Chapter 1

29.7K 497 24
                                    

The whole story will be written in Kathryn's POV.

------------------------------------------------------------------------------

"Ang gwapo gwapo talaga ni Daniel Padilla!" Kinikilig na sabi ng isang babae habang hawak-hawak ang album ni Daniel.

"Oo nga ehh! Sobrang swerte ni Julia sa kanya!" Sabi nung kasama niya.

Psh. Lahat na lang ng puntahan ko naririnig ko yang pangalan ng Daniel na yan. Akala mo naman ang gwapo gwapo, mukha namang butiki. Buti nga tumaba yan ng konti ehh. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sumikat yan. Hindi naman sumasayaw, hindi magaling umarte, hindi pa magaling kumanta. Jusko naman. 

"Ahh, miss? Eto na po yung sukli niyo." Sabi ng lalaki sa cashier

"Huh?" Napabalik ako sa realidad.

"Yung sukli niyo po, eto na. Okay lang po ba kayo? Kanina ka pa po tulala ehh." Inaabot niya yung sukli at ngumiti.

"Ayy, sorry." Tinanggap ko na agad yung sukli at lumabas.

Ano ba yan, Kathryn! Ang chismosa mo kase! Nakinigkinig ka pa kase sa usapan ng dalawang yun. Ayan tuloy! Nakakahiya!

"Oh shit!" Dahil busy ako pagalitan ang sarili ko, hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako. 

"Whoops, sorry po!" Sabi ko. Ganun kalakas yung impact. Napa-upo kaming dalawa. Buti na lang walang masyadong tao sa mall na ito. 

"Ang tanga tanga mo naman kase. Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Aba, bastos naman ng lalaking 'to ha! Agad naman akong napatingin sa lalaki... oh my gosh. "O, bat natulala ka? Ang gwapo gwapo ko sa personal 'noh?" Sabi niya at tumawa pa. The heck?! Bastos na nga, makapal pa!

"H-huh? Hindi noh!" Sabi ko at tumayo agad. Tumayo din naman siya. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Nakita mo na ngang may tao, hindi ka pa tumabi. Ang kapal din ng mukha mo noh? Sino ka sa tingin mo? Ang hari ng mall?" 

"Ako si Daniel Padilla! Taga-pluto ka ba kaya hindi mo ako kilala?" Tanong niya at tumawa pa! Aba! Ang kapal talaga. "Tsaka ako naman talaga ang hari ng mall ahh. Hari ng Mallshows!"

"Wow. Ang kapal din ng mukha mo 'no? Ano ngayon kung ikaw si Daniel Padilla?" Sabi ko at pinulot na yung mga gamit ko

"Nice. Fan pala kita"

"Huh?" Napatingin agad ako sa hawak ko. Album pala ni Daniel. Putcha naman! Ubod ko naman ng malas ngayon. Bakit kailangan pa niyang makita na hawak hawak ko itong lecheng CD niya?! "Hindi sa akin 'to! Para sa best friend ko ito! Birthday niya kase--"

"Asus. Nahuli ka na nga, papalusot ka pa!"

"Ehh hindi naman talaga ito para sa akin! Ni hindi nga kita gusto--"

"Wala na. Huli na kita ehh! Defensive ka masyado--"

"At ikaw naman, ang kapal mo masyado! Hindi mo ako fan, okay?" Naiiritang sagot ko sa kanya. "I dont even like you."

"You were caught redhanded. Kitang kita ng dalawang mata ko, ayan oh! Hawak mo CD ko." Bahagya siyang tumawa at napairap ako. "Okay lang naman kung fan kita ehh. Picture pa nga tayo ngayon kung gusto mo."

"Naku! Ang kapal talaga! Alam mo, ma-una na ako. Bye na!" Sabi ko at tumalikod na. Nang biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko, sino pa ba? Edi yung lalaking yun. Diyos ko naman, ang malas ko naman ngayon. "Ano pa ang kailangan mo?"

"What's your name?"

"A-ano?" Kumunot ang aking noo. 

"Hindi ka ba nakaka-intindi ng english? Edi tagalog na lang. Anong pangalan mo?" Punyeta. Ang kapal na nga, yabang pa.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon