Bestfriend Ko... (Published u...

By theperfectinfinity

7M 82.9K 11K

Isa lang naman ang gusto ko eh. Ang mahalin ako ng bestfriend ko. Cliche right? Pero masisisi niyo ba ako? Na... More

Bestfriend Ko...
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Katsumi's Special Chapter
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
JC's Special Chapter
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Ella and Lester's Special Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Yen's Special Chapter
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Seth's Special Chapter
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Julia's Special Chapter
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Epilogue
Bestfriend Ko Facts
PUBLISHED
Hello

Chapter 6

90K 1K 49
By theperfectinfinity

Kath's POV

"Kath..." Pagpasok pa lang ni Julia ay niyakap ko na agad siya at humagulgol.


"Kath tahan na." Hinaplos ni Ella yung likod ko at pinapatahan ako.


"Bakit ganon? A-ako yung palaging nandiyan p-para sakanya. Pero ang l-layo layo ng tingin niya. I mean, g-ganon ba talaga siya kamanhid? H-hindi niya ba n-nararamdaman na nahihirapan din ako? Na n-nasasaktan din ako sa mga p-pinag gagawa niya. H-hindi naman ako ganito n-noon ah? May mga niligawan n-na siya noon, hindi ako n-nagpapaapekto. P-pero bakit ngayon? Bakit ngayon ko lang naramdaman ang s-obra sob-sobrang sakit. Pero bakit g-ganon? K-kahit minsan nararamdaman 'kong gin-ginagamit niya lang ako, para l-lang may magawa s-siyang assignment o kahit p-panliligaw man yan, b-bakit hindi ko ka-kayang magalit. Bakit Y-Yen?" Halos hindi na maintindihan ang mga sinabi ko kasi kinakain ko yung mga salita ko.


"Kasi mahal mo." Tatlong salita na nag paiyak saakin lalo.


Humiwalay ako sa yakap ni Julia at sumandal sa sink namin at tinakpan ang mukha ko. Ayoko kasing makita nila akong nagkakaganito. Ayaw kong makita sa mga mata nila ang awa. 


"Kath alam ko na hindi kaya ng kahit ilan pa yang band-aid ang puso mo. Pero ito lang ang masasabi ko at palagi kong sasabihin sa'yo. Itatak mo 'to sa utak mo Kath. Wag na wag ka magpakita na nahihirapan o nasasaktan ka. Handain mo na yang puso mo kasi alam kong hindi lang ito ang haharapin mo. Paghandaan mo Kath, kasi ayokong makita kang nagkakaganito. Kasi masakit para saamin na umiyak ka. Kaya tahan na." Hinila ako ni Yen at niyakap. Sumali na din si Ella at Julia.


"Kaya wag ka nang umiyak Kath. Ang pangit mo eh. Last mo na yan ah?" Julia.


Napatawa nalang ako, pero nang dahil sa pagtawa ko ay lumobo yung sipon ko.


Lumayo sila saakin.


"EW! Ikaw na nga kinocomfort ikaw pa 'tong namimigay ng sipon. Ew!" Ella.


Natawa nalang kami sa reaksyon ni Ella.

__________________


Nasa labas na kami ng room.  Buti nalang at wala pa yung first teacher namin na si Ms Reyes. 


Tinignan ko sila at tinignan din nila ako. Inayos ni Ella ang buhok ko na parang binagyo kanina sa CR. Nilagyan din ako ni Bes ng concealer para hindi halata ang namamaga 'kong mata. 


"Handa ka na ba?" Tanong ni Yen.


"Magiging sinungaling lang ako kapag sinabi 'kong 'Oo'"  Ngumiti nalang ako ng pilit.


Ngumiti nalang din sila sa'kin at binuksan ang pinto papasok. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

 

Pagpasok ko ay nakita ko si Dan at Mich nag-uusap at ang laki laki ng ngiti ni Dan. Umiwas nalang ako ng tingin at tumungo sa upuan ko. Hindi man lang niya ako napansin.


"Kath kayanin mo."  Bulong ni Ella sa'kin bago umupo sa upuan niya.


Tulala ako halos buong subject. Hindi pa din pumasok yung second teacher namin, balita ko nagka chicken pox yun eh. Bakit palaging nag-aabsent yung mga guro? Eh sana hindi nalang sila nag guro kung ganyan man lang sila. Minsan kasi uma-absent yung teacher ng wala namang binibigay na reasonable na reason kung bakit umabsent. Napabuntong hininga nalang ako. May mga corrupt pa tayong gobyerno. Ano na ba 'tong nangyayari sa Pilipinas? 


"Madam why are you tulaley? Anong problema mo?" 


"Ekonomiya ng bansa."  Wala sa sarili 'kong sagot.


"PFFT-HAHAHA G-GRABE M-MADAM HAHAHAHAHA PATI BA NAMAN YUN PRINOB--HAHAHAHAH--PRINOBLEMA MO? AHAHAHAAHHA. NAKU! MALALA KA NA! HAHAHAHA"  Nang dahil sa tawa ni Kats ay natauhan ako. Anong nangyayari dito? Kumunot yung noo ko.


"CLASSMATES WOHOOOOOO PATAWA TALAGA SI KATH PFFFFT-HAHAHAHAH. HINDI KO ALAM NA JOKER KA PALA! HAHAHA"  Nahawa na rin ang mga kaklase ko sa tawa ni Kats. Pero hanggang ngayon at nakakunot pa rin ang noo ko. Ano ba talaga ang nangyayari sakanya? 


Umiling nalang ako at yumuko dahil nahihiya na ako sa tabi ko. Sinulyapan ko si Dan at Mich at nakita ko silang seryoso pero nakangiting nag-uusap.


Napailing nalang ako.


Kayanin mo Kath. May mas lalala pa diyan.

__________________


"Class dismissed." Ms Rodriquez.


"YES!" Tumayo si Kats at mas nauna pang lumabas kesa sa guro namin. Napaling nalang siya at lumabas na din.


Ang patay gutom talaga 'non! Buti hindi siya tumataba sa ginagawa niya.


Pagdating namin ng canteen ay pinag gitnaan namin ni Michelle si Dan. Tss, mas mabuti na tong nasa gilid nuh kaysa nasa harap nila.


Tapos na akong kumain at hinihintay pa namin si Kats at Les na matapos. 


Kinalabit ako bigla ni Dan kaya nilingon ko siya.


"Bakit?"


"Hintayin mo 'ko sa bahay niyo ha? Doon kasi ako tatambay ngayon eh, umalis sina mama sasama din si JC."

"Bakit hihintayin pa kita? Hinid ka ba sasabay sa'kin?"


"Ahhh kasi..." Kinamot niya yung batok niya at tiningnan si Mich na kumakain ng saging.


Ahhh naintindihan ko na.


"Sige Dan. Hihintayin nalang kita mamaya." 


Ngumiti siya ng malaki sa'kin.


"Thank you KC! Da best ka talaga!" Dan sabay yakap at gulo ng buhok ko.


Pagkabitaw niya ay inayos ko yung buhok ko at tinignan si Julia na ngayon nakataas na ang kilay.


Nag mouth nalang ako sakanya ng 'sorry'. Umirap nalang siya at napailing.


"Tara na!" Les.


Tumayo na kami at nagsimulang mag lakad.


Tumabi si Julia, Yen, at Ella sa'kin.


"Control." Sabay na sabi nila. Napangiti nalang ako. 

__________________


Uwian na at umuwi na ang mga kaklase ko. Ako at sina Yen nalang ang natira.


"KC hatid ko na si Mich ha?" Tumango nalang ako.


Pagkalabas nila ay napa upo ako sa upuan ko at yumuko.


"Hindi ko kaya." Mahinang sabi ko.


Inangat ko yung ulo ko at nakita sina Ella na nakatingin sa'kin.


"Hindi ko kaya eh. Kakasimula pa lang pero hindi ko kaya." Kinunot ko yung noo ko para pigilan yung luha ko.


"Isa lang namana ng solusyon diyan eh." Yen.


"Ano yun Yen?" Juls.


"Iwasan mo." 


Napabuntong hininga ako. 


"Hindi naman ata tama yun. Bestfriends kami."


"Kaya nga eh! Bestfriends kayo Kath! BESTFRIENDS! Tamang gawain pa ba yan ng bestfriends? Eh iniwan ka para lang sa nililigawan niya? Bestfriends kayo Kath! Pero kung makaasta siya eh parang wala lang!" Ella.


Napailing nalang ako at yumuko.


"Kaya nga din eh, bestfriends LANG kami." Mahina 'kong sabi. Bingyan diin ko talaga ang 'lang'.


Narinig 'kong suminghap si Ella.


"Ewan ko sa'yo. Tara na! Uwi na tayo, ihahatid ka pa namin." Ella.


Tumayo na ako at naglakad na papuntang sasakyan nila Ella.


Alam ko naman kung ano ang saabihin niya mamaya eh. Puro si Michelle ang bukang bibig niya. Na masaya siya kasi pinayagan siya manligaw. Na ito ang pinakadabest na araw niya. Na ganito si Michelle, na ganyan si Michelle. MICHELLE. MICHELLE. MICHELLE! Puro nalang Michelle! Lagi naman eh! Pero shit lang eh! Wala akong magawa kasi doon siya masaya! Sa Michelle niya! Sa Michelle na mahal na mahal niya. Kay Michelle lang...


Buti pa yung bestfriend ko masaya, sa piling nga lang ng iba.


Napangiti ako ng mapait.


Continue Reading

You'll Also Like

22.7K 155 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
118K 5.5K 11
Ito ay istorya ni Luna, ang magandang babaeng paborito ang salitang 'punyeta'. At ni Chance, ang pinakamalaking punyeta sa buhay niya.
21.8K 1.2K 19
This is a collection of short stories that randomly floating in my mind. It's either I heard a story and wrote it, read the plot somewhere else and g...
157K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...