Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

23 - London's Bridge

848 10 3
By BlueRigel

Chapter 23

London’s Bridge

April 2013
London, England

Mga dalawang linggo rin ang itinagal sa pag-aasikaso ng mga passport nila. Mabilis na ‘yun kasi kasama pa doon ang pagpapaalam sa mga magulang nila. Medyo mahirap ang parteng iyon lalo na kay Kate since hindi naman ako kilala ng pamilya niya. To the rescue naman si Caroline kaya pinayagan na rin.

Sir, would you like to use headphones?” Payukong tanong sa akin ng stewardess. Hawak-hawak niya ang apat na headphone sa kanang kamay niya habang inaalok sa akin ang isa sa kabilang kamay niyang may silver watch.

Sure, thanks.” Inabot ko naman ang bayad ko. Lahat na lang may bayad sa mundo. Pero sa lahat ng hindi nababayaran, walang kasing halaga ang maituturing kong pagkapanalo sa puso ni Cee.

Idiniretso niya na ang balingkinitan niyang katawan. Nakaupo lang ako kaya mukha siyang matangkad. Nakakapagpataas talaga ng height  ang mataas na takong at maikling skirt niya. Tss. Wala namang sinabi ‘yan sa binti ng prinsesa ko.

Since direct flight ang binook ni kuya, mas mabilis ang biyahe. Mga 13 hours lang ang biyahe, 14 hours max. Music lang ang sagot sa mahabang biyaheng ito. It buys us time, turning minutes of boredom to seconds of joy.

Makikinig na lang ako ng music hanggang sa makatulog since busy sila sa tinitignan nila ngayon. Ang mag-bes at si kuya Dan nakipag-unahan pang pumwesto sa tabi ng bintana. Excited silang makita kung anong mayroon sa himpapawid. Si Matt kahit nasa aisle, tulad namin ni kuya, eh napapahaba rin ang leeg sa pagsilip sa bintana.

Magsawa kayo sa ulap, paglalaro ng isip ko kaya napangiti na lang ako. Lahat sila first time sa eroplano. “It’s a bird!” Si kuya Dan talaga, kumikero palagi. Nagtatawanan sila kaya sinabihan ko na ‘wag masyado at baka pababain kami. Natakot naman sila sa pagbibirong banta ko kaya umarte naman si Matt na tumatawa ng malakas pero naka-mute.

Mga sira talaga. Makatulog na nga.

Napasarap na naman ang tulog ko. Apat na oras pa at andun na kami. Sanay na ang katawan ko kaya laging right timing ang body alarm ko. Nakailang balik na rin kasi ako doon. Hindi na surpresang maituturing ang madalas at biglaang pagpapatawag ni dad sa akin.

Time to go for a movie marathon sapagkat mahimbing na ang pagkakatulog ng aking prinsesa.

Katutulog lang nilang lahat.” Yumuko at binulong sa akin ni kuya nang dumaan siya sa gilid ko, galing sigurong C.R.

Panigurong jet lag ang mga ito mamaya.

Pagkalabas namin ng airport, kulang na lang halikan ni Matt ang kalsada, baliw-ballwan ang trip makita niya lang tumawa si Kate.

Sa London bridge ba tayo unang pupunta?

Save the best for last, Dan.” Hala sige! English forever si kuya lalo na’t andito na siya sa balwarte niya.

Sira! Siyempre sa hotel muna. Pwera na lang kung gusto mo buhatin lahat ng bagahe natin patungong,” and I quote my hands in the air “London Bridge?

Joke lang! ‘Yun na nga lang alam ko sa London eh!” Napatawa naman kaming lahat sa arte ni kuya Dan.

Bakit ba kasi pumayag magsakay ng aso ‘yung eroplano?” Nag-umpisa ng mag-asaran si Kate at kuya Dan. Kung hindi pa nagsalita si kuya baka dito na lang kami sa airport natulog.

I’m very glad na very supporting si kuya sa akin ngayon at hindi nagpadala ng limo tulad ng ginawa niyang agaw-eksena sa school. Dalawang itim na cab ang sinakyan namin. Nagreklamo pa si kuya Dan na ang lakas daw maka-karo ng patay, mas maganda raw sana kung pink na lang, biro niya.

Shit! Sa sobrang kaba ko at pag-aalala, napatakbo ako sa cab nila kuya. “Why here? Why in this hotel? Nasisiraan ka na ba kuya?

Relax. Look at me.” Ngumuso-nguso naman siya sa sarili niya. Brown double-breasted coat and the rest is all black pati ang vans niya. Hinubad naman niya ang rayban shades at baseball cap niya sa magkabilang kamay. “Wear your shades and cap too. It will help.

May problema ba love?” Itiniklop niya ang kanyang mga braso at hawak ang magkabila nito. Halatang giniginaw siya at hindi kinaya ng makinis niyang balat ang twelve centigrade kahit na naka-jacket pa siya. Maganda pa rin siya kahit giniginaw.

Naka-varsity jacket si Matt at kuya Dan. Si Kate naman masyadong excited at bumili pa talaga ng knitted scarf bago umalis ng Pinas. Lahat sila naka-jacket pwera sa akin. Mga naka-single clothing lang sila samantalang dalawang patong ang suot ko. Si kuya naman, porma lang ang ginagawa niya.

Nothing, wala naman.” Agad kong kinuha ang bonet at shades ko sa bag. Sakto lang ang kulay abong bonet sa suot kong blue polo shirt sa ilalim ng long sleeves sweater ko.

Iba rin ang trip niyong magkapatid ah? Tsaka poporma ng ganyan kung kelan papasok na tayo ng hotel.” Pagtataka ni kuya Dan na siyang binigyan namin ng fake laugh. Takot akong baka may makakita sa akin sa hotel na ‘to. Siguro si kuya sanay na dahil lagi niya raw ginagawa ito. Nagtalo pa tuloy kami.

Nah! Don’t be afraid of the giant.” Alam ko kung sino ang tinutukoy niya.

Pinapatay na ako ng konsensya ko. “Pero—

Tigilan mo nga ang kaka-pero mo or else I’ll bring all of you to my house.” There. He wins in an instant.

Nakapag-check in naman kami ng walang paparazzi sa paligid. Bumagal na ang pulso ko at nakakahinga na rin ako ng maayos. Si kuya ang umasikaso sa kung anong room ang tutuluyan namin. Sinabihan ko siyang huwag na huwag niyang susubukang kumuha ng mamahaling kwarto.

Tumungo na kami sa elevator. Bell boy na ang bahala sa mga bagahe namin. Kakapindot ko lang sa number 5 button nang biglang may nagsalita, “ma’am, you forgot your green scarf at the lounge.

Ay palakang Dan!” Gulat ni Kate. Napalingon siya sa paligid, kami-kami lang dito. Babae ang nagsalita at lalaki ‘yung bellboy.

Pinindot ko ulit ‘yung open door button. Sa speaker ng elevator galing ang boses. Ngayon lang siguro nila na-experience ito. Hay, wala sa bundok?

Wait lang.” Kumaripas siya ng takbo sa pagkuha ng naiwang scarf. Tanaw dito ang lounge kaya natawa kami ng onti nung muntik ng matapilok si Kate sa high heels niya.

Habang naghihintay, napansin kong walo lahat ang floors, hindi kasama ang dalawang basement. Tsk. Mababa lang pala. I wonder why they rated it a 4 star hotel. ‘Di hamak na mas mataas ang hotel ni dad dito, 5 star pa.

Are you ready?” I am spending my whole morning with my brother.

Napahiga lang saglit sa naglalakihang puting kama, inantok kaagad sila. Matutulog daw muna sila since gusto nilang gising na gising sa galaan mamaya after lunch.

Maybe.” Galing sa pagkakayuko, ipinatong ko ang siko ko sa hawakan ng bench habang tinulungang buhatin ng kanang kamay ko ang tuhod ko para dumikwatro at tsaka ako sumandal ng kumportable.

Katabi ko si kuya sa may kanan ko. “Anong maybe? You’re the guy who always has a plan. Bakit parang you don’t have a plan for this one?

Itinaas ko lang ang balikat ko. Tama naman siya pero hindi ko talaga alam kung bakit. I usually plan everything I do. Naka-schedule madalas ang mga ginagawa ko mapa-school work man or date namin ni Cee. Time is gold. Gusto kong bawat oras ng buhay ko ay nagagamit ko ng tama. Walang minuto ang dapat masayang dahil isang lifetime lang ang ipinagkaloob sa atin.

Bring her in a romantically peaceful place then introduce yourself.” Nakikita ko ang malamig na usok na lumalabas sa bibig ko matapos kong huminga nang palabas sa bibig. “Are you scared?

I’m not.” Yes, I am. Why is it so hard to admit?

Then don’t act like one.” Tumayo na siya. “Let’s go. Eat something. I missed that.” Matagal na mula noong huli kaming sabay nag-almusal. He grew up here with dad samantalang sa Pilipinas ako pinalaki ni mom.

Sa isang maliit at hindi kilalang restaurant lang kami nag-almusal. Malapit lang ito sa hotel kaya naglalakad lang kami pabalilk.

Clear your sched tomorrow. Dad’s waiting for you.

Oh yeah? I knew you had a different agenda aside from helping me.” Hindi naman siya gagastos ng ganun kalaki na walang kapalit.

Sa tuwing pinipilit siya ni dad sa mga business gatherings at nataong may out of the country vacation siya, sa akin siya lumalapit. Ang huling save ko sa kanya ay ‘yung pumunta siya ng Madrid para sa isang race car event. Free travel expenses at isang BMW ang ibinigay niya sa akin kapalit ng pagpunta ko. Kina-cut ni dad ang allowance siya sa minutong hindi siya magpakita kaya nakaugalian niya nang umasa sa tulong ko.

You know very well that I don’t have any intention on the kind of shoes he wants me to wear.” At iyon ang isa pang dahilan kung bakit kailangang ako ang magsuot ng mga sapatos na ‘yun. He is so not into business. Pumupunta lang siya sa mga events kapag bakante ang sched niya at siyempre…girls.

Kaya nga ako tumakas ‘di ba?” Ayaw kong isuot ang mga sapatos na ‘yun. “Thanks.” Siya ang nag-ayos ng mga papeles ko pabalik ng Pilipinas. Kung hindi dahil sa kanya, baka hindi ko nakilala si Caroline.

Matapos naming mananghalian lahat, nagpasiyahan naming umpisahan na ang gala. Siyempre pasimuno na naman ako, nakahiwalay kami ni Cee sa lahat. May gagawin naman daw ‘yung dalawang kuya para masolo ni Matt si Kate.

Kung nakakaya kong magsinungaling sa kanila, di hamak na expert si kuya sa ganung bagay. Sinabi niyang kasama sa promong napanalunan niya ang pocket money. Binigyan niya sila ng 200 pounds each for their own wants and needs. Best financer ever. Siya na lang dapat kasi at huwag na ako.

Nalibot na namin ang labas ng Buckingham Palace. Next time na lang namin ieexplore ang loob kapag may extra time pa kami. Hiniling ni Cee na dumaan kami sa St. Paul’s Cathedral. Sabi niya may three wishes ka raw kapag first time mo sa isang simbahan. Isa lang naman ang hiling ko ngayon…ang hindi mabago ang pagtingin ni Caroline sa akin matapos kong magtapat sa kanya ng tunay kong pagkatao.

Ilang oras ding tumagal ang pag-gala namin. Sa lahat ng pinuntahan namin, paborito ko ang highlight ng date namin – ang sikat na EDF Energy London Eye. Isang higanteng ferris wheel sa tabi ng ilog. Sa taas na 135 meters, isang napakagandang view ang pinag-toast namin ng champagne ni Cee. Mula roon kitang-kita namin ang Big Ben, Buckingham Palace, St Paul’s Cathedral, Westminster Abbey at Trafalgar Square.

Marami pa kaming napuntahang sikat na lugar dito. Sa pagod na rin siguro kaya napagdesisyunan naming magpahinga muna dito sa park. Bumili lang ako saglit ng ice cream para sa aming dalawa. Apat na alternate scoop ng strawberry at chocolate, this should taste good. Never pa akong nakatikim ng street ice cream.

At sino naman ang batang ‘yun? Nakatalikod sa akin ‘yung bata dahil nakaupo siya’t nakaharap sa lagoon pero nakatayo si Cee at tanaw kong kinakausap niya iyon. Kumaway pa si Cee sa akin at itinuro ang bata.

Nawawala siya Nick. “ Agad na sinabi ni Cee pagkarating ko. Anyare sa ‘love’?

Are you alright kid?” Ay tanga. Siyempre ‘di siya okay. “Are your parents with you?

No, I was with Bridgette a while ago.” Sinabi niya ‘yun in a British accent. He’s shouting at the floor and swaying his legs. Maybe he’s just ten. Hindi niya abot ang sahig. “She left me here and never came back.

Tsk. Kanina pa ako na-nonosebleed dito. Buti dumating ka na.” Pinipigil ko ang tawa ko kaya ngumiti na lang ako. Tinaasan niya ako ng isang kilay at tsaka umupo sa tabi nung bata. Inabot ko sa kanya ‘yung ice cream niya.

Nag-squat naman ako dito sa harapan ng batang lalaki. Hinawakan ko ang kanyang baba tsaka tinapik ang pisngi niya. “We’ll find her.” Napansin ko naman ngumiti si Cee. Yes! Ten gwapo points Nick. Sabi ko sa isip ko.

Here.” Inabot ko sa kanya ang ice cream. Hayst. Akala ko makakatikim na ako.

Suminghot siya tapos pinunasan ang luha niya. “Thanks.” Gamit ang maliit niyang kamay, inabot niya iyon at agad inumpisahang kainin.

Anong gagawin natin love?” Ayun, may ‘love’ na ulit! Nag-pout siya ng kaunti. Tumunog naman ang phone niya kaya agad niyang binasa ang text message. Nasilayan ko naman ang mala-perlas niyang ipin sa pagngiti sa binabasa niya.

Sino ‘yan ah?” Intriga kong tanong sa kung sino ang nagpapangiti sa love ko.

Si Kate. Puntahan ko raw sila ni Matt at nawawalan na raw siya ng dugo sa kilig este sa lamig.” Umiwas ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

You should go.” Bago pa magpatawag ng cardiologist si Kate. “Alam mo ba kung nasaan sila?

Huwag na.” Ginamit naman niya ang kanyang iressistible lips sa pagnguso-nguso at tinuturo nun ‘yung bata. Hays, mas cute pa siya dun sa bata! “Okay lang ‘yun. Yaan mo siya kiligin. She deserves it. Hayaan na nating makapag-solo sila.

Tumunog ang phone niya at bigla akong inubo. Siguro kung kinakain ko na ngayon ‘yung ice cream, baka naibuga ko lahat. I-ringtone ba raw ‘yung ni-rap kong birthday song for her?

I can sense si Kate ‘yung kausap niya at nagmamakaawang puntahan siya. Sinesenyasan ko siya na ayos lang talaga na ako na lang ang bahala dito sa bata. Saglit lang naman daw eh.

Hinihintay ko muna siyang matapos. “You should change your ringtone.” Busing-busy ‘yung bata sa paglasap ng ice cream niya. Naka-isang daan na ata siya sa pagdila doon kaya nangalahati na.

Ayoko nga!” Tsk. Nakakaloko ang ngiti niya. “Gagamitin ko ‘to hanggang matapos ang birth month ko.” Pilit kong inabot ang noo niya at tinusok ko. Paborito kong gawin ‘yun lalo na kapag kinikilig siya. Para naman kasi siyang statwa na nakangangang natutulala kapag ganun.

Hayyst! Parang kanina lang ayaw niya akong iwan tapos biglang humarurot sa pag-alis dahil lang sa pinapapalitan ko ang ringtone niya. Pwede naman akong mag-record ng ibang kanta para i-ringtone niya huwag lang ‘yun. I don’t rap well lalo  na kapag Tagalog.

Hey!” Naramdaman ko naman ang pagtusok ng maliit niyang index finger sa kaliwang pisngi ko. “What alien language are you using? Your girlfriend’s ringtone makes it creepier. Uggghhh.” Pang-asar ‘tong batang ‘to ah! CREEPY ‘YUNG RAP KO?!! Iwanan kita diyan eh!!

It’s Filipino and it’s not an alien language.” Ginulo ko ang buhok niya at umupo na ako sa tabi niya. Hmmmp. Kung hindi ka lang cute!

Okay fine. I was just kidding though.” Shit. Hindi ko na alam kung anong dapat sasabihin. Aayyyy! Wala akong alam sa pag-aalaga ng bata. Ano ba? Paano ba? Should I talk about cars? Itanong ko kaya kung saan siya nakatira? Masyadong personal naman ata. Kung anong grade na niya sa school? Or kung ilang taon na siya? Haaayssst! Paano ba?!?!!!

She’s beautiful!” Tumango akong nakangiti sa hangin. “But my Bridgette is way more beautiful!

Napatingin ako sa kanya. Gusto niya ng usapang ganyan?? “How old are you kid?

I’m eight. And mate, stop calling me kid.” Now he sounds like a forty year old Harry Potter. “Do you love your girlfriend?

Of course.” Mabilis kong sagot.

How many do you have?” ANO RAW?!

Huh?

How many girlfriends do you have? Most of the teens your age, they have at least two nowadays. But me? I’m keeping my loyalty to my own Bridgette.” Teka. ‘Own Bridgette’?? Sa kanya talaga? Subukan lang niyang isunod na kasal na siya, malalaglag ako sa kinauupuan ko ngayon, swear!

Just one. I’m loyal too.” Makiki-ride na lang ako sa trip niya. “What makes you loyal and love her?

Don’t make me start, mate.” Ubos niya na pala ‘yung ice cream.

Why? She might hear it. Maybe some kind of spell and she’ll come back here.

Jeez! I don’t believe in those shits anymore. I’m not a kid!” Parang siya si kuya Mike kapag nakikipagtalo kay dad. “Fine. At least it will buy us some time rather than be bored.

Ang dami niyang sinabi. I can’t even explain paano nagkasya ‘yun on his cute little head. How can an eight year old kid say such words? Simple lang ang mga salitang sinabi niya pero kapag pinalalim ‘yun, parang ganun ko rin idedescribe si Caroline love.

Sa lahat ng sinabi niya, isa lang ang hindi ko makakalimutan. “If you think she’s perfect for you and it feels like you can’t live without her. Don’t do anything stupid and break her heart.

Kinwentuhan ko rin siya about sa love ko. Papatalo ba ako sa love story niya. Sabi niya, may nanloko raw na lalaki kay Bridgette kaya hindi niya muling hahayaang masaktan muli ang babaeng nilalaman ng puso niya. I wonder how a kid fell in love this hard. ‘Di kaya nabagok ang ulo nito kung saan?

Did she tell you where will she go?” Napansin kong may dala-dala pala siyang itim na payong. Well, matirik ang araw kanina pero ngayon palubog na. Minsan kasi unpredictable ang weather dito kapag April. Pwedeng umulan anytime.

She said ‘wait here and I’ll be back.’ We go here every other day except weekends, but it’s the first time she left me alone.” This little man crossed his arm against his soft chest. Akala mo matanda.

Just that?” Umaasang baka  may nabanggit si Bridgette kung saan siya pupunta.

Unfortunately, yes. You’re not leaving me until she gets here, right?” Tumango ako.

Hindi niya alam paano umuwi sa bahay nila kaya hindi ko rin siya maihahatid. “But when the clock strikes 7, I’m sending you to the police.

Yes, sir!” Humarap siya sa akin at ganun din ako sa kanya. Mula sa pagkakasaludo ng kamay niya sa akin, biglang nabaling ang tingin niya sa likod ko. “BRIDGGETTE!!

He ran off like a super sonic. Dahan-dahan akong tumalikod para lumingon at makita ko ang ‘Bridgette niya.’

Why did you leave me alone?” Paiyak niyang sabi.

Nga-nga. Akala ko…akala ko. Napailing ako at isinara ang aking bibig sa gumulat na teenager na Bridgette. “Oh gosh. Thank you so much for taking care of him while I was away.” Halatang nagpapasalamat ang ngiti niya.

So…you are Bridgette.” Medyo patanong kong sinabi.

Yes, sir. But you can call me Bridge. I guess he already told you a few things?” Natalo ng super duper apologetic face niya ang super curious face ko. “Hey London, buy us something at that stall. Anything you want. Here.” She handed a five pound bill to him and he walks away.

Tinanong niya ang pangalan ko kaya nagpakilala na rin ako. Sinundan ko rin ang tanong niya kung alam niya kung paano magsalita ang bata. Alam niya raw at laging iyon ang kwento nito sa mga nakakasalamuhang estranghero sa park na ito.

I’m his nanny since he was three and I’m sixteen. It’s some kind of part time job, you know? But whatever you’re thinking right now. It’s not gonna happen.

Don’t worry, I’m not thinking that way.” Pero hindi ko maitatangging medyo inisip ko ‘yun. “I didn’t expect you’re a teenager.

London’s Bridge, funny eh?” Tumawa na lang ako, funny raw eh.

“Next time, you don’t leave an eight year old kid alone.” Seryoso kong sabi sa kanya.

Yeah, my bad. Not gonna happen again.” Nakabalik na si London.

You’re happy now, huh?” Trip kong guluhin muli ang kanyang buhok. Inayos naman niya agad ang bangs niya na nagpapa-cute sa kanya. “I gotta go now. Someone’s waiting for me.

Oohh-la-la! Caroline’s waiting for Nick! Take care of her, mate!” Nakatalikod na ako nang sinabi niya iyon kaya itinaas ko na lang ang kamay ko sa ere at nag-thumbs up sa kanya.

Napailing-iling na lang ako sa nangyaring surpresa nila sa akin. Humarap ako ulit sa kanila, sumigaw habang naglalakad ng patalikod. “Take care of him…London’s Bridge!

 

 

 

 

Continue Reading

You'll Also Like

83.8K 5.5K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
16.9K 938 27
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
2.8M 53.5K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.8M 76.3K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...