Chapter 5

15.8K 417 21
                                    

Lumipas ang ilang linggo. Minsan nagmemessage si Daniel pero madalas, hindi. Well, I cant blame him. Malapit na ang concert niya. Wala na siyang oras para makipag-DM sa isang taong hindi naman niya kilala sa personal.

Aaminin ko, nagkamali ako. Mali ang mga inisip ko tungkol sa kanya. He's not that bad. Masiyahin siya at napapasaya niya din ako kahit na sa DM lang kami nakakapag communicate. And maybe, just maybe, I do feel have a tiny crush on him. 

Hanggan ngayon, wala paring alam si Miles tungkol samin ni Daniel. Not that there is a "kami". What I mean is, hindi niya parin alam yung tungkol sa mall at sa pagd-DM namin. And ofcourse, hindi niya alam na may konting pagtingin ako kay Daniel. At wala akong balak sabihin pa. Aasarin lang ako nun. Besides, its just a tiny crush. Mawawala din naman ito.

Nasa kwarto ko ako ngayon, nakahiga sa kama. Tinignan ko yung orasan, 11:47pm na. Ilang oras na lang at makikita ko ulit si Daniel. Bukas na ang concert niya at oo, I am excited. Patron ang upuan namin ni Miles. Makikita kaya ako ni Daniel? Baka pagnagkataon, maulit yung nangyari sa mallshow. Napangiti naman ako. Pero agad din na nawala ang ngiti ko dahil sa may na alala ako... ang katotohanan.

Ang katotohanan na he's the Daniel Padilla. He's an actor, a singer, a heartthrob. He's the king. Halos lahat ata ng babae ay nagkakandarapa para sa kanya. At ako? Wala. Wala lang ako. Balang araw, makakalimutan niya din ako. Im not the only girl he bumped. Im not the only girl he pulled up on stage. Im not the only girl he followed, tweeted or DMed. Besides, may Julia na siya. And based on their interviews, he loves her and she loves him too.

And for pete's sake, he's a guy. Ang lalaki, hindi marunong makontento. Laging gusto ng marami. Laging may back up. Ang mga lalaki, mabilis magsawa. Oo, maaaring mahal nila ang isang tao pero  gusto nila may libangan. Kumbaga, isa pang babae. Papaniwalain nilang mahal nila iyon for fun, Pero pag na huli na at kailangan pumili, doon sila sa mahal nila. Hindi man lang nila iniisip yung isa. Yung isang pinaasa, pina-ibig at iniwan nilang luhaan. Maaaring hindi lahat ng lalaki ay ganito pero karamihan ay oo.

Manhater ako? No. Gising lang ako sa katotohanan. I just accept reality. And that, that is reality.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at matulog. I have a long day ahead. Patulog na ako nang bigla kong narinig ang isang bagsak ng pintuan. Dinilat ko ang aking mga mata at naglakad patungo sa pinto. Dinikit ko ang tenga ko doon at pinakinggan ang away ng aking mga magulang.

"Gabing gabi na! Saan ka galing?" Sigaw ni Mommy.

"Sa opisina. Saan pa ba?" Sagot naman ni Daddy.

"Liar! Kasama mo ulit yung babae mo 'no?"

"Dont start with me. Pagod ako."

"Pagod din ako! Pagod na pagod na ako! Pagod na akong magpakatanga! Ano bang kulang sakin? Bakit kailangan mo pa maghanap ng iba?" Pumiyok ang boses ni Mommy. Malamang umiiyak na iyon. Napaiyak na din ako. 

It is true. The worst thing in the world is seeing or hearing your mom cry. 

"Stop it! Tumigil ka na. Baka marinig ka ng Kathryn." Saway ni Daddy dito. Wala siyang ka-alam alam na alam ko ang lahat ng karantaduhan niya. 

"So what if she hears me? She should! She has the right to know what you're doing. May karapatan siyang malaman tungkol sa kabit mo!" 

"I said stop it!" Lumakas ang boses ni Daddy. Halatang galit na ito. "Doon ako matutulog sa guest room."

Narinig ko ang footsteps ni Daddy kaya nagmadali akong humiga sa kama. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para hindi mahalata ang mga luha ko. Bumukas ang pinto at naramdaman kong may umupo sa kama ko. 

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon