Chapter 43

9K 302 26
                                    

"Kuya Daniel, pwede po magpa picture?" Nahihiyang tanong ng dalawang babae.

"Sure!" Nakangiting sabi ni Daniel. Binitawan niya ang aking kamay at lumapit doon sa mga babae.

"Ate, papicture po" Mahinang sabi ng babae at inabot sa akin ang kanyang cellphone habang yung isang babaeng kasama niya ay tinignan lang ako mula ulo hanggan paa at inirapan ako.

Tinanggap ko yung phone at tinignan si Daniel. Binigyan niya ako ng isang malungkot na ngiti. Ngumiti na yung dalawang babae at inakbayan sila ni Daniel. Kinuha ko na agad yung litrato. Lumapit ako sa kanila at inabot na doon sa babae ang kanyang cellphone. Hindi naman nakalagpas sa paningin ko ang pag-irap muli noong isang babae.

Agad akong tumalikod at tinulak na ang push cart papalayo subalit sa pagtawag sa akin ni Daniel. Narinig ko ang pamamaalam ni Daniel doon sa dalawang babae habang patuloy lang sa ako paglalakad. Naramdaman kong sinabayan niya na ko sa paglakad.

"Baby," Pagtawag niya sa akin at hinawakan ang aking siko ngunit di ko siya pinansin. "Kathryn naman."

"What?" Hinarap ko siya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at yumuko para magkatapat ang aming mga mukha.

"I know I promised you that this trip is only about the two of us and not anyone else but baby, fans yun ehh. Even if I stop working, I'll never stop being their idol." Malambing na sabi niya at humigpit ang hawak sa aking mga kamay.

"Alam ko..." Iniwas ko ang aking tingin. "Ang akin lang ay hindi naman kita pinagdadamot. They can take pictures with you and all, I wouldnt mind. Respeto lang sana. I get that they hate me--"

"They dont hate you, baby."

"Ha." I gave him a sad smile. "They hate me then fine pero sana wag naman harap harapan. If she thinks na hindi ko nakita yung pang irap niya then bullshit. Sana naman if they cant respect me as your girlfriend, at least respect me as a person."

"C'mere." He pulled me into a hug and kissed my forehead. "I love you, okay?"

"I love you too." 

"Tara na." Bumitaw siya sa yakap at siya na ang nagtulak sa push cart palabas ng airport.

***

"Love, try this one." Sabi ko at tinapat sa bibig ni Daniel ang stick na may pagkain. Nandito kami ngayon sa labas ng hotel sinusubukan yung street food ng Hong Kong. 

Mag gagabi na. Hapon na nagland yung eroplanong sinasakyan namin kaya nagpasya kaming bukas na lang mamasyal.

"Sarap." Nakangiting sabi ni Daniel habang ngumunguya pa. "You try this one." Binuka ko ang bibig ko at sinubo na niya sa akin.

"Diba si Daniel Padilla yun?" Narinig kong bulong ng isang babae, sa di kalayuan, doon sa dalawa niya pang kasama. They weren't old but they weren't our age, either. Im guessing they're in their mid 20s.

Tinignan ko si Daniel at napansin kong yumuko siya at inayos niya ang jacket na suot niya. Binigyan niya ako ng isang ngiti at hinawakan niya ang bewang ko.

"Yan ba yung girlfriend niya?" Tanong nung isang kasama noong babae. Bahagya akong napalingon sa kanila at agad naman sila nag iwas ng tingin. Binalik ko kay Daniel ang aking mga mata.

"Oo ata." Mas mahinang sabi nung babae. "Tignan mo yung mga galaw nila."

"Ang landi naman pala. Umaalis ng bansa ng silang dalawa lang at hindi pa kasal tas tignan mo naman yung mga kamay nila, yung mga kamay ni Daniel. Dikit sila masyado tas hinahayaan niya lang. Anong klaseng dalagang Pilipina yan?" Galit na bulong nung isang babae. Napayuko ako at lumayo ako kay Daniel. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko pero nag pumiglas ako.

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon