Chapter 30

10.3K 343 42
                                    


"Do you really have to go?" Mahinang tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya. Mamayang madaling araw na ang alis niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa kama niya habang siya naman ay nag-aayos ng maleta niya.

"Baby, we talked about this already" Sagot niya habang tinitiklop ang mga damit niya. "I have to go"

"Can I come with you?" Napalingon naman siya sa akin at bumuntong hininga. Binaba niya ang damit niya at tumabi sa akin. Binalot niya ang isang kamay niya sa balikat ko at hinila ako papalapit. Hinalikan niya ang noo ko.

"I already told you diba?" Natatawang sabi niya. Nagpout naman ako. "If I can, I would bring you but I cant. Madaming Pilipino doon dahil nga sa show at may mga artista't staff pa. There's too much people there, Kath. Im leaving to hide us. If you come, mabubuking tayo"

"Hindi mo ba ako mamimiss?" Pagba-baby talk ko.

"Ako? Hindi ka mamimiss? Impossible" Umiiling siya at mas humigpit angg yakap niya sa akin. Kiniliti niya ako at kiniliti ko siya pabalik. Pareho tuloy kaming napahiga sa kama. Nakahiga lang kami ng magkatabi, tumatawa. Napalingon ako sa kanya at tumagilid para harapin siya.

"Mahal na mahal kita" Nakangiting sabi ko. 

"I love you too" Sagot niya sa akin. Yumuko naman ako para halikan  siya. Naramdaman ko siyang nakangiti habang naghahalikan kami ngunit napatigil kami nang biglang may kumatok sa pinto.

"Danilo, tapos ka na ba mag-empake?" Tanong ni Tita Karla mula sa labas ng pinto.

"Malapit na, ma!" Sagot ni Daniel. Nag-okay naman ang kanyang ina at nakarinig na kami ng mga yakap na paalis. Tumawa kaming dalawa at tumayo na ako.

"Come on, I'll help you pack na" Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Kinuha niya ito at hinila ako pahiga. Binalot niya ag braso niya sa bewang ko at siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Natawa naman ako.

"Parang ayoko na umalis" Bulong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat at tuwa.

"Omg, edi wag ka na umalis. Stay here instead--"

"Pero kailangan ko umalis" Nang-iinis na sabi niya at tumawa. Tinulak ko ang mukha niya papalayo at pilit na tinanggal ang yakap niya sa bewang ko. Tumayo ako at dumiretso sa maleta niya.

"Paasa ka" Sabi ko at inayos na ang mga gamit niya. Natawa naman siya at yinakap ako mula sa likod. "Wag kang makulit may ginagawa ako"

"Ito naman," Natatawang sabi niya. "Nagtampo agad"

"Fuck off"

"Hey, hey" Hinarap niya ako sa kanya at yinakap ang bewang ko. Ang aming mga mukha ay magkatapat parin. Nakakunot ang noo ko habang siya ay nakangiti. "I love you, okay? Aalis ako dahil ayokong may makaalam. This is my job, not yours. This is my life, not yours. You dont have to be involved--"

"Come on, we both knew I was gonna be involved the moment I said yes to you"

"But still. Im a public figure, you aren't. They dont have any right to watch your every move. I dont wanna take your private life away from you"

"I just dont want you to leave me" Sabi ko at napatingin sa baba. Nagsimula ng mamuo ang mga luha aking mga mata. 

"Im not leaving you" Hinawakang niya ang aking baba at pinatingin ako sa kanya. Ang isa pa niyang kamay ay nanatili sa bewang ko. "Im coming back. I'll be back for you"

"Really?" Mahinang tanong ko.

"Really" Nakangiting sagot niya at hinila ako para sa isang mahigpit na yakap. 

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon