Chapter 50

12.2K 362 59
                                    

you've made it this far...THANK YOU! read my note at the bottom, okay? love u ♥

MERRY CHRISTMAS!!

-----------------------------------------------------------

2 years later.

"Sweetheart?" Nilingon ko si Justin na tahimik na nanonood sa aking tabi. "Bakla ka ba?"

"Urg. Eto nanaman tayo." Napailing siya at umupo ng maayos. Nilapag niya bowl ng popcorn sa lamesa at hinarap ako. Humarap rin ako sa kanya at nginitian siya ng pagkalaki laki. "Hindi, okay? Im not gay!"

"Ehh," Lalo akong lumapit sa kanya at nagpalumbaba. "Bakit wala kang girlfriend then?"

"Hindi porket wala akong girlfriend ay bakla na ako. Tss." Umiling siya at ngumuso. "Bakit ikaw? Wala ka din namang boyfriend, ahh? So ibig bang sabihin nun lesbi ka?" Napangisi siya.

"Che!" Sinampal ko siya. "May mahal na ako ehh. Hinihintay ko lang ang tamang pagkakataon para makabalik ako sa kanya."

"Alam ko na yun." Ngumiti siya. "Hindi mo na kailangan ipamukha sa akin." Bulong niya at iniwas niya ang kanyang tingin. Nagkunwari na lang ako na hindi ko narinig.

"Ikaw? May mahal ka na din ba?" Tumawa ako. Binalik niya ang kanyang tingin sa akin.

"Doesn't matter." Binigyan niya ako ng isang matipid na ngiti at muling kinuha ang popcorn. Tinuon niya ang kanyang atensyon sa pinapanood.

"Justin," Lalo pa akong lumapit sa kanya at kumunot naman ang kanyang noo. Inagaw ko ang popcorn sa kanya at binalik ito sa ibabaw ng mesa. Binalot ko ang mga braso ko sa kanyang leeg. Siniksik ko ang aking mukha sa balikat niya. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo.

"What's the matter?" Nag-aalalang tanong niya habang hinagaod ang aking likod.

"Im gonna miss you." I managed to say in between my sobs.

"Oh, sweetheart," Yinakap niya ako pabalik. "Im gonna miss you too." 

"Kathryn, Justin," Mahinang tawag sa amin ni mommy. Bumitaw kami sa yakap at nilingon si mommy.  "Tara na?" 

"Sunod na po kami, tita." Sabi ni Justin. Tumango naman si mommy at binigyan kami ng isang matipid na ngiti bago tuluyang lumabas ng apartment. Tumayo si Justin at inabot ang kanyang kamay sa akin. Nginitian niya ako ng pagkalaki laki. "Let's go?"

Dahan dahang kong pinatong ang aking kamay sa kanya at hinigpitan naman niya ang kapit dito. Hinila niya ako patayo at hinalikan ang aking noo. "It's gonna be okay, sweetheart." Inakbayan niya ako at sumunod na kami kay mommy.

***

"I'll go there next month to check in on you, okay?" Tanong ni mommy at tumango naman ako. "Yung daddy mo? Nasabihan mo na ba na uuwi ka? Sino susundo sa iyo? Si Zachary? Did you inform him what time you're landing?"

"Yes, mom. Nagawa ko na po ang lahat. Kahapon pa." Bahagya akong tumawa at hinawakan ang magkabilang pisngi ni mommy. "You worry too much."

"Im a mom," She rolled her eyes. "It's my job."

Tumawa ako at hinila siya sa isang mahigpit na yakap. 

"I'll see you in a month." Hinalikan niya ang aking sentido. "Im gonna miss you." 

"Im gonna miss you too."

"You take care of yourself, alright?" Bumitaw siya sa yakap at hinawakan ang balikat ko.

"You too." 

"I love you." Hinalikan niya ang aking noo. Napalingon siya kay Justin na nakatayo lang sa gilid. "Punta na ako kotse. See you next month." Sinulyapan niya si Justin bago tuluyang umalis.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon