Rise of the Warriors

By rhiiicamae

275K 8.2K 249

Warriors. Yan ang tawag nila sa amin. Kilala ako bilang isang estudyanteng mahina at walang taglay na kapang... More

Prologue
(1) The Enchanted
(2) Exceptional Learners
(3) He's Accelerate
(4) Too Poisonous
(5) A Man with a Soft Side
(6) Jolly Bolt Maker
(7) Truth Behind Her Mess
(8) Sealed Heart
(9) Hidden Feelings
(10) The Top Learner
(11) Who Knows?
(12) Painful Acceptance
(13) Unknown Savior
(14) Isabel Rickman
(15) The Hidden Agenda
(17) Her Dark Side
(18) Raxelle Clarkson
(19) The Training Ground
(20) Pandan Berry
(21) Tie The Knot
(22) No Matter What Happen
(23) Love
(24) Protector in Disguise
(25) Fire coming from the <3
(26) Care
(27) The Second Task
(28) The Beginning
(29) Letting Go
(30) Crazy
(31) Rest Day
(32) Goodbye?
(33) Missing Her
(34) Ghost?
(35) Catnap
(36) Larvien
(37) The Living Dead 1
(38) The Living Dead 2
(39) Mystery
(40) Game Over
(41) Confession and Return
(42) Mystery Unclosed
(43) The Moves
(44) The Duel
(45) Memories
(46) Outside Look
(47) Unconditional Love
(48) Smile
(49) She Fell
(50) Return
(51) Off Limits
(52) Forgiveness
(53) Heart Breaks
(54) Diadem
(55) Team Work
(56) First Quarrel
(57) Her Inner Bitch
(58) Reconciliation
(59) Actions vs Words
(60) His Dimension
(61) Revelation
(62) Killer of her Lover - Part I
(63) Killer of her Lover - Part II
(64) Killer of her Lover - Part III
(65) Falls Party
(66) Traitor?
(67) Bliss over Chaos
(68) Strategic Plan
(69) Plead
(70) Bloodshed
(71) Empress
(72) Revealed
(73) The First Goodbye
(74) Awakened
(75) Freed
Survey (Not an Update)
(76) Good in Goodbyes
Epilogue
Special Chapter

(16) Back-out

4.7K 133 11
By rhiiicamae

Sa pagtama ng sinag ng araw nagising ako sa isang masamang paniginip. Si Isabel, umiiyak siya at nasasaktan. Naaawa ako sa kanya pero wala akong magawa. Kasalanan ko daw kung bakit siya nagkakaganun.


Sa pagmulat ng mga mata ko, nakita ko ang maamo at seryosong mukha ng isang lalaki na nakatingin lang sa labas.


Biglang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari. It's my fault after all. Because of me, may mga nahihirapan. Even if it is not my intention, naaapakan ko pa rin sila. All of the sudden, bigla na lang tumulo ang mga luha ko.


"B-bat ka umiiyak?"


Agad siyang lumapit sa akin at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Siya ang nagligtas sa kin. Yung taong hindi ko inaasahan na dadating, siya pang yung nagligtas sakin.


"Jed ayoko na."

"Ha?"

"Ayoko na. Ayoko ng maging warrior. Ayoko na dito. Dahil sa akin may mga nasasaktan. Dahil sa kahinaan ko marami akong natatapakang tao. Hindi ko man intensyon pero may mga nasasaktan gawa ko. Kaya ayoko na. Aalis na lang ako dito. Okay lang na saktan ako pero yung may masasaktan gawa ko, ibang usapan na yun. Jed alam kong galit ka sa akin kasi mahina ako pero pakiusap tulungan mo ako. Kahit ngayon lang. Ayoko ng ganito."

"Kahit hindi ka makiusap, handa naman akong tulungan ka. Pero may problema."

"Ano yun?"

"Hindi na pwedeng baguhin ang desisyon ng Elders. Wala pang sumusubok na magbago nun.""Kahit ano gagawin ko. Kahit na umalis pa ko dito gagawin ko. Ayoko na Jed."


Hindi ko alam kung may nasabi ba ako pero biglang tumahimik si Jed. Hindi ko naman mabasa ang mukha niya kasi wala naman tong reaksyon.


"May problema ba?"

"Wala. Sige. Magpahinga ka na. Tsaka na natin pag-usapan ang tungkol sa plano mo. Aalis lang ako."


Bago pa man ako makaimik, umalis na siya. Ano kayang problema? May nasabi kaya ako?


---

Ilang araw na rin akong nananatili dito sa may Heal Station. Hindi kagaya nung unang dinala ako dito, matagal bago ako gumaling. May tapal ako sa mukha, braso, hita at may benda din ang gitnang bahagi ng katawan ko. Sabi ng Healer, may nabali daw na buto sa bandang pang-upo ko at kailangang magamot yun bago pa man sumapit ang pagsisimula ng training namin.


"Dahan-dahan lang Hija."

"Salamat po Healer."


Balak ko ngayong pumunta sa Psychiatric Infirmary kung nasan si Isabel. Sabi ni Jed, dun daw dinala si Isabel matapos yung insidenteng yun. Kailangan daw ng masinsinang panggagamot ang gawin kay Isabel. She needs Mental Illness Treatment. Dahil sa sobrang galit at inggit niya sakin nabaliw siya. Kasalan ko lahat yun. Ako ang dapat sisihin.


Tinanong ko rin si Jed kung pano siya napunta sa spot kung nasan kami ni Isabel nun at ang sabi niya, nakita daw niya akong lumabas ng bahay ko na maraming dala kaya nacurious siya kung ano daw kababawan ang gagawin ko. Sinundan niya daw ako nun at nung nakita niya na si Isabel ang kasama ko, nagtaka daw siya kasi ni minsan wala daw pumunta sa spot na pinagdalhan sakin ni Isabel. Kumbaga Torture Spot yun. Maraming holder ang pinahirapan at namatay sa lugar na yun at hindi ko yun alam. Pinagpatuloy niya lang daw yung pagsunod samin pero bigla siyang naligaw kasi kung san san kami lumiko ni Isabel at nung matagpuan niya kung nasan kami, yung scene na yun yung naabutan niya. Siguro nga kung hindi agad nahanap ni Jed kung nasan kami malamang sa malamang pinaglalamayan na ako. Sobrang pasasalamat talaga ang ginawa ko sa kanya. May utang na loob tuloy ako sa kanya.


"Hoy." Agad kaming napatingin ng Healer sa nagsalita.

"Nandyan ka na pala."

"Ano? Tara na?" tumango naman ako nun at lumapit siya sa akin.

"Hijo, pakialalayan ng maayos si Raxelle ha. May bali ang katawan niya kaya kailangan ng maayos na pag-alalay."

"Opo Healer."

"Siya nga pala. Padalawang beses na Hijo."

"Opo nga ee. Pero Healer, sisiguraduhin ko po na wala ng pangatlo." Sabay ngiti niya. Unang beses. Yun ang unang beses ko siyang nakitang ngumiti. Pero di ako makarelate sa pinag-uusapan nila.

"Sige na. Mag-iingat kayo dun ha. Maraming mapanganib na Holder dun."

"Sige po Healer."

"Salamat po Healer. Maraming maraming salamat po."

"Wala yun Raxelle. Obligasyon kong gamutin kayo."


Ng makarating kami sa Psychiatric Infirmary, agad kaming pumasok ni Jed at hinanap kung saang section nadetain si Isabel.


"Nga pala, hinahanap ka sa akin ni Mackie. Inaraw-araw na niya ang pagtatanung kung nasan ka daw."

"Pasensiya na Jed kung napipirwisyo ka sa akin. At salamat na rin kasi hindi mo sinabi kay Mackie yung nangyari sa akin."

"Bakit nga pala ayaw mong sabihin sa kanya?"

"Sabi niya kasi, pagnaulit pa daw yung pagpapahirap sakin, lagot daw sa kanya yung gumawa. Ayoko namang may mangyari ulit kay Isabel kaya ayokong ipaalam sa kanya."

"Aa."


Infirmary Section II.


"Sir?" tumingin naman sa amin yung lalaki na nagbabantay sa section na to.

"Bakit?"

"Dito po ba si Isabel Rickman naka- detain?"

"Teka lang titingnan ko." Binuklat buklat niya yung Log Book ata yun tsaka ulit humarap samin. "Dito nga si Isabel Rickman."


Pinapasok nya na kami sa room kung saan na dun si Isabel. Nakita agad namin siya na nakaupo sa gilid ng kwarto niya. Made of glass ang walls ng rooms ng mga detainee dito sa Psychiatric Infirmary.


Dahan-dahan akong lumapit kay Isabel. Ng makita ko yung mga luha sa gilid ng mata niya pakiramdam ko nabiyak yung puso ko.


"Isabel." Pagkarinig niya ng pangalan niya agad siyang lumingon sa akin.

"Sino ka?"

"Isabel."

"Isa ka rin ba sa manggagamot sa akin? Sabi ng hindi ako baliw ee. bat ba ayaw nyo kong pakinggan."

"Hindi. Hindi Isabel."

"Ganun? HAHAHA NAGKAMALI NA NAMAN AKO HAHAHAHA." Isabel.


Naiiyak ako. Hindi siya dapat nagkaganito. Kasalanan ko lahat to.


"Isabel. Ako to si Raxelle."

"Raxelle?"

"Oo. Ako si Raxelle."

"ANONG PINAGSASABI MO?" Napaatras ako sa gulat ng bigla siyang magsisigaw. Mabuti na lang nakaalalay sa akin si Jed kundi sa lapag na naman ako pupulutin.

"Maniwala ka sakin. Ako si Raxelle."

"IKAW ATA ANG BALIW EE. WALA NA SI RAXELLE. NAPATAY KO NA SI RAXELLE. HAHAHA. PINATAY KO NA SIYA. HAHAHA"

"Isabel.."

"HAHAHA SIYA DAW SI RAXELLE. EE PINATAY KO NA KAYA YUNG MANG-AAGAW NA YUN. HAHA. HINDI NGA AKO NAAWA DUN KAHIT NA NAGMAMAKAAWA SIYA AT SINABI NA WAG KO SIYANG PATAYIN. HAHA"

"Isabel hindi mo ko pinatay. Buhay na buhay ako." Wala na. Nagsimula na namang tumulo ang nga luha ko. Naaawa ako kay Isabel. 

"TUMIGIL KA. HINDI KA SI RAXELLE. SABI NG PINATAY KO NA SIYA EE. SA TINGIN MO BUBUHAYIN KO YUNG MANG-AAGAW NA YUN. KUNG HINDI DAHIL SA KANYA EDI SANA AKO YUNG MAGIGING WARRIOR. NAPAKAHINA KAYA NUN PERO NAPILI PA RIN SIYA. ANG UNFAIR KASI AKO ANG DESERVING PERO YUNG BABAENG YUN ANG KINUWA. LAHAT GINAWA KO PERO WALANG KWENTA KASI SIYA NGA YUNG PINILI. NASIRA ANG BUHAY KO DAHIL SA LECHENG MAHINA NA YUN. MANG-AAGAW."

"Isabel Sorry."

"KANINA KA PA UMISABEL NG UMISABEL. SINO KA BA?"

"Sorry talaga."

"Tahan na. Di mo kasalanan yun." 

"Jed, tama siya. Kasalanan ko lahat yun. Hindi dapat ako."

"Jed?" Napatingin kami ni Jed kay Isabel na kasalukuyang nakatingin kay Jed.

"Ikaw nga. HAHAHAHA. Mahal kong Jed. Ansaya ko at pinuntahan mo ako dito. Sabi ko na nga ba na hindi mo ako matitiis. Iaalis mo na ba ko dito HAHAHA. Jed, alam mo, napatay ko na si Raxelle. Wala ng sagabal sa pagsasama natin. Wala na yung mang-aagaw na yun. HAHAHA"

"Tama na Isabel."

"Tara na Jed. Ialis mo na ako dito. HAHAHA Wala na si Raxelle. Wala ng gugulo satin. Wala na yung taong may kasalanan kung bakit ako nandito. Wala na yung mang-aagaw na mahina na yun."

"Isabel tama na. Hindi mo ako pinatay. Ako nga si Raxelle."

"AAAAAAAAAAA. SABI NG HINDI KA SI RAXELLE. BAT BA MAGALING KA PA SA AKIN. AT KUNG IKAW MAN SI RAXELLE, HALIKA PAPATAYIN KITA. PUMUNTA KA DITONG PEKENG RAXELLE PAPATAYIN KITA." 


Biglang naging kutsilyo yung kamay niya at nagwala siya sa loob ng room niya. Agad namang tinawag ni Jed yung nagbabantay kanina.


"Sir. Tulungan nyo po si Isabel." Sabi ko habang tuloy-tuloy ang patak ng luha ko.

"Sige. Lumabas muna kayo. Baka mapano kayo dito."

"Sir, tulungan nyo po siya. Parang awa nyo na po."

"Sige. Kami ng bahala sa kanya."

"BUMALIK KA DITO PEKENG RAXELLE. ISASAMA KITA SA HUKAY NG TOTOONG RAXELLE NA PINATAY KO HAHAHA. AAAAAA. BUMALIK KA DITO."


Sorry Isabel. Sorry kung nagkaganyan ka dahil sa akin. Sorry sorry.


Naglalakad na kami pauwi sa bahay ko . Ang sabi ni Jed ihahatid na daw niya ako. Kargo pa daw niya pag may nangyari saking masama.


"Ngayon alam mo na."

"ha?"

"Alam mo na kung bakit ayoko na."

"Dahil kay Isabel?"

"Oo." Ayan na naman, umiiyak na naman ako. "Nakita mo naman di ba? Nagkaganun si Isabel dahil sa akin. Kasalanan ko lahat ng yun. Oo nga naman, napakahina ko pero napili pa rin ako. Siguro ganun din yung nararamdaman ng iba kaya ang daming galit sakin. Ako ang dakilang mang-aagaw at maninira ng pangarap. Dahil sa akin yung mga pangarap nila, wala na. Di na nila maaabot."

"Ganun din naman kami aa. Napili din kami."

"Pero iba kayo. Deserving talaga kayo at alam kong ni isa walang magrereklamo dahil walang maipipintas sa inyo. Pero ako, mahina ako pero napili pa rin. Diba ang unfair nun. Sabihin na natin na matalino ako pero hindi pa rin sapat yun. Kaya dapat, gawin ko na yung tama. Ayoko ng may mapahamak pa at mapunta sa Psychiatric Infirmary ng dahil sa galit at inggit sa akin. Buo na ang desisyon ko na magbaback-out na ako. Para wala ng mapahamak pa dahil sa pagkakapili sa akin. Siguro by that time, magiging maayos na ang lahat." Pinilit kong ngumiti pero siguro mukha akong ewan dahil may pumapatak naman na luha sa mga mata ko.

"Wag mong piliting ngumiti. Alam kong ayaw mong magback-out."

"Ayaw man o gusto, mas makakabuti sa lahat kung aalis ako."

"Kakaibang puso meron ka."

"Ha?"

"Wala. Sabi ko tumahan ka na. Malapit na tayo."


---

Maagang akong pumasok para makapagpaalam ako kay Ma'am. Nagulat ako ng pagkadating ko, nakaupo si Mackie sa upuan ko at nakaub-ob.


"Ehem." Walang sa mood na tumunghay siya at ng makita niya ako bigla siyang tumayo at niyakap ako.

"RAXELLE. BAT NGAYON KA LANG PUMASOK? ANG TAGAL MONG ABSENT AA. KAKAINIS KA. DI MO MAN LANG AKO SINABIHAN."

"Wag ka ngang sumigaw Mackie."

"Ee san ka ba nanggaling? Tinanong ko na lahat ng kaklase natin pero wala naman silang alam. Tsaka anong nangyari jan?" Bigla niyang hinawakan yung tapal ko sa mukha at braso.

"Aww."

"Napano yan?"

"Ha? aa. ee.."

"ii. oo. uu. Nu ba naman Raxelle. Alam ko ang vowels. Napano nga yan?"

"Ano.. ahm. W-Wala. Sumabit lang kaya nahiwa. Oo. Tama."

"Ee?"

"Oo. Ganun nga. Haha. May pinuntahan kasi ako tas ayun sumabit ako dun. Haha." 

"Ganun. Ayaw kasing mag-iingat."

"Sorry na."


Parang tatay lang talaga tong si Mackie ee. Haha Nang dumating si Ma'am, agad akong nagpaalam sa kanya. Nung una, tinanong niya kung bakit daw ako magbaback-out at sinabihan din niya ako na wag ng gawin yung binabalak ko. Pero buo na ang desisyon at handa na kong gawin yun.


"Good Morning po Elders."

"Ikaw ba si Raxelle Clarkson?" Tanung nung lalaking Elder.

"Ako nga po."

"Anong kailangan mo Hija?" sabi nung babaeng Elder. Tatlong Elders ang kaharap ko ngayon. Isang matandang lalaki, isang lalaki na sa 40 ang age at isang babae na mukhang mas bata sa naunang Elders. 

"Elders, magbaback-out po sana ako."


***


Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
17K 1.5K 48
Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mund...
14.6K 633 41
An innocent princess that has been vanished because of a crime that she never committed. The Princess Via Villanova they know will never be the same...
116K 4.1K 86
basahin niyo para masaya:^)