Chapter 48

10.8K 355 67
                                    

are you ready? do you trust me? :)

------------------------------------------------------

Pagkabukas ko pa lang ng pinto ng aking kwarto, ang bumungad sa akin ay si Daniel na natutulog sa kama ko.

Nilingon ko ang orasan. Magmamadaling araw na pala.

Nilapag ko ang bag ko sa sahig at naglakad papalapit sa kama. Umupo ako sa kanyang tabi at pinagmasdan ko siyang natutulog. Bahagyang gumagalaw ang kanyang ulo at nakakunot ang noo niya. Inayos ko ang kumot niya at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking kamay.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

Agad ko iyong pinunasan. Huminga ako ng malalim at tumayo na. Pupunta na dapat ako sa kabinet ko nang maramdaman kong may pumigil sa akin. Hinawakan ni Daniel ang aking kamay. Nilingon ko naman siya.

"Dont go. Dont leave me." Bulong niya ngunit ang kanyang mga mata ay nakapikit parin. Tulog pa siya at mukhang hindi maganda ang kanyang panaginip.

Pumikit ako ng mariin at yumuko. "I'll come back." Bulong ko at hinalikan ko ang ang kanyang noo. Naramdaman kong muling tumulo ang aking mga luha.

Pilit akong kumawala sa hawak niya at kumuha na ako ng damit na pangtulog. Pumasok ako sa banyo at hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Tinakpan ko ang aking bibig para hindi kumawala ang hikbi ko. Hindi ko alam kung gaano katagal akong umiyak.

Napahawak ako sa lababo para lang hindi ako malaglag. Pakiramdam ko ay bumibigay na ang binti ko. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas para tumayo.

Huminga ako ng malalim at naghilamos. Tinitigan ko ang aking sarili sa salamin. May isang luha na tumulo mula sa aking mata pero hindi ako kumibo. Pinanood ko lang iyon gamit ang salamin.

Nagpalit na ako agad. Tumingin muna ako sa salamin bago tuluyang lumabas ng banyo.

Napatalon ako sa gulat ng makita ko si Daniel sa tapat ng pintuan, hinihintay ako. Magulo ang kanyang buhok at napansin kong umiiyak siya.

"Ano nangyari sa'yo?!" Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya. Nag-init ang gilid ng aking mga mata. "Are you okay--"

"Akala ko..." Yinakap niya ako ng mahigpit at narinig kong humikbi siya.

"Shh. Dont cry." Kumalas ako sa kanyang yakap at muli kong hinawakan ang kanyang magkabilang pisngi. "Wag ka na umiyak." Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya patungo sa kama. Pinaupo ko siya doon habang ako ay nanatiling nakatayo sa kanyang harapan.

"I thought you left me." Parang pinipiga ang puso ko nung narinig kong nabasag ang kanyang boses.

"Sinabi ko naman sa iyo na babalik ako diba?" Binigyan ko siya ng isang ngiti pero tumulo na din ang mga luha ko. Hindi na akong nagtangkang punasan ito.

"Akala ko..." Kinagat niya ang kanyang labi. "Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko nasobrahan ka na sa kanila..."

Yumuko ako. Hinalikan ko ang kanyang noo. "Mahal kita." Nanatili ang aking labi na nakadikit doon. "Kahit umalis ako, babalik parin ako sa'yo. Kahit gaano kalayo ang marating ko, babalik parin ako sa'yo. I will always be back for you. You are my home." Hinalikan ko muli ang kanyang noo at hindi ko na napigilan humikbi.

Hinila niya ako dahilan kung bakit ako napaupo sa kanyang tabi. Yinakap niya ako ng napakahigpit at binaon niya ang kanyang mukha sa aking balikat.

That night, we cried together. We confessed our love for each other in between our sobs until we fell asleep.

***

Its been a week.

Isang linggo na ang nakalipas mula noong umalis ako ng mag-isa. Walang nagbago sa amin ni Daniel. Sa totoo lang, pagkatapos ng gabing pag-iyak namin, mas pinakita namin ang pagmamahal namin sa isa't isa.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon