Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

3 - Changing

1.9K 29 1
By BlueRigel

Chapter 3

Changing

Mga apat na buwan na rin sa amin si Nick. Ayos naman pala siyang kaibigan. Kahit na mukhang pa-sosyal ang dating niya sa amin dati, parang isa na rin siya sa amin ngayon. Wala siyang arte sa katawan. Nag-aalangan lang minsan tulad ng mga unang experience niya dahil sa amin.

Daig pa niya ang mukha ng pinakamaarteng babae sa mundo noong pinakain namin siya ng sisiw ng balut. Halos nga iluwa na niya. Naaawa raw siya dun sa sisiw. Naiintindihin naman namin na karamihan ng tao ayaw sa balut dahil sa sisiw pero kinain pa rin niya. Patunay lang na game siya sa mga trip namin. Sobrang saya namin noon dahil ‘yun ang unang uwi namin na super gabi na.

Naalala ko rin nung kumain kami ng street food, nanlibre pa ako nun matikman niya lang lahat. Pinaisa-isa ko talaga sa kanya: barbecue, isaw, betamax, adidas, atbp. Bukod sa pinagtatawanan namin siya, pilit na nag-iingles si ateng tindera at ipinapaliwanag anong parte ng manok o baboy ang mga iyon.

Sa studies naman, hindi namin akalaing ganun siya katalino. Naku, president’s lister lang naman siya nung first sem. Nakakamangha talaga. July na siya nagsimulang pumasok pero nakahabol agad siya sa amin. Minsan nga mas advance pa ang nalalaman niya sa amin. Kapag may exams kami, siya ang tutor namin. Nosebleed kung nosebleed. Mas naipapaliwanag niya raw kasi kapag English. Pinapa-translate na lang namin kay Matt kapag super lalim na ng mga salita niya.

Humigit dalawang daan lang ang masuswerteng nakakaupo sa dami ng pasahero ng LRT purple line tuwing umaga. Mula Santlan hanggang Pureza, kabilang ako sa libong nakatayo sa byaheng ito na patungong Recto. Dahilan kaya natulala na naman ako sa labas at nagmuni-muni habang nakahawak sa handrail.

Dahan-dahan kong kinuha ang pulang LRT magnetic card ko. Ipinasok sa maliit na puwang ng dalawang plastic na pasukan ng card. 58.00 Hinugot ko sa bunganga ng labasan ng card at tsaka itinulak ang isa sa tatlong malulusog na metal. Succes! Maitutulak ko lamang iyon kung uunahin kong kunin ang card ko.

Patusok kong isinilid muli ang stored magnetic card ko. May limang sakay pa akong natitira bago ako bumili ng bago. Maigi na itong stored value para hindi ako naatraso. Mahirap nang maging late sa mga kaibigan mong naghihintay sa’yo.

Nick?” Pagtataka ko. Kahit pa siya ang pinakamalapit sa school dahil nagdodorm siya, nag-tatricycle pa rin siya pagpasok.

Bakit andito ka?” Mga dalawang linggo na rin naming ginagawa ni Kate at kuya Dan ang paglalakad tuwing umaga at uwian. Nakakatipid kasi. At kailangan ata ni bes. Nag-usap naman kami ni kuya na kung anuman ang matitipid namin dito ay itutulong namin kay Kate.

Ayaw mo?” Madalas akong napapalunok kay Nick, hindi ko alam kung bakit. Minsan, iniisip ko na lang na dahil iyon sa kagwapuhan niya. Araw-araw ko naman siyang nakakasama pero ang sarap pa rin sa mata ng kagwapuhan at tindig niya. Plus ang factor na bigla-bigla na lang siyang bumabanat ng kung anu-ano nitong nagsimula ang second sem. “Magtitipid na rin ako simula ngayon.

Okay.

Mga what time sila dumadating?” Nag-improve na rin ang pananagalog niya. Mababaw nga lang, iniingles niya kapag hindi na kaya. Malimit na rin ang pag-slang at pagpapantig niya sa mga salita. Siya mismo ang nagsabi sa amin na sanayin siya sa Tagalog. Pinagbibigyan lang namin siyang mag-English kapag tinuturuan niya kami. Siyempre kami ang benifactors eh.

Parating na rin ang mga ‘yun.” Ang totoo, 15 minutes early ako ngayon. Ibinalik ko sa aking tenga ang mga earphones ko. Makikinig na lang ako dahil wala akong ideya kung anong topic ba ang magandang pag-usapan.

Kahit pa medyo matagal-tagal na rin siya sa PF, hindi pa rin ako kumportableng nakakasama siya ng solo. Ehhhh…nakakakilig naman kasi talaga siya! Nung huling usap namin na kaming dalawa lang, bigla niyang sinabing ‘I don’t know what I will do without you.’ Sige nga, sinong hindi kikiligin kapag sinabihan ka ng ganito kagwapong nilalang?

Paraan ko na rin ito ng pag-iwas. Mas madalas ako mahulog sa mga taong lagi kong nakakasama. Hangga’t maaari inaalis ko ang malisya. Mahirap na at baka imbis na mahulog ang puso ko, eh bumagsak iyon at mabasag ulit.

 --

Ang sarap ng tulog ko nang biglang tumunog ang iPhone ko. Home at gala phone ko lang ito, mahirap na at baka matiktikan ako kapag pumapasok. Baka manakaw, mahirap na. One in a billion chance lang manalo ng ganito kamahal na phone no.

1 New Message from Nick [PF]

Caroline..wala akong magawa. Gusto mo pumuntang sports center mamayang 6? May concert kasi, iba’t ibang banda.

From: Nick [PF]     Received: 3:30pm

Tinignan ko rin ‘yung school phone ko, nag-text din pala siya dun. Alam kasi nilang forever silent mode ‘yun samantalang kabaliktaran naman ang isa.

Wala naman akong gagawin mamaya. Sino-sino kayang banda ang nandoon? Agad ko naman sinearch kay pareng google ang event na ‘yun. Wow ang dami, 6cyclemind, Silent Sanctuary, Tanya Markova, Parokya ni Edgar, Sandwich. WAAAAAAAAA! Okay gora naaaa!

Tinext ko siya agad kung magkano ang ticket. Mga isang minuto lang at nag-reply na siyang may ticket na raw siya para sa akin. Itinanong ko naman kung niyaya na rin ba sila, mas marami mas masaya ika ko sa kanya.

1 New Message from Nick [PF]

Dalawang ticket lang kasi ang nabili ko eh. Please come. I’ll wait for you sa may fountain at 6pm sharp.

From: Nick [PF]     Received: 3:44pm

HALA SIYA! NAG-OO NA BA AKO?! KAPAL MUKS! FEELING PUPUNTA AKO??!

Ayaw ko nga. Kaming dalawa lang. Eeeeh—yiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeeeeeee!!! Shet, kinikilig ako…first date ko ito kapag nagkataon. Dali-dali kong binuksan ang cabinet ko at initsa sa kama ang mga naka-hanger kong pang-alis na damit. Ano ba, green, blue, yellow? Bawal black, gabi kasi…huwag daw mag-black kapag gabi sabi ni mama. Ayayyayyyy! Magpapaalam pa nga ako. OMG ‘date’ na itech!

Huwhaaaat?! Ano na naman iniisip ko?! D-A-T-E??? FRIENDLY DATE lang! Sabi ng konsensya ko.

Oo na, date sa pinakagwapong kaibigan ko. WAAAAAAA!! TAMBLING NA CEE!!! Tumalon-talon pa ako at napahiga sa kama. Ngiting-ngiti na naman ang lola niyo. Ehmeygerrrd, matagal-tagal na rin noong huli akong kinilig ng ganito.

Napatayo ako sa ideyang ‘friend zone’ na naranasan ko nung huli kong naramdaman ito. Haaays. Malamang kasi nga friends lang kami ni Nick ‘di ba? FRIENDS laaaang.

Switch—SANDWIIIICH!!! Si kuya Raimuuuund! Woah, lakas maka-kuya. Eh kaseee naman. Malakas tama ko sa magagaling kumanta at marunong tumugtog ng iba’t ibang instruments especially guitar.  Gaaaaawwd.

Ok.

To: Nick [PF]          Sent: 4:01pm

Dapat manipis lang ‘yung tela na isusuot ko para presko at hindi ako maligo masyado sa pawis. Ito na lang orange printed tee. Kinuha ko naman ang hanger nito at itinapat ko ang sarili ko sa salamin. Huwag na lang pala ito...baka isipin niya siya ‘yung nasa quote, ‘I think of you too much.’ NO WAY kahit pa regalo sa akin ito ni bes. Isinilid kong muli ang damit sa cabinet.

Ito, this is perfect. Simpleng plain tee na may baby blue sa maikling manggas at front pocket design. Puti pa, hindi nakakabaskil. Patungan ko na lang nung black sleevless cardigan ko para may rock style ng kaunti. Jeans and then my brown wedge sneakers.

Maliligo lang ako ulit and then I will be ready to rock!

Masyado ata akong excited at 15 minutes early ako, quarter to six pa lang. Maigi na ‘yung maaga kesa late. Tinanaw ko naman ang palagid at baka narito na siya. Apat na batang naglalaro doon sa may fountain, mga couple sa paligid. Ayun at may bakanteng upuan. Makapunta na nga.

Ay kabayong Dan!” So kailangang tusukin ang bewang ko?

Woops. Sorry. Aga mo ah, excited?

Napalunok ako bago sumagot. “He-he-he,” napakamot ako ng ulo. “Ganun na nga.

Pwede na atang pumasok, tara na?” Ipinakita naman niya ‘yung ticket sa akin. Ang astig niya sa suot niyang dark gray striped v-neck t-shirt. Pamatay pa kasi ang fit sa kanya, kulang na lang pumutok ‘yung manggas sa muscles niya. Hindi naman super maskulado nung braso niya pero kasi malaman ang built ng katawan niya at fit ang damit kaya ganyan. Ganun din ang jean niya, semi-fit, ang sexy! Tapos black low cut chucks pa. Ikaw na maporma!

Uh-ohw. “What’s with your kuha-my-kamay-bulok style?” Ibang klase talaga ang dami ko ng nalunok. Wala na ngang natirang laway sa bibig ko eh.

Wala naman ‘yung iba eh.” As in ibang PF. Ano naman kung wala sila? “It’s our first time together—just the two of us.

Binitawan ko naman kaagad ang kamay niya. Echosero. Lakas ng powers magpakilig. Hindi ako kinikilig noh! Lunok. “Ano’ng first time, sinamahan kita sa Santa Clara nun ah. Dalawa lang tayo nun.” Sinamahan ko siya nun dahil hindi niya alam paano pumunta sa doon sa simbahan. Sobrang nagulat ako nun nang malaman ko kung ano ang nasa petition letter na hinulog niya.

It was not that special.” It was special for me kasi doon ko nadiscover ang soft and caring side niya. Matapos niyang ihulog ang sulat na naglalaman ng dasal para sa mama ko, hinatid niya ako pauwi. Dumaan pa kami sa bayan nun dahil gusto niya raw na may dalang bulaklak at pasalubong na cake sa noon ay maysakit kong mama.

Nakapagkwentuhan din kami noon kaya turing na niya sa akin bestfriend. Siyempre hindi ko naman ibibigay ang pinaka-bestfriend position sa kanya dahil kay bes Kate lang ‘yun. Kahit na hindi ko siya tinatawag na best tulad ng tawag niya sa akin simula nun, the feelings are still mutual.

Pero kahit bestfriend na ang turin ko sa kanya, kinikilig pa rin ako paminsan-minsan. Ang gwapo naman kasi.

Kunwari first date natin ‘to.” Kinindatan niya ako at tumalikod sa akin habang hinihila ang kamay ko sa paglalakad. “Best,” dugtong niya.

Mabuti na lang at hindi niya ako nakikita ngayon. Feeling ko nangangamatis na ang mukha ko dito. Bawat daliri namin ay nagtutugma. Hindi ko naman mabitawan ang kamay niya dahil mahigpit na ang pagkakahawak niya kaysa kanina. Pakiramdam ko parang naka-magnet na ang palad ko sa kanya at may nakapulupot na lubid sa mga daliri namin.

Nagpigil naman ako ng ngiti habang nararamdaman kong tumitili ako sa kaloob-looban ko ngayon. Haaay grabe! FIRST DATE DAW.

Oo Cee, KUN-WA-RI first date daw. Eh ‘di konsensya ko na pinaka-KJ sa mundo.

Binitawan niya lang ang mga kamay ko nung nagsimula na ang concert. Shemaaay! Salamat sa tickets ni Nick at sa harap kami nakapwesto kanina. Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko dahil nahawakan ko ang kamay ni kuya Raimund. Tapos kiniss pa ako nung Mowmow ng Tanya Markova. Nahawaan pa nga ng onti ‘yung pisngi ko ng face paint niya. Pero ang pinakanakakakilig eh ‘yung slow motion na pinahiran ni Nick ng kamay niya ang pisngi ko. WAAAAA! Ohmaygaawd! Natulala nga ako saglit tapos humarap na lang ako sa stage kasi nakakahiya. Todo talon at hiyaw ako. Kung alam lang niya na sa kanya ako mas kinilig. IIIIIIIH!

Magkahawak ulit kami ngayon. Mula matapos ang concert papalakad dito sa tabing ilog, ni minsan hindi naghiwalay ang mga kamay namin. Nawala na rin ang pangongonsensya ng side B ng utak ko at super ineenjoy ang moment na ito. Bahala na. Ano ba naman ang saglit na kilig kung ikukumpara sa madalas na pagsakit ng puso ko? Kaya ko naman siguro...kaya?

Tara na! Gusto ko doon sa kabila.” Daig niya pa ang bata sa pagmamakaawang samahan ko siya sa kabila nitong ilog. Ayaw ko nga tumawid diyan. Takot ako kapag lumulutang ako sa ibabaw ng tubig. Nakakalangoy ako sa ibabaw ng tubig pero ang maupo sa bangka o mag-stay sa deck ng barko, no way! Kaya kinaya ng super disagree powers ko ang bitawan ang kamay niya kaya andun na siya sa ibaba, sa floating tulay.

Pwede naman kasi doon na lang tayo tumawid.” Itinuturo ko ang concrete na tulay pangsasakyan. “Hindi ktia sasamahan kapag diyan mo gustong dumaan!

‘Yan! Natakot ata sa sigaw ko. MWAHAHA, I WON.

Umakyat na siya. Mukhang papayag na sa idea ko. “Malayo kaya. Tara na nga.

AYAW!” Parang meow, parang bata na ayaw pumayag sa gusto ng magulang niya.

I promise I’ll keep you safe all the time. Just promise me you won’t let go of me.” Lunok. Sa mga salita niyang iyon, pakiramdam ko wala naman akong dapat ipag-alala. Wish ko lang kapag nag-ispeech siya…Tagalog sana. “Okay?” Tinusok naman niya ang kaliwang pisngi ko. Namumula na siguro ako?

Inispread naman niya ang kaliwang kamay niya at isinuksok ko ang mga daliri ko. Mas mahigpit ang hawak niya ngayon. My hand against his feels so warm and very safe. Para lang akong naglalakad sa sementadong tulay. Tinignan ko pa ang mahinang agos ng tubig ng ilog. Maliwanag dahil sa mga ilaw ng tulay. Tuluyan ng nawala ang takot ko. Wala na—

HALALALALALA!!!!” Gumalaw ‘yung tulay at napaharap ako sa kanya. Nasa dibdib niya ang kabilang kamay ko habang lalong humigpit ang hawak niya sa kanang kamay ko. “I can’t.” Nanginginig kong sabi sa kanya. Shet, ang tigas ng dibdib niya. Pader ata ang nahawakan ko?

I’m here. I’ll never leave you.” Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sa likod ko. Inilayo niya ang kanyang mukha sa akin, hinawakan ang pisngi ko tapos ang baba ko at tsaka nagtama ang mga mata namin. “We’ll pass this obstacle together.

Hindi ko na namalayan, mabilis ang nangyari. Basta ngayon, nasa ilalim ng tuhod ko ang braso niya at ang isa naman ay nasa likod ko habang nakasabit ang isang kamay ko sa batok niya. Unggoy lang ang peg.

Ang bango niya. Ang tangos talaga ng ilong niya. Please huwag kang lilingon, lalo akong kikiligin. Side view pa nga lang niya, pwede na ako mahimatay. Kunwari kaya mahimatay ako, tapos i-CPR niya ako mamaya, gosh first kiss ko siya ‘pag nagkataon! Charoterang palaka Cee!?

Ang bilis naman ng ride na ‘yun. Ibiniba niya na ako at semento na ulit ang inaapakan namin. “Dun tayo.

Pinili niyang mahiga kami sa damuhan. Pumikit ako at nilanghap ang malamig na simoy ng hangin. Dalawang linggo na lang at Disyembre na. Ang bilis ng panahon. “Ang ganda ng buwan. Ang dami pang stars.” Bilog na bilog ngayon ang buwan. Sinasamahan siya ng mga bitwin na siyang nagbibigay ganda sa kalangitan.

What’s buwan?

That beautiful moon.” Itinaas ko ng tuwid ang braso ko para ituro ng malakandila kong daliri ang buwan.

Really?” Uhumm naman ang sagot ko sa kanya. “You’re more beautiful than that.” Napalingon naman ako sa kanya. Jeez. Nakatingin pala siya sa akin. Agad kong ibinalik muli ang tingin ko sa langit.

Lunok. Hindi ako makasagot.

Makinig na nga lang tayo ng music.” Inilabas niya ang iTouch niya at nilagay sa kanang tenga ko ang kabilang earphone niya.

Nakalahad pala ang palad ko sa damuhan, babaliktarin ko na sana ng inilagay niyang muli ang kamay niya sa akin. Pumili siya ng kanta, out of nowhere, kumanta siya bigla.

Your hand fits in mine like it’s made just for me… But bear this in mind it was meant to be…

Ipinagpatuloy niyang kumanta sa pamamagitan ng pag-hum sa tono. Nagkataon lang ‘yan Cee, of course alam niyang isa sa paborito mo ang One Direction noh. Ayan at nagsasalita na naman siya.

Binitawan niya ang kamay ko kaya iniharap ko na lang ang palad ko sa damuhan. See!

Caroline?” Lunok number 147. Ipinatong niya ang hinliliit niya sa nakahimlay kong kamay sa damuhan.

 “Uhm?” Lunok 148.

Totoo bang bestfriends beome the best lovers?” WOOPS! PAUSE NGA! Saan po patungo ito Lord? Sa bayan lang po kasi ako. “Naniniwala kasi ako dun.

TEKA LANG PO! BAKIT ANG BILIS??? PAUSE SABI EH!

Siguro?” Malumanay na kinakabahang sagot ko sa kanya. Ang ganda talaga nung buwan. ‘Yung stars din oh, kumurap-kurap. Ito naman kasing punong ito, tinakpan mo naman ng kaunti ang view ko. Sure naman akong marami pang sta—

Pwede kaya ‘yun sa atin?

ANO RAW?!?!!! WAAAAAAA! KUNWARI WALA AKONG NARINIG.

Naka-earphone naman kami ‘di ba?

Hingang malalim.

Kunwari wala talaga akong narinig.

Act normal!

Wala talaga akong narinig.

Act normal!

Tinanggal niya ang earphone sa tenga ko. Straigh look ahead Cee! “Because I can believe in us.

Ha? HALA KA CEE! Akala ko isip ko lang nagsasalita, nasabi ko ‘yung ‘ha’ ng malakas. “I don’t know if it’s right but…

I’m changing…” Okay, statwa na ako rito. Batong-bato na ang peg ko.

 Teka, kinukumbulsyon ata ako. Paki-check nga ‘yung puso ko, ang bilis ng tibok eh? “I’m falling…

Wait lang Nick, kausap ko pa si Lord!

Lord??? Lord, are You still there?

The number you have dialed is busy writing your love story right now. Please leave a message after Nick’s confession.” Sabi nung operator sa langit ng utak ko.

HALA LORD NAMAN EEEH???? Lord??? Wahuhuhuhu.

 “I’m loving…you Cee.

Tahimik pa rin ako at walang reaksyon sa mga sinasabi niya. Kanina ‘pause’ ang hinihingi  ko, bakit ngayon parang gusto ko ng rewind?

Kagabi lang,” hinigpitan pa niya ang hawak niya sa kamay ko at patuloy pang nagsalita, “I can’t stop thinking kung anong mayroon tayo. Best friend nga lang ba ang turing ko sa’yo? I realized, I’m going crazy for you. I am in love with my best friend.  I want this to grow into something. Something we can both share together with a smile. Caroline, pwede ba kitang ligawan?

Sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam, ang nasabi ko lang sa kanya ay “ok.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
17.7K 983 28
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...