Chapter 10

15.2K 451 74
                                    

"She's special, Magui! She's special to me"

Lumayo ako agad sa pintuan at bumaba. Pumunta ako sa kusina at uminon ng tubig.

Im special? To him?

Gulong-gulo ako. Gusto ko siyang kausapin ngunit natatakot ako. Natatakot ako sa maaari niyang isagot sa mga tanong ko.

"Kathryn?" Nagulat ako. Binaba ko agad ang baso at nilingon si Daniel. "Pwede ba tayo mag-usap?"

Hindi ko na ako nagsalita. Tumango na lang ako bilang sagot. 

Naglakad si Daniel palabas ng bahay, papunta sa garden. Wala akong nagawa kundi sundan siya. Umupo siya doon sa kanilag lanay. Umupo ako sa tapat niya.

"Sorry dahil doon sa inasal ni Magui. Hindi na siya ganun ehh. Mabait ang kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganun siya kanina" Wika ni Daniel. 

"Its okay" I assured him.

"No, its not" Sabi niya. "Hindi ka niya dapat binastos"

"Nangyari na. Its fine. Kalimutan na natin"

Napabuntong hininga siya. "Sige. Kung iyon ang gusto mo. Basta sorry talaga. Im really sorry"

Binigyan ko lang siya ng isang ngiti to tell him that its alright.

"Akyat na tayo. Hinihintay na tayo nila Seth" Tumayo na ako at bumalik sa loob ng bahay. Sumunod naman si Daniel. 

Nanood kami ng dalawang movies. At dahil puro lalaki ang kasama ko, napilitan akong manood ng horror. 9:00pm na pagtingin ko sa orasan.

"Uhm, kailangan ko na umalis. Pasukan na bukas ehh. Mag-aayos pa ako ng gamit" Sabi ko at tumayo na.

"Hatid ka na namin" Sabi ni Lester at tumayo na din silang lahat.

"Naku, wag na. Nakakahiya naman. Magtataxi na lang ako" 

"Okay lang, Kath. Tara na. Hatid ka na namin" Pilit ni Katsumi.

"Ahh, wag na talaga. Baka may gagawin pa kayo ehh. Naka-abala pa ako" Sagot ko.

"Hindi, Kath. Okay lang talaga" Sabi ni Katsumi. Napahinga na lang ako ng malalim at pumayag na.

"Siguraduhin niyo lang na hindi ako nakaka-abala ha. Nakakahiya sa inyo" 

"Di yan. Okay lang talaga. Wala naman kaming gagawin ehh" Sabi ni Seth at ngumiti.

"Actually, may gagawin pa sila ehh" Singit naman ni Daniel.

"Wala kaya" Pagtanggi ni Lester.

"Oo nga, Dj. Okay lang samin na hatidin si Kath. Balik na lang kami mamaya" Seth.

"Hindi ehh. Sabi niyo kanina may gagawin pa kayo. Ako na lang ang maghahatid sa kanya" Daniel.

"Ha? Ehh may taping ka bukas ng 8:00am ehh" Gulat na sabi ni Seth.

"Wala kaya" Sagot ni Daniel at nilakihan sila ng mata.

"Ahh. Oo nga. Wala pala" Sabi ni Seth at kinamot ang batok niya. Napatawa naman sila Lester at Katsumi.

"Sige, Kath. Si Daniel na lang ang maghahatid sa iyo. Ingat!" Natatawang sabi ni Katsumi.

"Daniel, wag magpapagabi ha? Ingat sa pagmamaneho" Dagdag ni Lester.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon