Chapter 3

17.2K 396 10
                                    

Flashback is italicized.

-------------------------------------------------------------------------------------------

"Uyy! Kamusta na kayo?" Nakangiting tanong ko kila Jon at Janella habang lumalapit.

"Okay lang naman kami. Ikaw? Kamusta ka na? Tagal na nating hindi nag-usap ahh." Sabi ni Jon habang si Janella ay nakatayo lang sa tabi niya, nakangiti. They really do look like a perfect couple.

"Okay lang naman ako. Oo nga ehh, tagal na nating hindi nag-usap. Miss ka na namin ni Miles!" 

"Miss ko na din kayo." Bahagya siyang tumawa. "Manonood kami ni Janella ng movie, sama ka?" Tanong ni Jon kaya napalingon naman si Janella sa kanya.

"Ahh, hindi na. Kailangan ko na umuwi ehh, sorry. Enjoy na lang kayo." Sabi ko at tumalikod na nang biglang may humila sa kamay ko kaya napaharap ako. Nagulat ako ng bigla na lang akong yinakap ni Jon.

"See you around, Kathryn." Bulong niya at bumitaw na sa yakap. Nakita ko naman ang masamang tingin sakin ni Janella pero agad siyang nag-iwas ng tingin.

"S-see you around din. Sige, mauna na ako. Bye!" Sabi ko at tumakbo na papunta sa bahay. Pagkapasok ko, hindi ko na pinansin sila mommy. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Kinuha ko agad ang phone ko.

To: Miles

Teh, i need you. 

Hindi nagtagal ay nagreply naman agad si Miles.

From: Miles

What happened? Im on my way

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Kumuha ako ng damit at pinasok iyon sa bag ko. Kinalma ko ang sarili ko at bumaba na. Nandoon parin si mommy at tita sa living room. Bumeso naman ako sa kanila.

"Ma, doon ako kila Miles matutulog ngayon. Malapit na daw siya, hintayin ko na lang po siya sa labas." Sabi ko at lalabas na dapat pero biglang nagsalita si mommy

"Anak, okay ka lang ba?"

"Opo. Nadapa po ako kanina kaya nagkaroon ako ng sugat pero okay na ho ako ngayon" Ngumiti ako. "Sige po, una na ako."

Pagkalabas ko ng bahay ay umupo ako doon sa gutter namin. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Nagsimula nanaman akong umiyak. Sinubsob ko lang ang mukha ko sa mga binti ko. Narinig kong may naglalakad papalapit sakin kaya agad akong napatingala. Isang panyo ang bumungad sakin. 

"Salamat." Mahinang sabi ko at tinanggap ito. Pinunasan ko ang mga luha. Umupo naman yung nagbigay ng panyo sa tabi ko

"Hindi ka parin nagbabago, Cha. Iyakin ka padin." Sabi ni Jon. Cha... it brings back so much memories.

"Ano palang ginagawa mo dito? Diba manonood kayo ng movie ni Janella?" Gulat na tanong ko.

"Uminit yung ulo ehh. Nagagalit nanaman siya. Pinapalamig ko muna yung ulo kaya umalis na lang ako. Tas naisipan kong dumaan dito." 

"Ahh." Dahan dahan akong tumango. "Ito na pala yung panyo mo. Sige, ma-una na ako" Sabi ko at tumayo na. Papasok na dapat ako ng bahay pero biglang hinawakan ni Jon yung kamay ko. Napaharap naman ako sa kanya.

"Anong nangyari, Kath? Anong nangyari satin?" Malungkot na tanong ni Jon habang hawak niya padin yung kamay ko. Binawa ko naman agad yung kamay ko.

"Jon--"

"Teh! Anong nangyari-- Jon?!" Gulat na tanong ni Miles. Thank God at dumating si Miles. Hindi ko talaga alam yung sasabihin ko kung hindi siya dumating. Lumapit naman ako agad kay Miles. "Ayy, may reunion pero hindi ako inimbita?" Biro niya. 

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon