Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

25 - Fear

726 13 2
By BlueRigel

Chapter 25

Fear

Sinubukan kong habulin ang kotse pero pagkalabas ko ng high way, hindi ko na nakita pa ang karwaheng kumidnap sa cinderella ko.

Sa nangyari, gusto kong saktan ko pa ang sarili sa katangahang ginawa ko. Parang isang matining na tunog ang tumama sa tenga ko nang maalala ko ang sinabi ni London sa akin. “Don’t do anything stupid and break her heart.” Paulit-ulit itong pumapasok sa tenga ko. At sa bawat pagpasok nito ay lalo ko lang nararamdaman ang sakit na idinulot ko sa taong pinakaayaw kong nasasaktan.

Ako ang dahilan kung bakit siya umiiyak. Ako ang marahil ang dahilan kung litong-lito man siya ngayon. Ako ang may kasalanan kung bakit nararamdaman niyang nabasag na naman muli ang kanyang puso. Pinangako kong ako ang magiging dahilan ng bawat ngiti niya pero ako rin mismo ang ugat sa sakit na nagpapalungkot sa kanya ngayon.

Gusto ko pang dagdagan ang sakit na nararaman ko. Gusto kong palalain pa ang parusang dapat ay tanggapin ko.

Kinuha ko ang phone ko habang nasa manibela ang kabilang kamay ko. Agad akong napabukas ng Facebook upang tiyakin kung tama nga ang iniisip ko.

Napalakas ang apak ko sa preno. Muntik ng tumama ang ulo ko sa manibela. Parang sampung kilo ang bigat ng kamay ko nung ibinaba ko ang phone sa katabing upuan. Tatlong beses kong isinuntok.

AAAHHH!! ANG TANGA MO DOMINICK!” Matinding sisi ang isinigaw ko sa sarili.

Iilang sasakyan ang dumaan sa gilid ng kotse ko, lahat sila nag-blur sa aking paningin marahil sa tubig na bumabalot sa aking mga mata.

Kasama niya si Andrew.

Kay Andrew siya sumama.

Kay Andrew at hindi sa’yo.

Patuloy na lumalakas ang konsensyang sumisisi sa mga katarantaduhang nagawa ko.

Mahal mo siya?

Pero kay Andrew siya sumama.

At hindi sa’yo.

Wala ka na Nick.

Wala ka na.

Palakas nang palakas ang boses na naririnig ko aking isipan. Paulit-ulit akong pinagsasabihan, pinagagalitan, binubulyawan.

Ang bobo mo Nick.

Hinayaan mong maging ganun na lang?

Natiis mong hindi sabihin sa kanya pero sa isang aksidenteng salita lang ng dad mo, bigla kang aamin?

Ano gusto mo patunayan?

Na mapapatawad ka pa ni Caroline sa likod ng itinatago mong anyo?

Huli akong binaha ng luha noong lumisan si mom. Pero ang pakiramdam na ito ngayon, walang kapantay dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Kung nasasaktan si Caroline, mas lalo akong nasasaktan. Walang taong makakaintindi sa nararamdaman ko ngayon. Isa lang akong gago sa mata ng lahat. Gagong puro kasinungalingan ang idinulot sa mga taong nagmahal sa kanya.

Ito ang pinakakinakatukan kong araw.

The day when all her love for me fades away as it turns into hatred because of my single mistake.

Nakahanda agad ang hagdan pagpasok ko sa entrance ng hotel na tinutuluyan namin. nakalimutan kong may elevator nga pala. Nasa fourth floor na ako nung maalala ko.

And then fifth, “pare, pawis na pawis ka? Naghagdan ka lang? Magandang workout ‘yan kaso hindi bagay sa porma mo. Hays, saan ka ba bumibili ng damit—“ Hindi ko inintindi ang mga sinasabi niya dahil busy ako sa pag-ikot ng ulo ko kakatanaw kung narito ba siya.

Nakita mo si Caroline?” Hingal na hingal kong itinanong kay kuya Dan. Sana hindi ako naunahan ni Cee na magsabi sa kanila. My plan was to tell Cee before the rest of the PF. My stupidly late plan. Ang tanga lang Nick!

Hindi pa siya bumabalik. Sabi niya kanina pinapapunta mo siya somewhere, naka-schedule daw kasi ang date niyo. Nagpapahatid sana sa akin kaso sinurpresa siya ni Andrew. Siya na lang tuloy ang nag-volunteer maghatid kay Caroline. May nangyari ba?” Dahil sa surprise engagement na ginawa sa akin ni dad kagabi, nakalimutan ko tuloy kung anong meron ngayon at napasugod ako sa kanya.

Si dad nga pala, iniwan ko. “Thanks kuya! Wala namang problema. Make sure to give me a call when you see her and please don’t talk to her. May plano kasi ako.” Mukha namang nauto ko si kuya sa sinabi ko kaya umalis na ako agad.

This time, nag-elevator ako. “Hello dad? Sorry, I left, something happened. Tsaka na lang ako babawi sa’yo. Sorry.” As usual, voice mail lang ang sumagot sa akin kaya nag-iwan na lang ako ng message.

Mga pitong oras na rin mula noong huli kong nakita si Caroline. I’ve been driving all around the city. Lahat na ng nagalaan namin napuntahan ko na pero ni anino niya, wala.

Mabuti na lang at na-contact ni kuya si Caroline. Alam niya rin ang exact address ng Andrew na ‘yun. Dinala pa niya sa pugad niya. P!#4n6 !n4%# buhay ‘to!

I had to take a 30-minute drive papunta dito. Dalawa ang kotse ko rito, pero walang GPS ‘yung isa kaya ito munang BMW muna ang ginamit ko. Magdadalawampung minuto na akong nakatitig doon sa pintuan ng appartment ng mokong na ‘yun. Wala namang lumalabas. Ano kayang ginagawa nila sa loob? Peste!

Tinawagan ko ulit si kuya Dan para itanong kung nandoon na ba si Caroline at baka nagkasalisi na kami. Hindi pa tapos humindi si kuya, natanaw ko na si Caroline at nakaakbay pa talaga ang pesteng ‘yun!!

In-end ko ang call at naitapon ko tuloy ang phone ko sa passenger seat. Nararamdaman ko ang pressure na pinapakawalan ko sa magkabilang kamay ko. Gustong-gusto ko ng lumabas ng kotse para suntukin ang lalaking ‘yun pero hindi ko kaya.

Sa laki ng atraso ko kay Cee, natatakot akong kampihan niya si Andrew. At sa sandaling mangyari ‘yun, siguradong hihinto ang pagtibok ng puso ko at maninigas sa yelo.

A-ha-ha-ha, nakakatawa! Bwisit! Ako dapat ang nagpapangiti sa kanya at hindi ang lalaking ‘yan! Lintek, kumukulo na ang dugo ko. “Hingang malalim, siya ay akin. Wala ng mas gagwapo pa sa akin.” Hayst! Nakakairita talaga. At may yakap pa talaga?! #4n6 !n4 naman oh!

Sumakay na ng cab si Caroline, uuwi na siguro. Susundan ko ba o ano?

Ilang segundo ko rin itong pinag-isipan, usually mga minuto bago ako makagawa ng desisyon na katulad nito. I don’t know, I have to do this fast. Binilisan kong lumakad patungo sa kabilang kalsada. Titiisin kong hindi gamitin ang kamao ko ngayon, alang-ala kay Cee.

Andrew.” Sabi ko na may bugso ng galit sa aking mga mata.

Humarap siya sa akin upang salubungin ang pilit kong pinapakalmang sarili. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, napatingin din siya sa kotse ko. “You must be Nick. I wouldn’t be surprise if you own a Lamborghini hidden somewhere safe.” I assume alam na rin ni Cee kung anong katayuan ko sa buhay.

Actually, I don’t have. I prefer a normal life.” Si kuya lang ang mayroong mamahaling kotse: Lambhorgini, Bugatti, name it.

Kaya ganun-ganun mo na lang niloko ang babaeng mahal natin?” ANONG NATIN?! Sinabi ko na nga bang may kinalaman ang mga smiley eh! Lintek! Bumilog ang aking kamao. Gusto ko na siyang paliparan ng isang suntok ngayon pero hindi ko dapat pairalin ang emosyon ko ngayon. I’m mature enough to handle this.

Hindi ko siya niloko.” I gave him a stare burning in resentment.

Eh anong tawag mo dun? Inuto? Pinaikot?” Kung anu-ano pang masasakit na salita ang sinabi niya. Deserve ko ang sakit pero ni isa sa mga salitang binanggit niya—walang  katotohanan. Kailangan kong tiisin ang kung ano pa mang sabihin niya dahil kailangan ko malaman kung anong napag-usapan nila ni Cee.

Pinaglaruan?” Nakawala sa pagkaka-kadena ang kanang kamao ko at muntik ng tumama sa mukha niya kung hindi niya lang ito napigilan. Tinustusan niya ng nanlilisik na mata ang sa aki’y napopoot na mata ng tigreng gusto ng lumapa ng tao. “Walang katumbas na salita ang ginawa mong panloloko kay Caroline. I don’t know your agenda pero wala kang karapatan na saktan siya.

Lalo pa siyang lumapit sa akin. Nararamdaman ko na ang malamig na hininga niyang tumatama sa aking tenga. “Nanligaw ka pa, sasaktan mo lang pala.” Agad na nagpahiwatig ng kalungkutan at panggigigil ang mukha ko sa sinabi niyang iyon. Lalo akong nakokonsensya sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig.

Ibinalik niya muli ang tingin niya sa aking mga mata. Kumunot pa lalo ang aking noo. Dire-diretso pa niyang ipinagpatuloy ang paggamit ng mga salitang malaki na ang pinipinsala sa puso kong kapatawaran lamang ang hangad.

‘Mahal’ mo siya o baka naman sa kung saang planeta mo lang nakuha ang kahulugan nun? Dahil ako, mahal na mahal ko siya. I’ll make sure she’ll fall for me and she won’t even dare remember your name.” My eyes widen. Para akong asong itinago ang kanyang buntot sa takot.

At that moment, I felt fear.

Continue Reading

You'll Also Like

10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!