Chapter 4

15K 439 24
                                    

"Kamusta kayong lahat?! Okay lang ba kayo?" Tanong ni Daniel. Mas lalong sumigaw ang mga tao. Pakiramdam ko, mabibingi ako.

"Teh, ang gwapo gwapo niya talaga!" Sigaw ni Miles at hinampas ako. 

Gwapo? Eww. Ang pangit kaya. Pinigilan ko ang sarili kong sabihin iyan ng malakas. Yung mga taong nakapaligid kase mga patay na patay sa pangit na yun. Baka masugod ako ng wala sa oras. Mahal ko ang sarili ko noh, gusto ko pa mabuhay.

Nagsimulang magplay ang panibagong kanta, binibini. Nung nagsimula na siyang kumanta ay napatingin siya sakin at kumindat.

"Shit! Kinindatan niya ako! Pwede na akong mamatay! As in now na!" Sigaw nung babae na nasa likod ko. Natawa naman ako. Sige, sayong sayo na yung kindat nung pangit na yun.

Mas nagtilian ang mga tao ng biglang bumaba si Daniel sa stage. Nag-iikot ikot siya sa VIP area pero syempre, may mga guards padin na nakapalibot sa kanya. Nagwawala na si Miles at yung ibang mga babae at binabae nung nakalapit samin si Daniel. 

Laking gulat ko ng bigla niyang ilahad ang kamay niya sakin. Hindi ako nakagalaw. Nagsigawan muli yung mga babae sa paligid namin at hinawakan ang kamay niya. Si Miles naman ay nakikihawak na din sa kamay ni Daniel. Linayo naman ng mga guard ang mga babae dahil na-iipit na si Daniel. 

Akala ko babalik na siya sa stage pero nagkamali ako. Muli niya inilahad ang kanyang kamay sakin. Tuloy parin ag pangtugtog ng background music pero tumigil siya sa pagkanta.

"Pwede ba kitang imbitahin sa stage, magandang binibini?" Tanong ni Daniel at ngumiti sakin. Hindi ako nakagalaw. Para akong nanigaw sa pwesto ko.

"Bilis, teh! Kunin mo na yung kamay!" Sigaw ni Miles at hinihila pa ako patayo.

"Ang swerte naman niya!"

"Hala, sobrang nagulat yung babae! Hindi makagalaw."

"Siguro nagandahan si Daniel. Maganda kase yung babae ehh."

Bulong bulongan ng mga tao sa paligid. Bulong pa ba yun kahit naririnig ko?

"Magandang binibini?" Tawag sakin ni Daniel kaya napabalik ako sa katinuan. Tinignan ko ang paligid. Napakaraming tao. Lahat sila nakatingin samin. Iba iba ang reaksyon nila. May mga sumisigaw, may mga umiiyak, may mga napatameme. 

Huminga ako ng malalim at tinanggap ang kanyang kamay. Kahit ayaw ko sa kanya, ayoko namang mapahiya siya. At mas lalong ayokong ma-news. Ano na lang kaya ang magiging headline? Daniel Padilla, tinanggihan ng babae? No, thank you. 

Natawa si Daniel at hinila na ako papunta sa stage. Kumanta na siya muli. Nung natapos na yung kanta niya ay nilayo niya yung mic sa kanya. Lumapit siya ng kaunit sa akin at bumulong. "Sabi ko na nga ba, hindi mo ako matatanggihan. Fan talaga kita ehh." 

***

"Best day ever! Grabe, solid!" Sigaw ni Miles at humiga sa kama niya. Nandito kase kami ngayon sa kwarto ni Miles. Dito ulit ako matutulog.

"Best day ever? No way." I rolled my eyes. Tumabi na sa kanya sa kama.

"Asus. For sure, kinilig ka. Ang gwapo niya noh?"

"Eww, no." Nandidiri kong sabi.

"Ewan ko sayo. So, anong feeling? Grabe, ang swerte swerte mo teh!"

"Sakto lang. Dapat nga ikaw na lang yung kinuha ehh!"

"Dapat talaga! Ikaw 'tong hindi fan pero ikaw yung kinuha. Baka na-attract sa beauty mo!" Biro ni Miles sakin.

"Tumigil ka na nga. Move on na." Sabi ko at kinuha na yung phone ko. Magtwitwitter na lang ako 'no. Kinuha na lang din ni Miles yung phone niya. 

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon