatay na ako sa kilig ng mga oras na yun. Sobra! Nung hawakan niya kamay ko at tawagin niya akong love. Akala ko korny lang yung ganun pero hindi pala, fvck. Nakangiti lang ako ng todo nung mga oras na yun.

"Hehe tara na pogi" sabi ko naman.

"Bakit naman pogi tawag mo saken? Dapat love din" may konting pagtampo sa boses niya.

"Edi pogi loves. Kasi ikaw lang ang kaisa isa kong pogi na love"

"Edi cute love, kasi cute cute ka tapos love kita!" Sabi naman niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Osige bahala ka loves" sagot ko sakanya. Napansin ko namang ngumiti siya ng malaki nung tinawag ko siyang loves.

Halos walang moment na hindi ako nakangiti habang umaakyat kami sa napakataas na hagdan na yun. Di ko nararamdaman yung pagod lalo na kay Teejay na hindi tumitigil sa pagpapatawa saken.

Pagdating namen sa tuktok, may shrine dun ni mama mary kung saan tahimik at maraming taong taimtim na nagdadasal. Nagtirik kaming dalawa ng kandila at sabay na nagdasal.

Di niya binitawan kamay ko althroughout na nagdasal siya. Taimtim lang din ako nagdasal at nagpasalamat kay Lord.

"Loves?" Tawag niya saken.

Nakatingin saken si Teejay at nakatingin ng seryoso sabay halik sa noo ko.

"Lagot ako kapag iniwan kita, kaya dapat di mo rin ako iwan kundi lagot ka kay Mama Mary" panakot niya saken.

"Haha, parehas lang tayo ng sinabi kay Mama Mary"

"Hehe, tapos ka na ba??"

"Opo. Ikaw loves?"

Ngumiti na naman si Teejay na halatang kinilig.

"Baka mamatay ako sa kilig niyan ehhh" sabay yakap niya saken. Wala na akong paki kung maraming makakita samen.

Pagkatapos nun, pumunta kami sa Botanical Garden. Nagtaxi kami papunta dun. Napakaganda sa Baguio lalo na kapag kasama mo mahal mo.

Mahuhuli ko siyang nakatingin saken tapos kapag titingin ako sakanya, iiwas siya ng tingin sabay ngingiti.

Minsan, bigla niya rin akong hinahalikan sa ulo ko. Sa pisngi ko at sa noo ko. Pero palagi niya akong hinahalikan sa kamay ko. Hindi niya ako hinahalikan sa labi dahil gusto niya masayang memories palagi kapag sa lips ang kiss.

Di ako mapakali talaga. Gusto ko lang talaga na nakayakap kay Teejay. Minsan naman, bigla akong papasan sa likod niya tapos bubuhatin niya ako.

Sumakay uli kami ng taxi at sabi niya pupunta daw kaming Minesview.

"Nag eenjoy ka ba?" Tanong niya saken habang nakaakbay.

"Sobra"

Hinalikan niya uli ako sa ulo ko.
"Ang bango bango mo talaga loves, pwede na kitang halik halikan dito ohh" kinikiliti niya ako sa leeg ko gamit mga labi niya. Tumatawa lang ako ng malakas sa loob ng taxi habang ginagawa niya yun.

Nagkatitigan kami habang napahiga ako sa taxi. Nakapatong siya saken at tinitignan niya akong mabuti sa mga mata. Wala na talaga akong mahihiling pa sa ngayon.

"Uhm andito na po tayo" sabi nung taxi driver. Sht, oo nga pala may kasama pala kaming iba.

"Ahh hehe sorry po" sabay kaming tumayo. Nagbayad si Teejay at bumaba kami.

Hinawakan na uli ni Teejay kamay ko na parang wala lang at pumasok na kami sa park. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero patuloy lang sa pagkekwento si Teejay.

Bigla naman akong natapilok pagpasok, di ko kasi napansin yung humps.

"Ayan, sabi ko naman kasi suotin na yung salamin eh para di natatapilok ng ganyan" paalala ni Teejay.

"Eh kasi di bagay ehhh."

Kinapa naman niya sa maliit na bag na dala ko yung salamin ko. Nilabas niya at sabay sinuot saken.

"Alam mo Anjo, kahit anong suot mo, porma mo, kahit ano pa yan, sobrang perfect mo para sa paningin ko"

Di ko naman maiwasang mapangiti sakanya. Sobrang swerte ko naman talaa kay Teejay.

"Oh diba, cutie loves ko" sabay halik uli sa noo ko.

Una kong napansin sa loob ay yung cute na malaking aso na maraming nagpapapicture.

"OMG! Loves!! Aso!!" Naeexcite ako magpapicture sa dog.

"Oo loves, dog yan. Di mo kailangan sabihin" sabi niya.

"Haha ewan ko sayo tara papicture tayo please???"

Lumapit naman ako sa aso at nagpicture kami. Ayaw niya magpapicture kaya ako na lang.

Sunod namen pinuntahan yung napakagandang view sa park na yun, siguro ayun na yung view sa buong Baguio. Kung sa rooftop nila kita ko yung city, dito pati yung bundok kita. Sobrang WOW sa ganda as in!

"Nagustuhan mo ba??" Tanong niya.

Tumingin ako sakanya at yumakap ng mahigpit.

"Sobra!!! Salamat!!!" Sabi ko sakanya.

"Haha, ang saya saya mo ha??"

"Super. Lalo na sa ganitong view?? Wow!!"

"I love you Anjo, sobra" naging seryoso na naman siya. Pero kahit ganun, sobrang sweet pa rin.

"I love you Teejay," sagot ko naman. Bigla niya uli hinawi yung buhok ko. Tinanggal yung suot kong salamin at hinalikan uli ako sa labi ko. This time, nakangiti kaming pareho habang naghahalikan. Nilagay ko kamay ko sa balikat niya para abutin mga labi niya. Binuhat naman niya ako kaya mas lalong napadiin halik ko sakanya.

Pinagmasdan muna namen yung napakagandang view habang nakayakap siya sa likod ko.

"Hehe, tara na?" Yaya niya saken.

Bago ako makasagot, may lumapit sameng photographer at may inabot na litrato. Picture namen ni Teejay na magkahalikan kani kanina lang.

"Sir, sobrang sweet po ng kiss niyo kanina, di ko po maiwasang hindi makuhanan ng litrato." Sabi ng photgrapher na matanda samen.

"Wow, salamat po!" Sabi namen ni Teejay.

"Hehe, 100 lang po yan sir." Sabi pa niya.

Nagtawanan na lang kami ni Teejay kasi akala namen libre. Pero maganda yung shot kaya kinuha na rin nameng dalawa.

"Hehe salamat po" umalis na yung matanda.

"Haha naloko tayo dun ah?" Sabi ni Teejay.

"Haha hindi ah, ang ganda nga neto eh hehe. Tara na" sabi ko naman sakanya.

+++
Teejay's POV

Ang sarap sa pakiramdam kapag kahawak kamay mo yung taong mahal mo. Di ko maexplain sa sarili ko yung saya na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko si Anjo na masaya. Ubos na ata yung memory ng phone ko dahil sa stolen shots niya.

"Loves, san naman tayo pupunta?" Tanong niya saken. Yung mata niya na nakatingin saken, na parang tinitignan buong pagkatao ko. Fvck, sobrang perfect ni Anjo. Lalo na pag tinatawag niya akong loves, sobrang nakakakilig. Di ko akalain na darating yung panahon na magkakatotoo lahat ng dineday dream ko kay Anjo.

"Kain muna tayo loves" sabi ko sakanya.

"Hehe tara!"

"Sa SM Baguio tayo, tapos inutusan ako mag grocery ni mama eh. Okay lang ba?"

"Oo naman, hehe basta kasama ka" sabi niya. Ayan na nman, yung kilig na nararamdaman ko.

"Halika nga dito" binuhat ko siya na parang bagong kasal. Ang sarap pagmasdan ng ngiti niya kapag karga ko siya. Sobrang natural at sobrang nakakagaan ng pakiramdam. Argh, sobrang mahal na mahal ko si Anjo.

"Teejay ano ba!"

"Haha, ang sarap mo kulit kulitin"

"Haha ibaba mo na ako"

"Ayaw," naglakad kami palabas habang buhat ko siya.

"Nakakahiya, ang daming tao"

"Wag ka nga mahiya. Di naman kita kinakahiya eh, sobrang proud ko kaya sayo may partner akong Anjo diba?"

Tinignan na nman ako ni Anjo. Fvck, di ko maiwasang kiligin kapag tinititigan niya ako. Parang sasabog ako sa kilig.

Yumakap na lang siya saken habang karga ko siya palabas.

May taxi na kaagad sa labas kaya sumakay na kami papunta sa SM Baguio.

Nagkekwento siya ngayon about sa experience niya. Tuwang tuwa siya pero ang nakikita ko lang yung mga mata niya at yung mga labi, nag eecho sa isip ko sinasabi niya pero sa sobrang saya ko talaga, di mawala paningin ko sakanya.

"Loves?? Uyy. Ano na?" Tanong niya.

"Huh? Ano po yun?"

"Ayy di ka naman nakikinig ehhh" sabi niya.

"Hindi, may naiisip lang ako hehe"

"May iba ka pa palang naiisip hmp" bigla siyang umayos ng upo at humarap sa bintana. Hala, nagtatampo si Anjo. Ang cute.

"Uyy loves, wag ka na magtampo diyan" sabi ko. Pero di niya ako pinapansin. Ang cute talaga.

"Cutie loves ko" bulong ko sakanya sabay halik sa ulo. Pero wala pa rin siyang imik.

"Anjowings my love" pero di pa rin niya ako pinapansin.

"Hmmmm, ang bango bango ng loves ko oh. Amoy, creamsilk. Ang tatak Anjo na nakakaadik. Hmmmm" pero di pa rin niya ako pinapansin.

Niyakap ko siya sa tyan saka naglalambing.

"Ang cute ng LQ nating dalawa. Sige na pansinin mo na ako loves"

"Ehhh, di mo naman ako pinapansin ehh" sabi niya.

Grabe! Ang cute cute ni Anjo. Sobrang nakakagigil.

"Ehh hindi po, kasi ang cute mo habang nagsasalita kanina eh, ang sarap halikan ng mga labi mo. Dun ako nadidistract"

"Tse"

"Haha, ang cute cute mo halika dito" hinarap ko siya saken sabay niyakap ng mahigpit.

"Sorry na loves" sabi ko.

"Ehhh, ang dami ko ng sinabi kanina ehh"

"Sorry na kasi hehe dali ano ba yun???"

Ang cute niya lalo na kapag nagpapaawa siya ng mukha. Grabe, sobrang mahal ko talaga to si Anjo. Ang saya saya ko.

"Sabi ko tabi tayo sa bus pag nasa tour na tayo"

"Haha ayan na yun kinakatampo mo loves? Jusko di lang tayo tabi sa bus, tabi rin tayo sa bangka, sa tent, sa lahat!"

"Haha eh kasi ehh...."

"Ahaha ang cute niya magtampo." Pang aasar ko sa kanya.

"Tse"

"Haha sino muna matampuhin? Edi si Anjo" inaasar ko siya pero tumatawa na siya ngayon.

Nakarating na kami sa SM Baguio at dumiretso kami sa supermarket.

"Ikaw mag tulak loves" utos ko skanya.

"Hala, aalilain mo lang pala ako hmp" pero kinuha niya rin yung cart at sya nagtulak. Gustong gusto ko kasing yumayakap sakanya sa likod kaya sinabi ko yun sakanya.

Pumwesto ako sa likod at niyakap siya.

"Gusto ko kasi naaamoy ka palagi hmmmm ang bango bango" bulong ko sakanya.

Gusto ko malaman nararamdaman ni Anjo, kasi yung nararamdaman ko ngayon parang sasabog ako sa sobrang saya at kilig.

++++
Anjo's POV

Grabe, parang mamamatay na ako sa kilig, kanina pa si Teejay nanlalambing. Sobrang sarap sa pakiramdam tapos ngayon nasa likuran ko naman siya habang nag ggrocery.

"Ano ba pinapabili sayo ni mama mo?" Tanong ko.

"Pang handa sa media noche huhu. Bukas ka na ba talaga uuwi?" Tanong niya saken.

Oo nga pala, isang linggo lang pala ko dito, bukas tlaga dapat ako uuwi.

"Pwede ba ako mag extend?" Tanong ko.

"Aba oo, gusto mo samen ka na tumira eh, okay lang kina mama yan!" Sabi niya.

"Haha sige, sabay na tayong umuwi"

"Talaga,??? Wow!!!!! Sige sige loves!!!" Tuwang tuwa naman si Teejay sa binalita ko. Parang mabibitin ako kapag umuwi ako kaagad, siguradong pag uwi ko, di na ko mageenjoy ng ganito.

++++

Pagkauwi namen sa bahay, sinalubong kami ng mama niya at pinapagkwento ako kung ano nangyari. Ako naman, tuwang tuwa sa pagkwento sa mama niya.

"Woah, si Julio? Lumapit sa aso?" Sbi ng mama niya.

"Ahh opo opo, bakit?"

"Haha one thing na ayaw niya ay aso"

Tumingin ako kay Teejay at mukhang napapakamot ng noo.

"Bakit di mo sinabi?" Sabi ko.

"Ang saya saya mo kasi nung nakita mo yung aso kaya di ko na pinahalata" paliwanag ni Teejay.

"Haha, well I know how much you love him anak, hehe. Sige na magpahinga na kayo at alam kong pagod na kayo hehe"

Umakyat na kami ni Teejay pero tinatanong ko pa rin siya kung ano ang mga ayaw niya.

"Loves, mas okay kung matutuklasan natin yung isa't isa. Hehe gusto kong may mystery pa rin sateng dalawa haha"

Papasok na kami sa kwarto niya at dumiretso agad ako sa kama at humiga.

"Osige po, hehe" sabi ko naman.

+

Naka dapa kami ni Teejay habang ka video call sila Marco at David.

"Hanggang kailan ba kayo diyan? Lagpas isang linggo na kayo ha?" Tanong ni Teejay.

"Haha, uwi na kami sa january 2"

"Haha sabay sbay pala tayong uuwi eh"

"BB, akala ko ngayon ka dapat uuwi?"

"Nagextend ako BB, haha ayaw ako pakawalan ni Teejay eh" biro ko.

"We? Haha sabagay totoo naman. Gusto ko magkasama lang kaming dalawa" sabi ni Teejay.

"Haha ganun dn kmi pre, ayaw ko ng pakawalan to si Marco" sabi naman ni David.

"Haha, pre, natupad na pangarap natin. Napa oo na natin yung dalawa" sabi ni Teejay.

"Haha oo nga ehh, eh nag sex na ba kayo???" Tanong ni David.

Bigla naman akong naubo sa tanong ni David. Ganun din si Teejay.

"Haha sige na alis na kami ni Marco, iwan namen kayo sa topic sa sex. Hahhaha byeeeee!" Paalam nila. Di na kami nakapagsalita, binaba na nila yung tawag, naiwan kami ni Teejay sa kama. Nakadapa. Kaming dalawa lang. Habang naiisip ko yung word na sex.

"Ahhhh hmmmm.. eheeem." Umayos ng higa si Teejay, ganun din ginawa ko.

Nakatingin lang kami sa kisame. Tinignan ko si Teejay, nakatingin din sa kisame.

"Uhmm, Goodnight" sabi ko

"Uhm Goodnight loves" sabi niya.

Parehas kaming humarap sa magkabilang side ng kama. Gising pa rin ako at medyo may awkwardness na nararamdman. Nakakaasar kasi yung dalawa, bakit kailangan pa mag open ng ganun eh.

"Loves? Gising ka pa?" Bulong ni Teejay.

"Huh? Opo"

Medyo tumahimik.

"Nakakainis yung dalawa eh, bakit nag open ng ganun" sabi nya

"Hehe oo nga eh. He he" sabi ko.

Naramdman ko naman na gumalaw siya at mukhang humarap saken. Tinapik niya ako kaya humarap din ako sakanya.

"Hehe, ayokong matulog ng ganito tayo loves" sabi nya saken.

"Ako nga din eh hehe"

Nagkatitigan muna kaming dalawa. Minsan naiisip ko kung ano naiisip ni Teejay kapag magkatitigan kami? Parang sasabog din kaya siya sa kilig? Lahat kasi ng ginagawa niya saken sobrang nakakakilig ehh.

"Pwede bang makahingi ng goodnight kiss???" Tanong niya.

"Hehe oo naman"bulong ko.

"Kiss mo ko"

"Hala hindi, ikaw, kiss mo ko"

"Madaya, ako nang hingi eh tapos umoo ka dapat ikaw kumiss"

"Hala"

"Oh pipikit na ako oh dali hintayin ko" pumikit nga siya at ngumuso na parang naghihintay ng kiss.

"Loves."

"Uhmmm kiss na"

Sobrang cute talaga ni Teejay.

Dahan dahan ko ng nilapit yung mukha ko sakanya at hinalikan ko siya. Nakita ko naman na dumilat siya kaya tumawa na lang kaming dalawa.

Ang lambot ng labi ni Teejay. Di naman kami nagfefrench kiss, talagang smack lang. Malikot lang labi namen pero di pa umabot sa ganun.

"Wag mo ko iiwan Anjo ha?" Bulong niya habang magadikit labi namen.

"Hehe hinding hindi po" bulong ko rin skanya.

Niyakap niya ako ng mahigpit at natulog na kami sa ganung pwesto.

Nagising ako dahil sa tunog ng camera na kanina ko pa naririnig

"Hehe goodmorning Anjowings myloves" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Goodmorning pogi" sabi ko naman.

"Hehe, magluluto uli tayo today!" Sabi niya.

"Oo nga pala, media noche pala mamaya"

"Hehe yup, tara bangon na tayo. Gawa uli tayo cake hehe" sabi niya.

Tumayo kami kaagad at nagasiakaso saka bumaba. Pero nagulat ako ng may makita akong batang babae na yumakap kay Teejay at kilala ko to.

"Ohhh, my beautiful pamangkin" binuhat ni Teejay yung bata at niyakap niya. "San daddy mo?" Tanong niya.

"Nasa labas pa po. Tito Julio ang gwapo niyo po today" sabi nung bata.

At saka nag sink in saken ngayon kung sino siya.

Si Jenny. Anak ni Dom.

"Tito Anjo, you're here!" Binaba ni Teejay si Jenny at pumunta saken sabay yakap. Binuhat ko rin siya,

"Kilala mo siya loves?" Tanong ni Teejay.

"Oo" tangi kong sagot.

Maya maya narinig kong may pumasok sa pinto.

"Grabe, hindi ako pinayagang mag leave sa office kaya ngayong new year yung kinuha ko hehe." Fvck, sobrang liit ng mundo. Bakit sa dinami dami, saken pa nangyayari to.

"Kuya Nic!" Bati ni Anjo sa pumasok. Lumapit din si Kuya Treb at Ate Karen. Pati na rin yung mama at papa niya at niyakap siya.

Si Dom. Kapatid ni Teejay si Dom.

+++++++++++++++++++++++++++

True to life yung Baguio experience kaya medyo may throwback yung feelings ko at nag emo muna ako haha.

VOTE AND COMMENTS GUYS!!!!!

Continue Reading

You'll Also Like

139K 4K 25
Childhood Kiss Isang masayahing tao si Clayden Loise Vergara. Tanggap ng kanyang pamilya ang pagiging gay niya. Cute, gwapo, androgynous. Paano kung...
382K 6.7K 41
Sabi nila: "Love at first sight is good, but it gets lovelier the second time around." Now there are people na magaling sa unang sabak pa lang while...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
353K 24K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...