Chapter 2

17.8K 383 29
                                    

"Kath, tara na! Bilisan mo naman maglakad! Baka wala ng ticket!" Natatarantang sigaw ni Miles pagkapasok namin sa mall.

"Chill ka lang, teh. Im pretty sure na kahit the day before the concert pa tayo bumili, may ticket parin. Wala namang pupunta diyan ehh. For sure, lalangawin yung concert ng pangit na yan." Pabiro kong sabi habang humahalakhak. At aba, inirapan lang ako. 

Lakad lang kami ng lakad hanggan sa makarating kami sa stall ng ticketworld. 

"Miss, may moshpit ticket pa po ba para sa concert ni Daniel Padilla?" Tanong ni Miles doon sa nagbebenta.

"Naku mam, wala na po ehh. Kanina pa ho sold out." Sold out? What? Himala! Natawa naman ako sa mga naiisip ko. 

"Ganun ba? Sayang naman." Malungkot na sabi ni Miles. "Ano ho yung pinakamalapit na available pa?"

"Yung patron po."

"Patron na lang po talaga? Wala na bang VIP? Please, miss? Kahit dalawa lang?" Nagbabakasakaling tanong ni Miles.

"Miles, para kang tanga. Wala na nga daw." Singit ko sa usapan nila. "Sige, miss. We'll take two patron tickets. Yung pinakamalapit na available, please." 

"Sige po, mam." Sabi ng babae at may ginawa doon sa computer niya. After a few minutes, binigay na niya sa amin yung tickets.

"Eto po yung bayad. Salamat!" Inabot ni Miles yung bayad at kinuha yung ticket. Nagsimula na kaming maglakad papalayo.

"Para kang tanga. Bakit ka malungkot? Dapat masaya ka kase nakabili tayo ng ticket. Diba yung yung gusto mo?" Sabi ko kay Miles.

"Ehh kase naman. Bakit patron lang? Paano ko mahahawakan yung kamay ni Daniel my labs?"

"Daniel my labs? Eww. Tsaka dapat masaya ka. Atleast you got a ticket. Atleast makakapunta ka. Dapat doon pa lang, thankful ka na. You're lucky compared to the others. Yung iba hindi makakapunta tas ikaw may ticket na nga malungkot pa?"

"You're right." Ngumiti siya. "Tara na nga, lunch tayo. Libre ko!" Sabi ni Miles at hinila na ako papasok ng KFC.

"Aba, dapat lang na libre mo! Ikaw tong kumaladkad sakin dito sa mall ehh! Ang kapal naman ng mukha mo pag ako pa pinagbayad mo--"

"Dami pang satsat!" Umirap siya. "Ano order mo?"

"Ikaw na bahala." Sgaot ko. Tumango naman siya.

"Dalawang two piece chicken and dalawang crushers. Cookies and cream please." Sabi ni Miles doon sa cashier.

"Is that all, mam?" 

"Uhm... pwede po ba pati yung standee?" Nahihiyang tanong ni Miles.

"Miles! Nakakahiya ka!" Sita ko kay Miles

Napatawa naman yung babae sa cashier. "Sorry po, mam. Bawal po ehh. Andami nga pong humihingi niyan!"

"Syempre, maraming hihingi niyan. Sa gwapo ba naman ng asawa ko?" Pabirong sabi ni Miles. Tumawa na lang ulit yung cashier. Inabot na ni Miles yung bayad at kinuha na namin yung tray. Pagka-upo namun ni Miles ay kumain at negkwentuhan na agad kami.

"Nakakahiya ka teh! Bat mo ginawa yun?" Tanong ko kay Miles.

"Yung alin?" Kumunot ang kanyang noo habang patuloy lang siya sa pagkain.

"Yung ginawa mo kanina!" Lalong kumunot ang kanyang noo. I rolled my eyes. "Yung paghingi mo ng standee!" 

"Yun ba? Sus. Wala lang yun. Ganun talaga ang buhay fangirl." 

"Hindi marunong mahiya, mawalan ng class at mag mukhang desperada? Yun ba ang buhay fangirl?" Naiiritang tanong ko. 

Napatigil naman agad si Miles sa pagkain at tumingin ng seryoso sakin. "Don't you dare talk about fangirls that way. You are not a fangirl kaya wala kang alam sa nararamdaman namin."

Out of the LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon