Out of the Limelight

By smilesandtearss

689K 18.6K 1.9K

Nobody sees us, nobody knows. We are a secret, can't be exposed. More

Introduction
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 50
Epilogue

Chapter 49

10.6K 318 69
By smilesandtearss

there will be lots (ish) of time jump in this chapter. please be mindful. 

--------------------------------------------

"Sigurado ka na ba dito?" Tanong ni mommy at nilingon ko naman siya.

"It's the right thing to do." Binalik ko ang tingin ko sa bintana at naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

"Cabin crew, prepare for take-off."

Sumandal ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim at hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Humigpit ang hawak ni mommy sa aking kamay.

This is it.

There's no turning back now.

Dinilat ko ang aking mga mata at tumingin muli sa bintana. Lumipad na ang eroplano at pinagmasdan ko ang labas. Palayo ng palayo sa lugar na kinalakihan ko. Palayo ng palayo sa kanya...

Muli kong pinikit ang aking mga mata.

'Till we meet again, Daniel.

***

"This is your new home, darling." Binigyan ako ni mommy ng isang ngiti. 

Pumasok ako sa apartment niya dito sa New York at umikot ikot para suriin ang kabuuan ng lugar.

"Do you like it?" Kinakabahan na tanong niya at isang matipid na ngiti lamang ang naging sagot ko. 

Tinuro niya sa akin ang aking kwarto at agad naman akong pumunta doon. Maliit ang kwarto na 'to kumpara sa kwarto ko sa Pilipinas pero maganda naman. May kama sa sulok, kabinet, salamin, sofa, T.V. at lamesa. Simple pero maganda. Kitang kita ang buong New York mula sa bintana. 

Huminga ako ng malalim at nagsimula mag ayos ng gamit. This is my house now. Its not my home but I'll try to get used to it...

Napasulyap ako sa salamin at hindi kong maiitanggi na may mga nagbago nga ang itsura ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at lumapit sa salamin.

Mahaba na muli ang buhok ko. Pumayat ako. Lumalim ang aking mga eyebags. Namumugto ang mga mata ko. 

Aalis na dapat ako sa tapat ng salamin ng mapansin ko ang heart necklace na binigay ni Daniel. Hinawakan ko iyon. Naramdaman kong nag-init ang gilid ng aking mga mata.

I have to let go. 

I have to move on.

This is part of it.

Dahan dahan kong inabot ang lock ng kwintas at tinanggal ito. Hindi ko maiwasang maluha. Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang kwintas na nasa aking palad. 

"Kathryn?" Katok ni mommy at unti unting binuksan ang pinto. Binaba ko ang kwintas sa lamesa at lumapit doon.

"Ano po iyon?" Salubong ko sa kanya.

She gave me a small smile. "He wanted me to give you this." Inabot niya sa akin ang papel at tinanggap ko ito.

"What's this?" Tinitigan ko ang papel. Nung binalik ko ang tingin ko sa kanya ay wala na siya.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang papel. Sinimulan ko ang pagbabasa nito...

Tumulo ang aking mga luha at napakapit ako sa pinakamalapit na bagay para sa supporta. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas para tumayo pa. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kama at umupo doon. Bumalik ako sa pagbabasa.

Nung matapos kong basahin ang sulat mula kay Daniel, napahiga ako sa kama at napahikbi. I hugged the paper as if my life depended on it.

I have to do this.

Kahit mahirap, kahit masakit, kakayanin ko.

Kakayanin ko para sa kanya.

***

5 months later.

"Teh, hindi ka pa ba uuwi?" Malungkot na tanong ni Miles noong nag-uusap kami sa facetime.

"Miles, Im studying here." Bahagya akong tumawa. "Hindi ako pwedeng umuwi na lang dyan bigla."

"Hindi ka ba na ho-homesick?" Humina ang kanyang boses. "I miss you..."

Tumigil ako sa paghahalo ng binibake ko at bumaling sa laptop ko. Huminga ako ng malalim at lumapit doon. "I miss you too."

"May bagong show na si Daniel." Natigilan siya. "Start na sila sa pagtataping. Unti unti ng bumabalik ang mga fans niya..."

"Good for him then. Im happy for him." Iniwas ko ang aking tingin at bumalik sa ginagawa ko kanina. "Uhm, Miles, Im kind of busy right now. Tawagan na lang kita mamaya. Okay lang ba?"

"Oh." Lumungkot siya. "Sige. Mamaya na lang pag wala ka ng ginagawa."

"Thanks for understanding." Binigyan ko siya ng isang ngiti. Sinuklian naman niya iyon.

"I love you!" Bumalik ang kanyang sigla.

"I love you too." Pinatay na niya ang tawag.

Pinasok ko ang binabake ko sa loob ng oven at lumapit sa aking laptop. Gabi na ahh. Wala pa rin si mommy.

Pupunta na dapat ako sa kwarto ko nang biglang tumunog ang imessage ko. It's a message from Miles.

teh, alam kong sinusubukan mo ng mag move on at makalimutan ang lahat pero panoorin mo naman 'to. last na 'to, promise. after this, hindi na kita guguluhin tungkol sa kanya.

Huminga ako ng malalim at binuksan ang link na sinend ni Miles. Bumakas ang safari at pumunta sa youtube. 

It's Daniel's latest the buzz interview. 

Habang hinihintay kong mag load ang video ay binasa ko muna ang comments. Most of them were saying sorry and that they love him. Napailing na lang ako at bumalik sa video. Sa wakas ay nagplay na ito.

"Hi Daniel! Welcome back!" Masayang sabi ni Boy Abunda.

"Hello din po sa inyo." He smiled. "Hello sa inyong lahat!"

"How was your vacation? Almost two months ka din nawala, ahh?" Nakangiting tanong niya.

Huh? What? Vacation? Two months? Where did he go? What?

"Okay naman po. Ang ganda sa Europe! Sobra!" Maligayang sigaw niya at tumawa.

He went to Europe? Why?

"You're aware of the speculations and rumors on why you left that made their way online right? Alam mo yung mga sinasabing dahilan?" Boy Abunda paused. "Sinasabi nila na nagbreak na kayo ni Kathryn and you needed to get away. Sabi naman ng iba na umalis ka kasama si Kathryn and you secretly got married there. Madami pang ibang dahilan and mind you, some were very malicious. Are you aware of that?" Tumango si Daniel."What can you say? Isa ba doon ang totoong dahilan? Alin doon?"

"Opo, may nakahula ng tunay na dahilan." He shifted uncomfortably in his seat. Inayos niya ang kanyang buhok at umiwas ng tingin. "Uhm, we broke up. Nagbreak kami a week before I left."

Napasinghap ako at lalong lumapit sa screen. Umalis siya? Bakit?!

"Why?" Boy's face was filled with shock. "Bakit kayo nag break?"

"Feeling ko hindi ko naman na kailangan sagutin yan. Alam naman na siguro ng karamihan ang dahilan." Bahagya siyang tumawa ngunit siya lang. Natahimik ang mga tao sa audience. Natahimik ang fans niya. They're guilty! "Pero kahit na ganun, ayoko na rin po ipaliwanag. Hanggan sa makakaya, gusto kong manatiling private na lang. Sa amin na lang sana."

"I totally respect that." Tumango tango si Boy Abunda. "Pero bakit ka umalis? Why did you leave, Daniel?"

"Siguro kinailangan ko lang huminga. Masyado ng sumisikip yung mundo ehh." Biro niya. "Siguro ginusto ko lang maging malaya. Kahit sa panandaliang panahon lang."

"Galit ka ba sa kanila? Are you mad at them?"

"Opo." Mahinang sabi niya. "Nung una, nagalit ako. Pero narealize ko, may isang tao na nagparealize sa akin, na kaya lang naging ganun ang reaksyon nila ay dahil mahal nila ako." Natigilan siya. "Pero hindi iyon sapat nadahilan para gawin nila ang mga ginawa nila."

"Do you regret anything?"

"Hindi na po ako nagpapakatotoo sa sarili ko kapag sinabi ko na wala akong pinagsisisihan." Ngumiti siya. "Siguro ang pinagsisisihan ko lang ay pakiramdam ko na hindi ko siya naprotektahan enough. I could've done better. Alam ko sa sarili ko na kaya ko pero hindi ko nagawa. Sana lang ay naging mas maingat ako. Sana ay napagilan ko nalaman ng lahat."

"But its inevitable."

"Yun nga po ehh." His smile turned bitter.

"Do you still love her?"

"It's only been five months. Mahal ko pa rin siya. Sobra. At sa totoo lang, alam ko sa puso ko na I will always love her." Pumikit siya ng mariin.

Hindi ko napansin na tumulo na pala ang aking mga luha. Hindi ko na iyon pinunasan. Hinayaan ko lang ang mga ito sa pagtulo.

Im sorry, love. Im so sorry. Its just that I was so afraid to stay because I might end up breaking you too. Im sorry. 

Masakit. Sobrang sakit. Masakit na makita siyang ganito ng dahil sa akin. Pero kahit na alam ko na magiging ganito ang lahat, hindi ko iibahin ang desisyon ko. Alam ko sa sarili ko na ginawa ko ang tama. Kailangan namin ito. Our love was destructive. We had to let each other go. Ito ang tama...pero bakit ang sakit?

"Was it worth it?" Tanong ni Boy Abunda.

"If there's one person you love enough that you are willing to lose your dream for," Napatingin siya sa sahig at ngumiti. "It's always worth it."

Doon natapos ang video. Sinara ko ang laptop ko at napatulala sa kawalan. Patuloy ang mga luha ko sa pagtulo. Pinikit ko ang aking mga mata.

Babalik ako. Babalik ako sa'yo.

***

2 months later.

Nag lalakad lakad ako sa central park ng napagtanto kong umupo na lang muna dahil sa pagod. Pinagmamasdan ko ang aking kapaligiran. May mga pamilya, may mga nagdadate, may mga gaya kong mag-isa. 

Para bang biglang may bumulong sa akin kaya bigla akong napalingon sa kalangitan. Gabi na ngayon dito kaya malamang ay umaga na doon sa Pilipinas.

Napapikit ako at napahawak sa leeg ko kung saan dati nakasuot ang kwintas ko.

"Kamusta ka na kaya? Namimiss mo ba ako? Kase ako, miss na miss na kita. I still think of you everyday. Im sorry for everything. May bago ka na kaya o hanggan ngayon hinihintay mo parin ako? Tumitingin ka din ba sa mga tala tuwing gabi? Ako parin ba ang naaalala mo? Kase ako, gabi gabi akong tumitingin. Umaasa ako na nakatingin ka din." Tumulo ang luha ko pero hinayaan ko lang iyon. "Mahal na mahal kita."

"Uhm, miss?" Agad akong napadilat at sumalubong sa akin ang isang lalaki. Pilipino. Gwapo siya at mukhang kaedad ko lang. "Okay ka lang ba?"

"Paano mo nalaman na Pinoy ako?" Gulat na tanong ko. 

"Mahal na mahal kita." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Natawa naman siya. "Iyon ang sinabi mo kanina diba?"

"Ahh, oo nga pala." Tumawa na rin ako.

"Justin nga pala." Inabot niya ang kanyang kamay at nginitian ako.

" Im Kathryn." Tinanggap ko ang kanyang kamay. 

***

3 years later. 

"Sweetheart, faster please!" Sigaw sa akin ni Justin mula sa living room.

"Ito na! Ito na!" Sigaw ko pabalik habang sinusuot ang jacket ko papalabas ng kwarto. Nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang kausap si mommy. Pumunta ako sa kanyang likuran at hinalikan siya sa pisngi. Tumayo siya at nilingon ako. "Hello, sweetheart!" Nginitian ko siya pero kumunot lang ang noo niya habang tinitignan ako mula ulo hanggan paa.

"Tita, una na po kami." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko. Nilingon ko naman siya at tumawa.

"Mommy, we'll go ahead." Hinalikan ko si mommy sa pisngi at naglakad na kami papunta sa pinto.

"Kathryn." Madiin na sabi ni mommy. Nilingon ko siya at binigyan niya ako ng isang tingin na alam ko na ang ibig sabihin. I rolled my eyes playfully. Tumawa ako at napailing na lang si mommy.

"Yes, mom!" 

"Tita, ako bahala dito. Wag kang mag-alala." Sabi ni Justin at lalong humigpit ang hawak niya sa aking bewang.

Sa wakas ay nakaalis na kami ng apartment. Dumiretso kami sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pintuan.

"Ang gentleman, huh." Hinaplos ko ang kanyang pisngi bago pumasok ng kotse. Nakita ko naman ang pag kunot ng kanyang noo bago siya pumasok sa kotse. Lalo akong natawa.

Nagsimula na siyang magdrive habang ako naman ay nanggugulo lang sa kanyang kotse. Sinasabayan ko ang mga kanta na tumutugtog sa radio. Sumasayaw pa ako para lalo siyang mainis.

"Kathryn," Pagtawag niya sa akin at tumigil naman ako. Suminghap ako at ngumuso. Umupo ako ng maayos. Sandali naman siyang napalingon sa akin nung stoplight. "Problema mo?"

"You didnt call me sweetheart." Nagkunwari akong umiiyak pero agad din na humalakhak. He gave me a confused look before he went back to driving. "Sungit." Sinundot ko ang kanyang pisngi. Lalong kumunot ang kanyang noo.

"Stop." Sabi niya sa isang malalim at mautoridad na boses. "Hindi ako natutuwa sa'yo ngayon."

"Sorry." Mahinang sabi ko at umupo na ng maayos. Naging tahimik ako at hindi na nanggulo. Mayamaya ay naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay. Napalingon ako sa kanya at saglit naman niya akong nilingon. Binigyan niya ako ni isang ngiti. Sabi na nga ba hindi niya ako matitiis!

Binuksan ko ang aking bag at huminga ng malalim. Nilabas ko ang isang ticket at tinitigan ito.

Daniel Padilla Live!

Napansin kong tumigil na ang sasakyan. Napalingon ako sa kapaligiran at napansin na nasa parking lot na pala kami. Humigpit ang hawak ni Justin sa aking kamay at napalingon ako sa kanya.

"You sure you dont want me to come with you?" Aniya sa isang mahina na boses.

Binigyan ko siya ng isang ngiti. "I have to do this alone." Hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.

Lumabas na kami ng sasakyan at hinawakan muli niya ang aking kamay. Sabay kaming naglakad patungo sa auditorium kung saan gaganapin ang show. 

"Sweetheart," Tumigil na kami sa harap ng mga pinto. Hinarap niya ako. "Ayaw mo ba talaga akong sumama?" 

"I'll be fine, I promise." I gave him a reassuring smile.

"Text me if you need anything, okay? Dyan lang ako sa tabi-tabi. I'll have dinner with my friends."

"Okay. You have fun."

"You too." Binigyan niya ako ng isang halik sa noo at binitawan na ang kamay ko. Nagsimula na akong maglakad papasok. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nilingon ko si Justin at binigyan niya ako ng isang ngiti at kinawayan. Tuluyan na akong pumasok ng venue.

Ipinakita ko sa babae ang ticket ko at hinatid niya ako sa aking upuan. Ang binili kong ticket ay nasa second floor. Malayo sa stage but I dont mind. Madami ng tao pagkapasok ko at habang tumatagal ay lalo pangdumami ang tao at tuluyan ng napuno ang auditorium.

Ginamit ko muna ang cellphone ko habang hindi pa nagsisimula ang show. Hindi ako manhid. Alam ko na ang ibang tao ay napapalingon sa akin. Maaaring ang iba sa kanila ay namumukhaan ako. They're Daniel's fans. Of course, they know me.

Noong sinabi na may 15 minutes pa bago magsimula ang show ay nagpasya akong lumabas muna para makapag banyo at bumili ng pagkain since pwede naman ito sa loob.

Pumasok ako sa isang cubicle nang marinig kong may dalawang babae na pumasok. Hindi ko maiwasang pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Nandito daw yung ex ni Daniel? Yung Kathryn?" Sabi ng isa.

"Weh?!" Gulat na sabi ng isa pang babae. "Paano mo nalaman? Did you see her?!"

"Hindi. Pero nakita daw ng iba. Ewan. Basta narinig ko lang nung papunta tayo dito."

"Baka naman gawa-gawa lang nila yun. Ginawa na din nila yun dati diba? Sabi nila uuwi daw si Kathryn para sa major concert ni Daniel pero hindi naman." Bigong sabi ng babae.

"Oo nga 'no." Lumungkot din ang boses ng isa. "Sayang yung relasyon nila. Mahal na mahal pa naman at nila yung isa't isa..." 

"Oo nga ehh. Grabe kase ehh. Kawawa tuloy si Kathryn pati na rin si Daniel. Dapat pinag laban pa nila lalo yung pag-iibigan nila--" 

"Ehh kung pektusan kaya kita?! Grabe ka makanlait kay Kathryn dati tas ngayon na wala na sila at nakita niyong malungkot si Daniel manghihinayang kayo? Ang sasakit ng mga binabato niyong salita and yet you're telling me they didn't fight hard enough? Pinagloloko mo ba ako?" Bulyaw ng isa. "Hindi ba't dapat masaya kayo? You finally got your wish even if it brought sadness to our idol!" Natahimik naman yung isa pang babae at nakarinig na lang ako ng mga yakap at ang pagbukas at sara ng pinto.

Sinilip ko ang baba at nung nakasigurado na akong wala ng tao ay lumabas na ako ng cubicle. Naghugas ako ng kamay at napatitig sa aking repleksyon.

Ngayon nagsisi kayo? Dati, gustong gusto niyong mawala ako sa buhay ni Daniel. Gustong gusto niyong magbreak kami. Wala kayong pakialam kung may nasasaktan kayo basta ang importante makuha niyo ang gusto niyo. At ngayon na nagtagumpay na kayo, sasabihin niyo na sayang? Na kami pa ang may kasalanan? Yes, maybe we didnt fight hard enough. Maybe we should've fought harder but you're at fault too. Maybe if you just accepted it and just chose to be happy for us then maybe we wouldnt be pointing fingers now.

Inayos ko ang aking lipgloss at napangiti.

Pero kahit na ganun ang kinahinatnan ng lahat, natuto akong patawarin kayo. Napatawad ko kayo. Because if it weren't for you and your harsh words, I wouldn't have pushed myself to be better. I wouldnt be here...I wouldn't be this happy.

Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa food stall. Bumili ako ng snack at inumin bago bumalik sa loob. Nung nakaupo na ako sa aking upuan ay eksaktong lumabas na yung host. Nagtilian naman ang mga fans.

I looked around me. The auditorium was filled with Daniel's screaming fans. I smiled.

I never thought I'd say this but thank you. Thank you to them.

"Mga kapamilya, Daniel Padilla!" Sigaw ng host at lalong lumakas ang tilian ng mga manonood. 

Lumakas ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay nanigas ako. Nagsimula tumugtog ang isang kanta. 

Lumabas si Daniel, suot niya ang isang polo na nakabukas ang lahat ng butones, may t-shirt sa ilalim at ang kanyang ripped skinny jeans. Lalong lumakas ang tilian at hindi ko napigilang mamuo ang mga luha sa aking mga mata.

"I remember the times we spent together, all those drives, we had a million questions..." Kumanta na siya. Lumakas ang mga sigawan at tumayo na ang mga tao. Pati ako ay napatayo na din.

Nag-iba na siya. Lumaki na ang katawan niya. Hindi na gaya ng dati ang galaw niya. Lalo pa siyang tumangkad. Medyo bumaba ang boses niya. Bago na ang gupit niya. Siningkitan ko ang aking mga mata para makita pa siya ng mas malinaw at parang nabasag ang puso ko nang dahil sa nakita ko. Iba na ang ningning ng mga mata niya.

"Tonight I've fallen and I can't get up I need your loving hands to come and pick me up and every night I miss you..." Patuloy siya sa pagkanta at hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo. 

Despite all the changes, I know in my heart that inside that man, Daniel is still there. My Daniel.

Patuloy ang tilian ng fans. Sobrang saya nila na nasilayan na nila ang kanilang idolo. Nagsisigawan sila habang ako ay umiiyak. Parang dati lang ahh?

"I can just look up and know the stars are holding you, holding you, holding you tonight." Pagkanta niya ng huling linya. Pinikit niya ang kanyang mga mata at tumingala. 

"We love you, Daniel!" Sigaw ng fans at napabalik naman sa realidad si Daniel. 

"Hello, New York!" Masayang sigaw niya at ngumiti ng pagkalaki laki. Naglakad lakad siya sa stage para kawayan ang lahat ng pumunta. Halatang pagkatapos ng lahat ng nangyari, mahal na mahal niya parin ang kanyang fans.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko sa pagtulo. Napangiti ako. That's him! That's the person I fell in love with!

Bumaba siya ng stage at nagsigawan muli ang mga tao. Pilit na nilalayo ng guards ang mga fans sa paglalapit pero may isang bata na nakalusot at tumakbo papunta sa kanya at yinakap siya. Kinarga naman niya ang bata. Bumalik siya sa stage. Tinignan niya ang bata at ngumiti. Yinakap siya ng napakahigpit nito. Napatawa na lang si Daniel at yinakap pabalik ang bata.

I wiped my tears as I watched the scene infront of me. He's doing what he loves. He's happy and thats what matters most. 

The pain, the heartache, the tears was worth it just to see him this happy now.

It was all worth it.

--------------------------------------------





Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
85.9K 2.9K 104
With a queen by his side, Anthony lovingly laid all his cards. But as the stakes get higher, will they still choose to play the game together even if...
575K 16.2K 13
Sit back and relax and welcome to...Sardinas Family--este Sandejas Family👑 Sandejas Family's sabog moments, adventures. Usually consists of excerpts...