Chapter 22

13.3K 355 54
                                    

"So kamusta na kayong dalawa?" Tanong ng isang host sa Umagang Kay Ganda.

Ngumiti si Julia at nilingon si Daniel bago sumagot, "Okay po kami. Hahaha. We're friends diba bro?"

"Yeah men!" Natatawang sabi ni Daniel. I rolled my eyes.

"Friends? Hanggan ngayon? Kailan ba kayo magle level up? Kailan kayo magiging more than friends?"

"Uhh, wal pa yang mga ganyan sa isip namin. Basta ngayon, trabaho muna at masaya kami. Yun ang importante." Daniel said. Tumango naman si Julia. 

"Pero may chance na maging kayo? Ikaw, Julia? May pag-asa ba si Daniel sa'yo?"

"Yes naman po. Of course. Kahit naman po sino may chance hahaha. Ang akin lang po, basta sincere at may respeto sakin and sa family ko, may chance. And ganun naman po si Dj so yeah" Ngumiti ng napaka tamis si Julia. Ehh kung punitin ko kaya yang mukha niya.

"Madaming pictures niyo na kumakalat ahh. Napaka sweet. Parang pag titignan mo, masasabi mo talaga na sila na. Na kayo na" Kinikilig na sabi nung isang host. Ehh kung tadyakan kaya kita, kikiligin ka parin?

"Comportable kami sa isa't isa" Sabi ni Daniel. Napa-irap ako.

"Ay nako, kayo naman ayaw pa umamin. Osiya, sige, i-promote niyo na yang movie niyo"

"Ayun nga guys, Crazy Beautiful You malapit na malapit na malapit na malapit na. Hahaha. Bukas na po yung premiere night namin. Sa SM Megamall ho iyan. Sana po supportahan niyo yan at magustuhan dahil sobrang pinaghirapan namin iyan. Ang dami naming bundok na inakyat, jusko! Pero worth it lahat. So yun nga po, Crazy Beautiful You malapit na malapit na. Dalawang tulog na lang po" Sabi Daniel.

"And that is directed by Direk Mae Cruz-Alviar" Dagdag ni Julia.

"At kasama po dyan sina Ms. Lorna Tolentino, Tito Gabby Concepcion, Inigo Pascual at of course ang napaka ganda, nag-iisang Ms. Julia Barretto" Nakangiting sabi ni Daniel at lumingon kay Julia na kinikilig.

Pwe.

Sinara ko agad ang laptop ko at padabog na humiga sa kama. Kinuha ko ang phone ko at tinext si Daniel.

To: Daniel

watched your umagang kay ganda interview...ang sweet niyo, bro.

Pagkauwi ko galing school, na bore ako kaya naisipan kong gamitin ang laptop ko. The link of Daniel and Julia's or better known as JuNiel's Umagang Kay Ganda interview kaninang umaga was all over my timeline. Eww. Pero out of boredom, clinick ko yung link at yan ang nangyari.

Ganda panoorin noh? Yung boyfriend mo ang sweet sa iba. Shit lang.

Speaking of boyfriend, nag reply siya ngayon.

From: Daniel

it is all for publicity. you know that.

To: Daniel

oh really? it seems pretty convincing to me. 

From: Daniel

yes. really. it is supposed to be convincing. what's wrong? may problema ba?

To: Daniel

what's wrong? well apparentely my boyfriend is flirting with another girl on national television. that's what's wrong. you're the problem, daniel.

Inis na mesage ko sa kanya. Mayamaya biglang may tumawag. Agad ko namang sinagot.

"What do you want?" I spat.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon