Chapter 15

14.4K 366 30
                                    

"So ano tayo ngayon?" Tanong sa akin ni Daniel.

Kasalukuyan kaming nagfa-facetime ngayon. Tapos na ang klase ko kaya nasa kwarto na ako ngayon. Nagpapahinga. Si Daniel naman, kakatapos lang ng isang guesting. Prinomote niya yung movie niya. Kakauwi niya lang. Nagpapahinga na din siya sa kanyang kwarto. 

Ilang araw na ang lumipas mula nung inamin ko sa kanya na gusto ko din siya. Walang nagbago sa relasyon namin. Well, minus the fact that we know that we like each other. Other than that, wala na talaga. 

Hanggan ngayon ay tago parin ang aming pagtitinginan. Ni wala ngang may alam na magkaibigan kami. Sila Lester, Katsumi at Sed lang. Hindi ko nga alam kung alam nila tungkol sa panliligaw ni Daniel ehh. Wala rin naman akong balak sabihin sa iba. Wala pa akong balak sabihin kay Miles.

"Uyy, Kath. Okay ka lang?" Pagtawag niya sa akin. Nabalik naman ang atensyon ko sa kanya. 

"Uh yeah. I just spaced out a little. Im sorry" Pagpaliwanag ko. "Ano nga ulit yung tinatanong mo?" 

"Ano tayo ngayon, Kath? What are we?"

"Tao tayo, duh" I said and rolled my eyes. Natawa naman siya.

"Hindi tayo tao, Kath. Bagay tayo" Sabi niya at kumindat. Natawa naman ako.

"Sira. Ang corny mo. Luma na yan. Wala na bang bago?"

"Hahaha, joke lang. Seryoso na" 

"Seryoso naman kase ako"

"Kaaaaaathryn" Nagpapa-awa na sabi niya. Nagpout pa ang loko.

"Daaaaaaniel" Sabi ko at tumawa. "You're too cute"

"Tayo na ba?"

"Kapal ng mukha mo ahh. Di pa kita sinasagot!"

"Huh? Pero inamin mo na sa akin na crush mo din ako" Naguguluhan na sabi niya.

"Yeah but that doesnt mean na sinasagot na kita" I said in a duh tone.

"Edi ano tayo? MU?"

"Parang ganun na nga"

"So kailan mo ako sasagutin?"

"Ewan ko. Sa tamang panahon"

"At kailan naman yung tamang panahon?"

"Pag tama na ang lahat"

"Wala ka na bang better explanation?" Naiinis na sabi ni Daniel. Natawa naman ako.

"Pag worth it ka na para sa lahat ng pagdadaanan ko" Pabiro kong sabi.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan ngunit seryoso ang kanyang boses.

"I'll be going to hell pag nalaman ng lahat ang tungkol sa atin. I should be prepared and of course you should be worth it. You should be worth my trip to hell" Umiling iling ako at mahinang napatawa.

"So sinasabi mong hindi pa ako worth it ngayon? Hindi pa ako deserving? Hindi ka pa handa?" Matigas na sabi niya. Napatigil naman ako sa pagtawa.

"No! I didnt mean it that way" 

"No? Fine. What did you mean by that?" Sabi niya sa isang nangha-hamon na boses.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon