Chapter 42

10.8K 315 38
                                    

Pagkadilat ko ng aking mga mata, isang bouquet ang sumalubong sa akin.

"Ano 'to?" Bulong ko sa aking sarili at kumunot ang noo ko. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang mga bulaklak. Kinuha ko ang note na nakasingit dito.

Happy birthday, my princess.

Iyon ang tanging nakasulat pero nanigas na ako sa aking kinakatayuan. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko namalayan na nabitawan ko na pala ang note kaya nahulog na ito sa sahig.

I know that handwriting.

Nagmamadali akong lumabas ng aking kwarto. Pagkabukas ko pa lang ng pintuan ng kwarto ko, isang pamilyar na amoy na ang bumalot sa aking kapaligiran.

Binilisan ko ang aking paglakad. Wala na akong pakialam kung mahulog man ako sa hagdan.

Pagkaapak ko sa unang palapag ng aming bahay, isang tawa na kilalang kilala ko ang aking narinig. Lalo ko pang binilisan ang paglakad patungo sa dining room na pinanggalingan ng boses. Doon, nadatnan ko si Daddy na nakikipagtawanan sa isang babae.

"Mommy," Bulong ko at natigilan silang dalawa. Pareho silang napalingon sa akin at ngumiti. Tumayo si Mommy at binuka ang kanyang mga kamay.

"My baby..." Nakangiting sabi niya at tumulo na ang aking mga luha. Halos takbuhin ko ang distansya naming dalawa upang mayakap siya.

"I missed you, mommy." Umiiyak na sabi ko. "I missed you so much."

"I missed you too, darling." Humigpit ang kanyang yakap sa akin at hinalikan niya ang buhok ko. Naramdaman kong nabasa na din ang aking balikat dahil sa kanyang mga luha.

Humiwalay na kami sa yakap at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Tumawa siya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang kanyang hinlalaki bago niya ako halikan sa noo. Hinawakan niya ang aking kamay at pinaupo ako sa aking upuan. Nilagyan niya ng pagkain ang aking plato bago bumalik sa kanyang upuan. Si Daddy ay nanatiling tahimik habang pinapanood kami.

"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ko kay mommy.

"Kaninang madaling araw lang. I had to be back for your birthday."

"What do you wanna do for your birthday?" Tanong ni daddy sa akin.

"I dont know." Nagkibit balikat ako. "Kahit ano na lang. We can stay home--"

"No, we cant!" Sigaw ni mommy at napalingon naman kaming dalawa ni daddy sa kanya. Tumawa naman siya. "My daughter's finally eighteen. We have to celebrate!"

"Alright then." Natatawang umiling si daddy kay mommy bago ako lingunin. "May plano ba kayo ni Daniel ngayon?"

"Uhm, wala naman po. May gagawin pa daw siya ehh. Mamayang gabi pa siya dadaan."

"Ohh, I'd love to meet your boyfriend!" Nakangiting singit ni mommy.

"You'll meet him later, mommy."

***

Napagdesisyunan naming mag lunch na lang sa labas para icelebrate ang birthday ko. Binigay ni daddy ang kanyang regalo sa akin, iyon ang dream bag ko. Habang si mommy naman ay madaming uwi sa akin pero sabi niya wala pa daw doon ang regalo niya para sa kaarawan ko kaya umikot pa kami para mahanap niya ang sinasabi niyang perfect gift. Ang katapusan, isang charm bracelet ang binili niya para sa akin.

Ngayon, naglalakad na kami patungo sa sasakyan ni daddy. Sabay sila maglakad at ako ay nasa likuran lang nila.

Hindi ko mapigilan mapangiti habang nakatingin sa kanila. Nagtatawanan sila at hinahampas ni mommy si daddy. Para silang best friends. Well, ang alam ko ay mula pagkabata nila ay best friend na sila. Hindi ko na lang alam kung ano nangyari at nangyari ang lahat ng nangyari...pero okay na sila ngayon at iyon ang importante.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon