Chapter 41

9.9K 351 48
                                    

The bashing got worse.

Kumalat ang video at mga litrato namin ni Daniel noong prom at mas lumalala ang pambabatikos ng karamihan.

Malandi. Pokpok. Gold digger. Fame whore.

Iilan lamang yan sa mga masasakit na salita na binabato sa akin ng mga taga-supporta ni Daniel at hindi lamang ng mga fans niya. Ngayon, pati ang ibang netizens ay nakisali na rin.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko, nakaupo sa aking kama. Katabi ko si Zachary habang ang nasa kabilang gilid ko naman ay si Miles. Walang nagsasalita sa amin. Katahimikan ang bumabalot sa aking buong kwarto. Pare-pareho lamang kaming nakatitig sa telebisyon at naghihintay.

Nabasag ang katahimikan nang tumunog ang cellphone ko. Dahan-dahan ko 'tong kinuha at sinagot.

"Hello?" Mahinang sabi ko.

"Baby," Sabi ni Daniel sa kabilang linya. Nagbuntong hininga siya. "Sigurado ka bang okay lang sayo na gawin ko ito?"

"Kung sa tingin mo ay kailangan talaga, edi okay. Hindi na kita pipigilan." Napalingon sa akin si Zachary ngunit hindi ko siya pinansin. Si Miles naman ay nanatiling nakatingin sa pinapanood.

"I am doing this for you, okay? All for you, baby."

"I know" Naramdaman kong nag-init ang gilid ng aking mga mata. Pinunasan ko ang aking mga luha bago pa man ito tumulo. "Just make sure na wala kang masasaktan, okay?"

"Hindi ko masisigurado iyon, Kath, alam mo yun. Nasaktan ka nila--"

"Daniel, they love you..."

"And I love you." Matigas na sabi niya. Napa iling na lamang ako.

"Just promise me, please."

"Baby--"

"Promise me, Daniel."

Natahimik siya at huminga ng malalim. "I'll try."

"Dj, you have to--" Naputol ang sasabihin ko nang bigla akong nakarinig ng katok sa kabilang linya.

"Sir Daniel, ikaw na po." Sabi ng isang lalaking di ko kilala. Um-okay naman si Daniel.

Binalik niya ang atensyon niya sa akin. "Baby, I have to go."

"Okay. Good luck, alright?"

"I love you." Sabi niya.

Unti unting namuo ang ngiti sa aking labi. "I love you too."

Binaba ko na ang telepono at nilapag ito sa aking tabi. Di nagtagal ay nagbalik na ang The Buzz. Nagplay na ang audio at kasabay noon ay ibang footages ni Daniel. Nanatili kaming tahimik at nakatutok sa aming pinapanood.

"Ilang litrato ang kumalat sa internet ilang linggo na ang nakalipas. Sa una ay normal lang ito ng mag kasintahan pero kapag tinignan ng mas maigi ang litrato ay mapapansin na ang lalaki sa litrato ay si Daniel Padilla ngunit ang babaeng kasama ay hindi ang sinasabing nagugustuhan ng binata. Ang mga picture ay hindi klaro sinyales na ito ay kinunan ng palihim." Hinawakan ni Miles ang kamay ko ngunit hindi ko siyang nagawang lingunin. "Madaming nasaktan. Madaming nagreact. Ngunit ano nga ba ang katotohanan ng lahat ng ito? Ngayon, Daniel Padilla, magsasalita na! Ang kanyang katahimikan, babasagin na! Ang kanyang boses, maririnig na! The buzz exclusive!"

"Hi Dj, magandang hapon." Nakangiting bati ni Boy Abunda.

"Magandang hapon din po sa inyo, tito Boy." Magalang na sabi naman ni Daniel.

"How are you?"

"Okay naman po." Ngumiti si Daniel. "Kayo po?"

"Im fine. Thank you for asking." Mula sa pagkakangiti ay biglang nagseryoso ang mukha ni Boy Abunda. Nagsimula akong kabahan. "This is your personal life but I was told to ask you this question. Daniel, do you have a non showbiz girlfriend?"

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon