Thanks For The Memories (Comp...

By MsLonelyGurL

54K 1.5K 483

Ano gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gag... More

Thanks For The Memories - Prologue (REVISED)
Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)
Chapter 2 - After Graduation - UPDATED (6/29/14)
Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)
Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)
Chapter 5 - Kaasar tong araw na to!!!!! (UPDATED - 08/11/14)
Chapter 6 - Its nice to be back - UPDATED (09/11/14)
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Confession Part 2 / Confession of a Teenstar
Chapter 9 - First Day Of Classes
Chapter 10 - I'll be there
Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)
Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)
Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll
Chapter 14 - Concern ( Part 1 )
Chapter 15 - Concern ( Part 2 )
Chapter 16 - Let the Pain Remain
Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana
Chapter 18 - Argument
Chapter 19 - Namimiss Kita
Chapter 20 - Unexpected Call
Chapter 21 - Coming Home
Chapter 22 - Letter
Chapter 23 - Call Of Attention
Chapter 24 - After heartbreak
Chapter 25 - Stay Calm!
Chapter 26 - Books
Chapter 27 - Review Session 101
Chapter 28 - Prepared
Chapter 29 - Pass or Fail
Chapter 30 - Secret Conversation Part 1
Chapter 30 - Secret Conversation Part 2
Chapter 31 - Important Announcement
Chapter 32 - His Secret Identity Part 1
Chapter 32 - His Secret Identity Part 2
Chapter 33 - Don't Go, Please?
Chapter 34 - Decision
Chapter 35 - Surprise
Chapter 36 - Jealousy!
Chapter 37 - Everywhere
Chapter 38 - Plan
Chapter 39 - Moment of Truth Part 1
Chapter 39 - Moment of Truth Part 2
Chapter 40 - What the f*ck!
Chapter 41 - Hugs & Kisses
Chapter 42 [Special Chapter 1] - Hidden Feelings
Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge
Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell
Chapter 45 - Two Boys
Chapter 46 - Transferees
Chapter 47 - Trust
Chapter 48 - First Move
Chapter 49 - Scene
Chapter 50 - Talk of Responsibilities
Chapter 51 - Unexpected Incident
Chapter 52 - Untitled
Chapter 54 - Untitled.2
Chapter 55 - Who's the Secret Agent?
Chapter 56 - Final Chapter of Book 1
Thanks For The Memories - Epilogue
Final AUTHOR'S NOTE - EDITED!!!
Announcement!!
TFTM: Special Chapter

Chapter 53 - Untitled.1

424 16 2
By MsLonelyGurL

Enjoy reading!! :)

********

" Untitled.1 "

- Nicko's POV -

Siguro nagtataka kayo kung bakit may nangyayari sa AMIN ni Nicole? Well. . Ganyan talaga! (~~,) Para makipagtulungan sayo ang isang tao, kailangan mo muna na gamitin ito. Hahaha! Akala ba niya hindi ko alam na ginagamit niya ako? Hahahaha! Pwes. . . !! Sa umpisa pa lang ginagamit ko na siya hahaha!!

Pagliban ko sa klase? Trabaho talaga yan ng mga artistang kagaya ko. Dapat maging isang mabuting ehemplo ako sa mga kabataan para madagdagan pa ang fans ko at mas lalong sumikat pa ako. Hahaha.

Ano nga ba ang kinalaman ko sa mga nangyayaring kaguluhan ngayon? Hmmm. . Gusto niyo ng clue? Hahaha. Huwag na! Gusto ko kayong mga readers namin ang makaalam kung ano nga ba talaga ako ni Nicole at ano ba talaga ang role ko sa story na ito. Kontrabida? Ahm. . Pwede din kasi sisiguraduhin ko na sa akin mapupunta si Shayne ! At meron pang isa! Kung ano yun, hulaan niyo na lang or should I say, basahin niyo na lang ang mga succeeding chapters. Hahaha!

At bago ko makalimutan. . Hindi alam ni Alwyna itong ginagawa ko ha? Huwag niyo ako isumsumbong please? ^__^ Kung ayaw niyong. . . Hahaha!

Okay. Huwag na tayo magpaligoy ligoy pa at bumalik na tayo sa takbo ng kwento.

Pagkatapos ng isa na namang mainit na eksena ay agad din akong umalis kinaumagahan. Nagmamadali pa nga akong umalis dahil nakita ko sa orasan sa kwarto ni Nicole na mag-aala sais na ng umaga. Mabuti na lamang at pagkalabas ko sa kwarto ni Nicole ay wala pa gaanong gising sa mansyon nila maliban lamang sa isang katulong na siya namang nagbukas ng pinto sa akin palabas ng bahay. Awtomatiko namang nagbukas ang gate nila Alwyna kaya mabilis akong nakaalis.

Muntik ko na kasing makalimutan na may meeting pala kami ni Kuya Kenji with the directors ng isang teleserye. May good news daw kasi sa amin ang mga director kaya agad akong nagpunta sa pagshoshootingan namin ngayon. Tamang tama lang ang dating ko. Inaayos pa ng mga crew ang mga equipments na gagamitin for the shooting. Nagpunta ako sa isang tent na nakaassign sa akin. Hindi pa ako nakakalapit sa tent ay tanaw na tanaw ko na si Kuya Kenji na salubong ang kanyang mga kilay.

" Mabuti naman at nagpakita ka. Akala ko nakalimutan mo na na may shooting ka ngayon. " Dire diretso lang ang lakad ko papasok ng tent.

" Magdamag kitang tinatawagan pero cannot be reached ka! Saan ka ba nagsuot kagabi ha? " Napahinto ako sa paglalakad at agad siya nilingon. Nakapamewang na ito sa akin.

" May mga bagay bagay na kailangan nang privacy. " Walang buhay kong sagot sa kanya. Kahit kelan naman mahilig nang mangialam itong tao ito! Kakausapin lang naman ako niyan kapag may kailangan yan at may nasasagap na issue against sa akin. So wag na kayo magtaka kung bakit hindi kami close nyan.

" Privacy? Really? Baka naman about na naman yan sa Shayne na yan? " Kakasabi ko pa lang! Nag-uumpisa na naman sya! -__-

" Ano naman kung may kinalaman ang babaeng yan? And besides, hindi kita binabayaran para pakialaman ang sarili kong buhay! " Naisara ko pa ang kamao ko at anytime ay pwede na itong tumama sa pagmumukha niya!

" Ok! Just a little advice. Watch your actions. Hindi mo alam na sa lahat ng mga taong nakapalibot sayo, isa dyan ay siguradong pinagtataksilan ka. Kaya kung ako sayo, aalamin ko na kung sino ang taong iyon hanggat maaga pa. " Sabi niya sa akin sabay tapik sa balikat ko at naglakad palabas ng tent.

Agad akong naupo sa isang upuan na nakalaan sa akin at agad namang binigay ng P.A ko ang aking script. Nilapitan na rin ako ng make up artist para daw sa gagawin niyang retouch. Pinasadan ko ng basa ang hawak kong script. Nasa kalagitnaan na pala kami ng kwento kaya pala siguro nagpatawag ng isang meeting.

Madali lang naman pala ang gagawin kong eksena ngayon yun nga lang, whole day na naman ang taping ko. Wala na nga akong oras kay Shayne para mahatid sundo siya at nakakasiguro ako na nagbabyahe na naman yun papasok ng ICCT.

" Ahm. Excuse po, Sir Nicko. Kanina pa kasi tumutunog yung cellphone niyo. " Sabi ng isang crew sa akin. Hindi ko man lang narinig na tumutunog na pala ito. Iba nga talaga ang epekto ni Shayne sa akin.

Kinuha ko naman agad ang phone ko sa bulsa at laking gulat ko na lang na si Kiro ay tumatawag ng ganitong oras. Ang alam ko ay may klase ito ngayon.

" Kuya, sinugod si Shayne sa clinic. "

" WHAT! Anong nangyari sa kanya?! " Sigaw ko sa kabilang linya. Napansin ko naman na pinagtitinginan ako ng mga kasama ko dito at ang ilan ay nagsisimula na naman na magbulungan.

" Nakita ko kasi si Daniel na buhat buhat si Shayne at nagmamadaling pumunta ng clinic. Nang makaalis na sila ay agad akong nagpunta sa clinic para magtanong kung ano ba ang ginawa ni Daniel doon. Ang sabi ng school nurse namin dito ay nahimatay daw si Shayne sa sobrang pagkapagod at kulang pa ito sa tulog. "

" Nasaan na siya ngayon? " This hininaan ko na ang boses ko at baka kung ano pang tsismis ang lumabas mula sa tawag na ito.

" Ang sabi ng guard ay umalis ang sasakyan ni Daniel. Mukhang ihahatid niya ito sa bahay. " Sabay putol ko sa tawag.

Argh! Nakakainis!! Sa mga ganyang eksena dapat nasa tabi lang ako ni Shayne! Pero ano inuna ko? Personal needs at privacy! Ako dapat ang gumawa ng mga ginawa ni Daniel kanina! Malaman ko lang na may kinalaman siya sa nangyaring ito kay Shayne, makikita niya ang hinahanap niya!

" Sir Nicko! Tawag na po kayo ni Direk. " Agad akong tumayo mula sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng tent.

Kailangan kong makagawa ng paraan para kamustahin si Shayne at baka kung ano na ang ginagawa ni Daniel sa kanya.

Pinuntahan ko ang isang tent kung saan nandon ang lahat ng staff and crew at parang may pinag-uusapan sila dahil they are murmuring there and that. Nilapitan ko agad ang kaloveteam ko na si Sophia. As far as I know, same school sila ni Alwy but she's in another department. She's beautiful and charming but like me, parehas kami na nasa loob ang kulo.

(A/N: Para malaman ang sinasabi ni Nicko, read TURN BACK TIME. Thanks ^__^v)

" Hey! I miss you. " Sabi niya sa akin na nakangiti at kumapit sa braso ko.

" Really? Same with me. " I smiled widely at nagblush siya. Deny deny pa siya na hindi niya ako crush eh halatang halata naman. (~~,)

After ng ilang kamustahan at kwentuhan naming dalawa ay tinawag na kami at pinaupo sa tabi ng director.The meeting goes like this. Pinapunta lang naman kami ng director at sinabing napakataas daw ng ratings ng show at nakatulong din daw ang paglipat ko ng paaralan. Madadagdagan daw ang airing ng show bale extended ito at madadagdagan din ito ng mga scenes kaya lalong hectic na naman sched ko. After ng meeting ay naglakad ako palayo sa tent dahil 30 minutes break pa bago magsimula ang taping at nagpunta sa kotse ko para tawagan si Nicole.

Calling . . . Nicole

Kailangan kong alamin kung may kinalaman siya sa nangyari kay Shayne at kung meron man, malilintikan talaga siya sa akin!

" Why, babe? " Babe? Huh? Kelan pa naging babe name ko?!

" May kinalaman ka ba sa nangyari kay Shayne ha?! " -__-

" Huh? Anong pinagsasabi mo? " Aba't nagawa pang magdeny!

" Huwag mo nga ako lokohin! Alam kong may kinalaman ka! " Pasigaw ko nang sinabi sa kanya at sapat lang para di mapaghalataan na may kausap ako sa telepono at may sinisigawan ako. Sakto din na pinarada ko ang kotse ko sa lugar na di ako madaling makita.

" Wala ako alam dyan! Di ko nga alam kung bakit biglang bumagsak yan kanina. May pacheck check pang nalalaman mga cheap niyang barkada eh umaarte lang naman yang SHAYNE mo! "

" Siguraduhin mo lang at makikita mo hinahanap mo! Or should I say, mag-ingat ka sa mga pinaggagawa mo at baka ibulgar ko yang baho mo!! " Sabay putol ko sa tawag. Naisara ko ang kamao ko sa inis!

" Tinawagan ko pa ang babaing yun! Wala naman akong nakuhang sagot! " -__-

Maglalakad na sana ako pabalik sa venue ng biglang may naalala ako. Tama! Siya na lang tawagan ko.

*************

- Daniel's POV -

Ipinarada ko kaagad ang sasakyan ko sa tapat ng bahay nina Shayne at nagmamadaling lumabas para magdoorbell. Sinilip ko muna si Shayne mula sa bintana ng kotse. Mahimbing pa din ang tulog niya.

Ilang saglit lang ay lumabas ang Mama ni Shayne na nagtataka at nagtatanong ang mukha nito.

" Hindi pa ito oras ng uwian niyo ha? At bakit nandito ka? " Napalingon siya bigla sa kotse at nakita si Shayne na natutulog.

" Ano po kasi. . Nawalan po siya ng malay kanina habang nagkaklase kami. Dinala ko na po siya sa clinic at inabisuhan siya na umuwi para makapagpahinga dahil po overfatigue nga daw po. " Pagpapaliwanag ko sa kanya pero lalo ko pa yatang pinag-alala dahilan para agad na lumapit sa sasakyan.

Pinindot ko naman agad ang unlock button sa susi ko at binuksan ang pintuan ng kotse. Nagpresenta na rin ako na ako na ang papasan kay Shayne para matulungan din niya ako na bitbitin ang mga gamit ni Shayne. Binuhat ko siya na para bang bago kaming kasal at dinala sa kanyang kwarto. Nauunang pumasok at nagmamadali ang Mama niya na makapunta sa kwarto. Sumunod na lang ako sa kanya at dahan dahan iniakyat si Shayne papasok sa kanyang kwarto.

" Ihiga mo na lang muna si Shayne sa kama at mag-uusap tayo sa baba. " Sinunod ko ang iniutos niya at dahan dahang ibinaba si Shayne sa kama niya. Nauna nang lumabas ng kwarto ang Mama niya. Tinitigan ko muli ang kanyang maamong mukha. Umupo ako sa gilid ng kama niya at hinawakan ang kamay niya. Pinisil ito ng marahan at hinalikan na hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kanyang mukhd.

" Magpahinga ka lang muna dyan ha? Babalik ako. " At saka ko siya hinalikan sa kanyang labi ng medyo matagal at saka nagpunta sa sala nila. Agad akong naupo sa tabi ng Mama niya na noo'y nakatungo at mukhang malalim ang iniisip. Nilingon naman agad niya ako at agad na hinawakan ang kamay ko.

" Daniel, alam ko na may pinagdadaanan ang kumpanya ngayon kaya sana kung ano man ang nararamdaman mo para sa anak ko, isantabi mo muna. " Malungkot ang pagkakasabi niya at parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya ito masabi ng diretso.

" Po? Bakit ko naman gagawin yun? " Iisantabi ko muna ang nararamdaman ko para kay Shayne? Matagal ko nang gusto na iparamdam ito sa kanya kaso nahihirapan akong gawin ito dahil na rin sa problemang pinasukan ng mga pamilya namin.

" Bilang ina, ayaw ko na masaktan ang anak ko sa bandang huli. Umpisa pa lang ito ng mga pagsubok na pwede ninyong kaharapin at kapag lumaon pa ay pahirap ito ng pahirap. Kaya ngayon pa lang, iwasan mo na ang anak ko at please iho. . Save our company. " Halos magmakaawa ito sa akin at naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi niya pero tama siya! Bago pa lang kami nagsisimula ni Shayne pero unti unti nang lumalapit ang mga pagsubok sa amin. Pero kung nagmamahalan naman talaga kami, alam kong malalampasan namin ang lahat ng ito.

Isang ngiti ang itinugon ko sa kanya. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi at isa lang ang sigurado at malinaw na naintindihan ko. . SAVE JGC !!

Tumayo bigla ang Mama niya at nagdiretso sa kusina. Ipaghahanda na niya daw ako ng makakain at baka daw nagugutom na ako dahil 3pm na ay hindi pa nagkalalaman ang sikmura ko at dalhan ko na din daw si Shayne ng makakain at baka gutom ito pagkagising nito. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam ako sa kanya na sisilipin ko si Shayne at baka ito ay gising na. Tinanung din ako ng Mama niya kung mag oovernight daw ako dito sa bahay para alagaan ang anak niya. Lumiwanag agad ang mukha nito ng tumango ako sa kanya at pinasabi niya rin sa akin na siya na ang bahalang magsabi at magdahilan kay Mommy.

Pagkapasok ko sa kwarto niya ay umupo ako sa gilid ng kama niya at hinaplos haplos ang mahaba at medyo kulay brown niyang buhok habang pinagmamasdan kong mabuti ang mukha nita. Baliw man ang itawag nila sa akin pero hinding hindi ako magsasawang pagmasdan at paulit ulit na sabihin na ang babaeng nakahiga ngayon sa kama niya ang pinakamagandang babae na nakita ko. Ilang beses ko na ninakawan ng halik si Shayne pero hindi pa din ito nagigising!

" Daniel. . . " Mahina pero malinaw niya itong sinasabi sa akin. Mukhang nananaginip ito ngayon at tinatawag ang pangalan ko. Hindi ako sumagot at baka magising ito. Binitawan ko ang kamay niya at nahiga sa tabi niya. Hawak hawak ko pa din ang kamay niya pero ngayon, nakaintertwine na ito sa pagitan ng kamay ko at inilagay ko sa dibdib ko para mabawasan kahit papano ang takot o kung ano man ang nararamdaman niya.

Kung gising ka lang sana, naririnig mo ngayon itong napakabilis na pagtibok ng puso ko kapag lagi kang nandyan sa tabi ko.

" Daniel. . . Huwag mo akong iiwan ha? " Bigla ito tumagilid at dinantay ang isang hita niya sa akin. Tumagilid na rin ako para yakapin siya. Mukhang binabangungot ito ngayon dahil unti unting nanlalamig ang kamay nito dahilan para bitawan ko ito sandali at ilagay sa bewang ko para kahit na natutulog ito, mararamdaman niyang may kayakap siya at hindi siya nag-iisa.

" Oo. . Hinding hindi kita iiwan. Nandito lang ako sa tabi mo. " Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya. Gumuhit naman sa kanya ang isang malapad na ngiti. Narinig niya yata ang sinabi ko at gumanti ng yakap sa akin. Hinalikan ko siya sa noo niya bilang patunay na talagang may kasama at kayakap siya sa mga oras na ito.

" I love you. " Mahina pero alam kong tamang tama lang para marinig niya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap niya sa akin at lalong lumapad ang ngiti niya at bumuka ng kaunti ang lips niya. Hindi man niya sinabi na " i love you too " pero binigkas niya ito ng mahina mismo sa harapan ko. Sa sobrang tuwang nararamdaman ko ay hindi ko na napigilan ang self ko na halikan siya at laking gulat ko na lang nang bigla siyang tumugon sa halik ko.

Nananaginip ba talaga itong si Shayne o nagtulug tulugan lang? (^o^)?

Hindi naman ganun kalalim ang halik na binibigay ko sa kanya pero isang halik un na punung puno ng pagmamahal. Hindi ko alam kung ito na ang huling pagkikita at pagsasama namin kaya naman ginagawa ko nang MEMORABLE for me ang araw na ito.

Ilang minuto pa ang lumipas at lumalim na lalo ang pagtulog niya. Unti unti na rin kumakalas ang mga bisig niya mula sa pagkakayakap niya sa akin at ito din ang naging dahilan para unti unti akong umalis sa higaan niya. Pumunta ako sa study table niya kung saan nakalapag doon ang bag niya at naupo sa upuang katapat nito. Binuksan ko ng dahan dahan ang zipper nito at saka inilabas ang mga laman nito sa loob. Una kong nilabas ang draft ng questionnaires at librong pinagkukuhanan niya ng mga tanong para sa pinapagawa ko. Malapit na pala niya matapos ang pangalawang subject. Talagang pinagpuyatan niyang isulat at gawin ito. Ako nga talaga ang dahilan nang pagcollapse niya. Kung hindi dahil sa pinapagawa ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito sa kanya.

Kung sinabi ko lang sana ng mas maaga na matagal nang ibinigay ito sa akin ng Dean at matagal ng tapos ang limang subjects na kasama sa Quiz Bee! Hindi ko naman alam na seseryosohin niya ang mga sinabi kong responsibilities niya. Haist! This girl makes me crazier!

Lumingon ako sa kanya at ngumiti ng pilit. "Pasensya na talaga ha? Kung sinabi ko lang sana agad sayo, hindi ka magkakaganyan. " And I mouthed the words, IM SORRY.

Sunod ko naman na inilabas ang isang nakatuping papel na nakaipit sa notebook niya. Agad kong binuksan ang papel na ito.

" So. . Ito pala ang ginagawa niyang scoresheets. Table pa lang ang nagagawa niya at halatang hindi niya talaga alam kung paano gawin ito. " Kinuha ko mula sa kanyang bag ang ruler at ballpen para ifinalize na ang scoresheets. Dinagdagan ko lang naman ang ginawa niya at nilagyan ng ilang detalye. Nang matapos ko nang gawin ang mga naiwan niyang tungkulin ay isinara ko na ang bag niya at kinuha ang mga nagawa niya. Naglakad ako papunta sa may pintuan pero bago pa ako makalabas ay muli akong sumulyap sa kanya at ngumiti.

"Take care, Shayne. See you tomorrow. " After kong sabihin yan ay isinara ko na ang pintuan ng kwarto niya at saka naglakad pababa ng hagdan.

***later***

Continue Reading

You'll Also Like

28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
1.3M 120K 43
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
4M 168K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...