UNBEARABLE Desire

By Ijreid

474K 7.2K 482

10 years ago I fell in love... 5 years ago I fell harder... Now, I'm falling again. Nakakatawa nga kasi I fe... More

Prologue
Author's Note
Chapter 01: The Beginning
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59: SPG
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82: SPG II
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86: The End
Announcement
Chapter 87
Chapter 88: SPG III
Chapter 89
Chapter 90
Epilogue

Chapter 07

6.6K 95 3
By Ijreid

ARMIE POV

I need a place to breathe after all that happened today. Meeting Ian and Air, confronting with my Parents drained me big time.

Hindi ako sa bahay dumiretso kahit malapit lang ito. Sa condo namin sa QC ako pumunta ng matiyak kong okay na si Paige. My parents is with her kaya panatag ako.

No one lives in the unit anymore pero in case of emergency ay dito tumutuloy ang mga kapatid ko. andito ako sa condo na pagmamay-ari namin ng pinsan kong Diane. Nagshare kami sa cost ng condo na to. With the help of our parents na rin. 

Ilang taon na rin to? Mga sampung taon na rin ang condo na ito. Many memories happened here.

I entered the code at napangiti ako na same code pa rin ang gamit ni Diane dito. I know she's not here. She's married now. Ang mga best friends ko ay kasal na at ako na lang ang nahuhuli.

Diane married her boyfriend, Paul. 3 years na rin sila at may baby na rin. Cass married her boyfriend, Andrew, a year ago at wala pa silang baby. Kinakabahan nga siya dahil isang taon na silang nagtatry pero wala pa rin. And lastly, Kate married her boyfriend, Tom, last month. At wala maski isang wedding ang napuntahan ko sa kanila. I think Kate is still on honeymoon.

Pagkapasok ko sa loob ay may mga nagbago na rin pero ang furniture ay same pa rin. Nilibot ko ang bahay. pati ref at ibang appliances ay nagbago na. nang buksan ko ang kwarto ko ay biglang bumalik ang nakaraan. Wala pa rin kasing pinagbago ang kwarto ko.

Sitting in the middle of the bed is Mr Ted. umupo ako sa kama ko at niyakap ko ito.

"namiss kita!" sabi ko sa stuff toy ko. "inaalagaan ka ba dito?" tanong ko pa.

Iniwan ko to dito dahil nasa moving on process nga ako diba? dapat walang bagay na nakakapagpaalala sakin sa kanya. bigay kasi niya to sakin ng magbakasyon kami sa Ilocos. he gave it to me on Valentines day. 

Paige is the only exception of course na galing sa kanya na di ko pwedeng iwan. Di ko naman pwedeng iwan ang anak ko diba? nasa tyan ko pa siya noong umalis ako dito.

binuksan ko ang cabinet at andun pa rin at malinis na nakaayos ang mga damit ko.

Bumalik ako sa sala at tsaka binuksan ang TV. I need to rest, ang dameng nangyare ngayong araw at gusto kong mapag-isa.

Patuloy ang paglipat ko ng channel ng biglang tumunog ang pinto. Agad akong napatingin sa pwesto nito at iniluwa nun si-

"Diane!" sigaw ko. halata ang gulat sa mga mata niya ng makita ako.  nanlalaki ito at bigla siyang sumigaw.

"couz" tinakbo namin ang isat isa at saka nagyakapan. Grabe isang taon ko rin siyang di nakita kaya naman sobrang namiss ko na siya.

"kumusta ka?" tanong ko. isang malakas na palo sa braso ang naging sagot niya

"kelan ka umuwe?"

"kanina lang" sagot ko habang hinihimas himas yung pinalo niyang braso ko.

"OMG! Bakit di ka nagsabi?" sabay hampas ulit sakin. walang nagbago brutal pa rin tong pinsan ko.

"biglaan eh. nabalitaan mo ba ang nangyare kay Paige?" tanong ko.

"oo kanina ko lang nabalitaan, pupunta nga sana ako dun bukas dahil okay naman na siya. they didn't tell me na uuwe ka pala."

"alam mo naman nagpanic ako ng malaman kong naaksidente siya"

"oo nga eh. nagulat din ako nung nalaman ko. okay na ba talaga siya? wait lang umupo tayo at pagod ako." sabi niya. 

"saan ka ba galing?"

ipinakita niya sakin ang plastic ng national bookstore "bumili ako ng mga posters and toys for Dan. Tinuturuan na kasi namin siya eh" masayang patukoy niya sa anak niya na 2 years old na.

"hiyang ang pagiging nanay sayo ah" nakangiting sabi ko.

"nasa lahi na natin yun. Ano palang sabi ng doctor? Nakausap mo ba? Bakit ka ba andito?" dirediretso niyang tanong.

"kalma ka lang couz. Hinga ng konti" pang-aasar ko kaya naman nasapak na naman niya ko.

"ang bigat pa rin ng kamay mo ah" sabi ko "Nakausap ko na ang mga doctor niya. Maybe the next day uuwe na siya."

"buti naman kung ganun. Ang likot kasi ng pamangkin kong yun."

"speaking of malikot at pamangkin. kumusta pala ang pamangkin ko? nasaan si Dan the second bakit ikaw lang ang  nag mall."

Daniel ang name ng anak niya at Dan ang nickname nito. Katulad ni Danny na Dan din ang palayaw, kaya minsan tinatawag kong Dan or Danny the second si Daniel.

"nakay Paul, pumunta sila kina Mama" tinutukoy niya ay ang family ni Paul. "may kukunin lang akong gamit kaya nagpunta ako dito. Ikaw ba?"

"I want to be alone. Alam ko kasing wala ka dito, pero tignan mo nga naman" sabay pasada ko ng tingin sa kanya. hindi ko naman kasi inakalang darating siya rito, pero masaya naman ako na nakita ko na rin siya. namiss ko to and I need to talk na rin sa isa sa mga bestfriends ko dahil sa dame ng nangyare kanina. kailangan kong mag share ng thoughts ko dahil mababaliw ako kapag hindi.

"why is there a problem?" tanong niya.

Dapat nga si Paige ang inaalala ko pero sa mga nangyare kanina ang gumugulo sa isipan ko. Hindi ko na alam.masyadong mabilis. Nakakawindang.

"I saw them couz" sabi ko at isinandal ang ulo sa sofa.

"who?"

"Ian and Air"

"sino yung mga yun?" kunot noong tanong niya. Napangiti naman ako. malamang di niya kilala ang mga taong tinutukoy ko.

"Si Ian Salcedo ay yung doctor na muntik ng makabangga kina Paige. Si Air Monteverde naman ang ortho doctor ni Paige. At silang dalawa ay matalik na kaibigan ni Navi" sabi ko.

gulat ang rumihistro sa mukha niya at ako ay nanlumong tumango tango. Alam ko malalaman na ni Nav na andito na ko. hindi naman ako natatakot na malaman niya eh. we're cool. Sa last na pag-uusap namin ay naging malinaw na ang lahat. 

Oo sinabi sakin ni Diane na hinahanap ako ni Nav 5 years ago. Pero ayoko na siyang maguluhan, ayoko ng siyang mahirapan. Mahal na mahal ko siya na mas pipiliin kong ako ang masaktan kesa siya ang mahirapan.

"he's working in EWG Hospital same as Ian and the rest of his gang. Natatakot akong makita siya. hindi pa ko handa. Kahit gusto kong idischarge dun si Paige ay hindi pwede. Under observation pa siya ni Air."

"I think we need to call the girls" sabi niya.

"I actually want to be alone and think about this situation I'm into. Kadarating ko lang couz eh" sabi ko.

"sasakit lang ang ulo mo kakaisip. You need to loosen up couz. Lets' go" sabi niya at hinila ako.

"where to? Diba may kukunin ka pa?"

"it can wait. Ikaw hindi, naiintindihan kita. kahit naman ako ang nasa sitwasyon mo ay mahihirapan ako. you need to chill"

"pwede bang dito na lang tayo sa condo."

"no! mag bar tayo. Matagal na rin ang huli kong punta dun" masayang sabi niya. 

OH NO ayoko!

"no not the bar Diane" reklamo ko. drinking is not on my list.

"you don't have a choice" sabi niya

"babalik pa ko ng hospital"

"you said Paige is fine. ikaw ang hindi okay couz. Kaya tara lets na. you need a drink. Hindi ka naman maglalasing eh. chillax lang tayo, magrelax lang okay?"

bumuntong hininga naman ako at ngumiti siya. Maybe I really need a drink.

"may mga damet ka pa dyan. May mga gamit ka rin sa banyo. Go go go. Change clothes tatawagan ko lang ang mag-ama ko."

"oo na. basta sandali lang tayo ah"

tumango naman siya at nagdirestso na sa may balcony. Tatawagan na ata sina Paul.

Habang naliligo ay di ko maiwasang maalala ang confrontation namin nila Papa kanina. Alam na nila ang totoo at kung ano man maging sanhi ay wala naman akong magagawa kundi tanggapin iyon. Mag-uumpisa na ang bangungot ko but this time I'm with my family. This time I'm not gonna face it alone.

FLASHBACK

"Ma" tawag ko kay Mama ng makapasok ako ng room ni Paige.

"anak" tawag niya sakin at alam ko na ang tonong iyon. I should start talking.

Tumabi ako sa kanya at niyakap siya "sorry Ma" sabi ko kaagad.

"alam ko ayaw mong pag-usapan pero anak panahon na rin para malaman namin at malaman ng anak mo. hinahanap na ni Paige ang tatay niya." Sabi niya habang hinihimas ang likod ko.

"alam ko Ma nasabi sakin nila Danny kanina."

"kung ganun sino ba ang ama ni Paige? Kung hindi si Doc Ian ay sino?" lumayo ako kay Mama at tsaka itinaas ang ulo ko. binasa ko ang mga labi ko at nag-iisip "kung ayaw mo pang sabihin ngayon ay sige bahala ka. Ayaw na rin kitang biglaan dahil kadarating mo pa lang pero ano yung nangyare kanina? Bakit mo sinabing kapatid mo ang anak mo?"

"Ma kaibigan kasi niya yung tatay ni Paige. Same circle of friends." sabi ko.

"kilala siya ng pinsan mo." napakagat ako ng labi sa tanong ni Mama.

Nakita kong umiling siya. alam ko tinanong na ni Mama sila Diane kung kilala nila kung sino ang nakabuntis sakin at ang laging sinasabi ng mga bestfriends ko ay hindi nila alam at nagulat din sila sa balita.

"bakit Armie?" tanong ni Mama

napaiyak naman ako. ewan ko ba ang sensitive ko talaga kapag ito ang usapan.

"hindi ko rin alam Ma eh. naguguluhan ako. natatakot ako. hindi ko na alam ang gagawin ko noon."

"andito kami"

"alam ko Ma pero hindi ko alam kung bakit ayaw kong ipaalam. Siguro takot akong mahusgaan ng ibang tao. Takot akong magalit kayo sakin. maraming takot eh."

"anak kahit ano pang laki ng kasalanan mo kami ang kakampi mo. di ka namin pwedeng pabayaan. Pamilya mo kami. bakit sa pinsan mo nasasabi mo bakit kami na magulang mo o sa mga kapatid mo hindi mo masabihan?" puno ng pang-aakusa ang boses niya.

"ganito na nga ata talaga ako eh. gustong solohin ang problema. Hindi aamin kung hindi mahuhuli. Si Diane kasi ang unang nakaalam na buntis ako eh. nakakatawa nga kasi hindi ko man lang yun napansin dahil na rin sa broken hearted ako sa tatay ng anak ko. tapos hindi rin naman ako aamin kay Ann kung hindi lang niya nakikitang lumalaki ang tyan ko. ewan ko Ma bakit ganito ako, kanino ba ko nagmana?"

"malamang sa Papa mo dahil hindi naman ako ganyan"

napasimangot naman ako sa sagot niya.

"sinong nagmana sakin?" tanong ng kadarating lang na si Papa.

"Pa nagmana daw ako sayo ng katigasan ng ulo sabi ni Mama" sumbong ko.

"Mama alam nating dalawa kung sino ang mas matigas ang ulo satin" sagot ni Papa.

"oo ikaw"

"no honey. Ikaw yun. Ibang ulo ang matigas sakin"

"Papa" sabay na saway namin ni Mama. Natawa naman siya sa reaksyon naming dalawa.

"naku ang mga babae sa buhay ko. ano bang pinaguusapan niyo?" tanong niya at umupo sa bed ni Paige at hinalikan ito sa noo.

Bigla akong kinabahan ng makita ko si Papa. Nagtinginan naman kami ni Mama at di ko mapigilan ang pamamasa ng kamay ko. ganito ako kapag kinakabahan eh. namamasa ang mga palad ko.

"mukhang seryoso to ah. how are you anak? kumusta ang byahe mo?" lumapit naman si Papa sakin at hinalikan ako sa pisngi. Gaya nila Mama isang taon ko rin siyang hindi nakita.

"namiss kita Pa" sabi ko

"namiss din kita. anong meron?" sabay tingin niya samin ni Mama.

"itong anak mo may sasabihing importante" sabi ni Mama.

tumingin sakin si Papa at nag-aantay ng sasabihin ko.

"Pa, Ma sorry po talaga" napapakagat labi na sabi ko.

nagtaka naman si Papa at tumingin kay Mama. Ikinuwento ni Mama yung mga nangyare kanina.

"kaya nga tinatanong ko tong anak mo kung ano ba talaga ang totoo? Dahil kahit ako naguguluhan na." pagtatapos ni Mama sa kwento niya.

tahimik lang ako the whole time nagkukwento si Mama. Bakas sa mukha ni Papa ang gulat sa mga naririnig.

"anak hanggang ngayon ba naman?" patukoy ni Papa sa sekreto ko.

"alam ko Pa. sorry po." Naiiyak ko ng sabi.

"shhhhh" ayan na si Papa. hindi ko mapigilang humagulgol ng niyakap niya ako. 

ang sweet sweet talaga nitong si Papa eh kay Papa's girl ako eh.

"does it mean alam na ng tatay ng anak mo na andito ka na?" tanong niya.

"probably." Sagot ko at sumisinghot singhot pa "Sa daldal ba naman nung si Ian baka ngayong nag-iiyak ako dito naipaalam na niya sa barkada nila. I'm not yet ready Pa. hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkita kami." kinakabahang sabi ko.

"hindi mo na maiiwasan yan anak lalo na ngayong hinahanap na siya ni Paige. It's just a matter of time. tatanungin na niya yan sayo at ayokong magsinungaling ka. Kung ako ang nasa sitwasyon niya at tinago ka sakin ng Mama mo ng limang taon, magagalit ako, manunumbat. hindi kita tinatakot anak pero normal lang yun na mangyare kapag nalaman niya ang tungkol sa anak niyo."

"pero Pa ang aakalain  niya kapatid ko si Paige"

"for how long? Magsisinungaling ka na lang ba sa anak mo?"

"sasabihin ko rin naman" nanlulumong sabi ko.

"kelan pa? kapag malaki na siya at kaya ka ng sumbatan?"

"Pa" frustrated kong sabi.

"kung ikaw ang nasa posisyon ng anak mo. malaman mo na ang Mama na kinilala mo ay hindi mo pala tunay na ina"

napatingin ako kay Mama at biglang kinabahan.

"Armie anak kita" pagkukumpirma ni Mama

"hindi kasi tayo magkamukha eh" sabi ko.

"nakung bata to. Ikaw naman kasi honey eh." sisi ni Mama kay Papa.

"diba hindi mo matanggap? Masama sa pakiramdam? Feeling mo pinagkait sayo ang katotohanan. mas maganda na habang bata pa siya ay malaman na niya. Anak karapatang nilang dalawa yun. Karapatan nilang makilala ang isa't isa." Paliwanag ni Papa. 

Kainis si Papa kinabahan kaya ako dun. di ko matatanggap na hindi si Mama ang nanay ko. kainis hindi naman kasi kami magkakamukha eh. Si lola daw ang kamukha ko na nanay ni Papa. buti itong si Paige kamukha ko di mapagkakailang anak ko siya.

"baka kasi di siya tanggapin ng tatay niya. Ayokong masaktan ang anak ko." sagot ko kay Papa.

"one step at a time anak. Una mo dapat kausapin ang tatay niya bago si Paige"

Inilagay ko sa sintido ko ang mga kamay ko at nag-isip.

"Pa paano kapag may pamilya na siya? limang taon na ang nakalipas" pangangatwiran ko.

"it's his right to know anak"

"anak" tawag ni Mama "nasabi mo sakin noon na kaya mo hindi sinabi sa kanya na buntis ka dahil may mahal siyang iba at ayaw mong makasira ng relasyon nila. Na ayaw mong pikutin siya"

"yes po" totoo naman yun eh. yung ang pinakadahilan kaya umalis ako ng bansa.

"pero anak iba na ngayon. Limang taon na ang nakalipas. Siguro naman ay marame ng nagbago. "

"yun nga Ma eh marame ng nagbago. Paano pag di niya matanggap si Paige? Paano kung sumbatan niya ako? Paano to makakaya ng pamilya niya kung sakali?"

"anak puro ka what ifs. Bakit hindi muna natin isa isahin. Diba sabi ko kanina one step at a time. Mag-usap muna kayo ng tatay ng bata."

Natawa ako ng marinig ko ang what ifs na sinabi ni Papa. Dyan kami nadali noon sa what ifs eh. akala ko naman tapos na ang mga what ifs ng buhay ko. bakit ngayon bumalik na naman.

Sa tuwing babalik na lang ba ko ng Pilipinas lagi na lang magugulo ang buhay ko ng ganito?

"tanggapin man niya ang anak niya o hindi andito kami para mahalin si Paige na higit pa sa mabibigay ng daddy niya. Pwedeng pwede ka pa rin naman mag-asawa eh" nakangiting sabi ni Mama. Nakikita niya ata ang hesitations ko.

"Ma naman 30 na ko tapos may anak pa. Paano ako makakapag-asawa? wala ng magkakagusto sa disgrasyadang tulad ko"

"bakit? marame nga dyan hindi lang isa ang anak pero nakakapag asawa pa rin at tsaka bata pa ang 30. Life begins at 40 anak." Sinimangutan ko naman siya. si  Papa naman ay nakangiti lang samin. Mukhang sumasang-ayon siya sa sinabi ni Mama.

"tama ang Mama mo anak." Sabi na eh. magkakampi sila  "andito kami. hindi mo kailangan akuin ang lahat ng problema. At kung sumbatan ka man niya dapat mo yung tanggapin anak. You deprieved him to know his daughter. Don't worry kung magkagulo man, the custody is always yours. Paige is still a Perez."

Bigla akong kinabahan sa sinabi ni dad. Custody? Ilalayo sakin si Paige? Kahit naman hindi ko kasama si Paige dahil nasa Amerika ako iba pa rin na alam kong akin lang ang anak ko at wala akong kaagaw na ibang pamilya sakanya. Nabalot kaagad ng kaba ang sistema ko. marameng magbabago kapag lumabas na ang totoo. Kakayanin ko ba?

"siguro magagalit at masasaktan ang pamilya niya kapag nalaman na may anak sa labas ang padre de pamilya nila pero wala na tayong magagawa dun. alangan naman ibalik natin si Paige sa sinapupunan mo?" pagbibiro ni Papa. "maiintindihan naman siguro nila. Anak naman niya si Paige ng hindi pa siya kasal diba? kung tutuusing anak sa pagkabinata si Paige at hindi anak sa labas." pagkokompirma ni Papa

"opo Pa tama naman kayo pero nabuo si Paige ng may relasyon pa sila" nahihiya kong sabi. kahit masakit ako ang kabit eh.

"sila din ba ang nagkatuluyan" tanong ni Papa.

"opo" napayuko ako sa sagot ko. my God kahit pala anong naging desisiyon ko noon, masisira at masisira ko ang relasyon nila kapag nilabas ko si Paige.

"may balita ka pa sa kanya?" tanong ni Mama

"last na balita ko po ikakasal na sila eh" sabi ko nalang. That news was 5 years ago pa.

Nakita kong pumikit at bumuntong hininga si Papa. Lagi na lang ba ako ang nagdadala ng problema sa buhay nila? Ako na ata ang may pinakamasaklap na buhay pag-ibig saming magkakapatid. Sana lang talaga hindi kasing gulo ng lovelife ko ang mahanap ni Danny at syempre ng anak ko din.

"sino ba tong lapastangan na to na umakit sa anak ko kahit na may pananagutan na sa iba"

"Papa naman. Ang panget nun. nag mukha akong easy to get" pagmamaktol ko. 

ngumiti naman siya sakin bago nagsalita"ewan ko ba anak wala ka namang boyfriend. Sobrang kang nadepress sa first love mo kaya nagtataka ako kung paanong nainlove ka kaagad sa lalaking ito. Malamang inakit ka niya ng husto" 

napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"tama ang daddy mo. ano bang special sa lalaking to at nagawa mong ibigay ang sarili mo anak. Minahal mo ba tong lalaking to? Baka rebound mo lang siya dahil hindi ka makamove on kay Navi"

this is the second time na narinig ko ang pangalan niya sa ibang tao. Kapag nakita ko si Air malamang mauungkat na naman siya. kapag nakita ko ang mga bestfriends ko mauungkat na naman siya.

ito na ba ang kabayaran ng pag-iwas ko sa pangalan niya ng limang taon. Kailangan kumota ako sa panaglan niya ngayon araw?

Sumandal ako sa upuan at tsaka tumingin sa kisame.

"Pa, Ma, minahal ko yun ng sobra. Higit pa sa pagmamahal na naranasan ko nung una." Sagot ko. "at kahit hindi kami ang nagkatuluyan. Hindi ko magawang magalit sa kanya. ang totoo natatakot akong masumbatan niya at sabihing kasalanan ko lahat ng nangyayare ngayon. Natatakot ako sa pwede niyang reaksyon kapag nalaman niyang nilihim ko ang anak namin"

"natatakot kang kunin niya ang bata sayo? sabi ko naman anak sa nanay-"

"hindi yun Pa. alam kong hindi niya kukunin sakin ang anak ko. hihingi siya ng oras, oo. Pero ang ilayo ang bata sakin hindi niya yun gagawin. Baka ako pa ang gumawa nun sa kanya. ay mali, ginawa ko na pala sa kanya." patukoy ko sa paglihim ko kay Paige sa kanya at pagtago ng tungkol dito ng limang taon.

"he seems to be a nice guy" sabi ni Papa

"he is"

"then why didn't he chose you and Paige?"

"cause I deprived him of the decision. Ngayong naguusap tayo. Ang dami ko biglang narealize. Alam niyo po ba-" naluha na ko ng biglang bumalik sakin ang huling araw na nakita ko siya "pinapili ko siya. ako o yung girlfriend niya. Wala siyang pinili dahil pareho daw niya kaming mahal pero alam ko namang nakakahigit ang pagmamahal na nararamdan niya sakin. sigurado ako dun. damang dama ko eh. kaya lang kasi ,ayaw niyang bitawan yun isa. Hindi daw niya kayang saktan ang babaeng ang ginawa lang naman ay mahalin siya ng sobra. Sabi ko ang selfish niya kasi dalawa kaming gusto niya pero ang totoo ang selfish ko kasi gusto ko akin na siya kaagad. Hindi ako makapag antay na piliin niya ko. gusto ko kaagad iwan na niya yung girlfriend niya. nang hindi siya makapili kaagad ay iniwan ko siya. umalis ako kasama ng sekretong buntis ako."

pinipisil ni Papa ang hita ko at si Mama naman ay hinahaplos ang braso ko.

"yun kasi ang alam kong tama noon eh. hirap na hirap siyang mamili kaya ako ang gumawa ng desisyon para sa kanya. hindi ko man lang inisip na mawawalan ng ama ang anak ko. ang insiip ko na lang noon ay yung sakit na nararamdaman ko at ang kagustuhan kong lumayo at makalimot. pero gaya ng dati. gaya ng paulit ulit na nangyayare, nasasaktan ko pa rin siya."

"anong paulit ulit na nangyayare?" tanong ni mama

hinarap ko siya at niyakap. Humagulgol ako sa kanya at inaalo nila ako ni Papa.

"Ma isang tao lang naman ang minahal ko eh. isang tao lang naman ang  nakakasakit sakin ng ganito . isang tao lang din naman ang tinitibok ng pasaway kong puso eh."

"tssss" singhal ni Papa na nakuha na ata kung sino ang sinasabi ko.

"OH MY" si Mama naman yan na nagulat sa sinabi ko.

"ang dame ko namang nakilalang lalaki. Marame naman nanligaw sakin pero bakit yung puso ko nakakadena lang sa taong hinding hindi ko naman makuha. Lagi na lang kasing wrong timing eh pero ngayon ko lang narealize na kasalanan ko naman lagi. Kasi ako ang unang nang-iiwan. Tama ka naman Ma eh. ang hina ko. lagi ko na lang tinatakasan ang problema at sinasarili."

"anak" tawag ni Mama sakin at alo.

Ang sakit eh. ang sakit sakit pa rin kapag naaalala ko ang lahat.


Continue Reading

You'll Also Like

853K 20.4K 33
Issabella was a twenty-seven-year-old grade school teacher and an elementary school textbook writer. She wore eyeglasses and outmoded clothes. Her li...
82.8K 1K 29
"Hindi ako kabit, matagal na siyang akin," mariin na sabi ni Donna sa kanyang Best Friend na si Cecilia, ang asawa ng kanyang minamahal. "Really? But...
745K 9.5K 50
Serene, A girl who got pregnant at a very young age. Iniwan siya ng nakabuntis sa kanya at mag-isa niyang pinapalaki ang kanyang anak. Sa panahon ng...
2.7M 29.2K 41
"I'll do anything you want, wag ka lang mag sumbong." He was staring at my eyes and lips alternately. Nawala yung ngisi nito. "Anything? Seryosong ta...