Seth's Special Chapter

74.5K 839 104
                                    

Seth's POV

"MAMA! MAMA! Tignan mo si Kuya Hugh! Inaaway niya 'ko *pout*" Sabi ni M, my little sister.

"Naku anak, wag mong awayin ang kapatid mo." Mama.

"Eh, hindi ko naman siya inaaway eh." Ako.

"Anong hindi? Eh sabi mo nga ang panget panget ko." Nag pout nanaman siya.

Pinisil ko ang pisnge niya. Ang cute niya kasi eh.

"Aray! Aray! Mama! Papa! Araaay!" Binitawan ko naman ang pisnge niya.

Hahaha ang cute niya. Sobrang pula nang cheeks niya.

"Naku! Wag na nga kayo mag-away diyan. Mag laro nalang kayo." Papa.

Pinagpatuloy na namin ang paglaro namin ni M.

Nandito kami nang family ko sa park. Wala lang, family day kasi namin ngayon. It's Saturday kasi eh.

I'm happy with my family. Ako na siguro ang piiiiinaka swerteng tao na nabubuhay ngayon, kasi binigyan ako ni lord nang mga mababait na magulang at especially a loving, cute, and adorable sister.

Wala na akong maiihiling pa. I'm already contented. Kasi buo kami at masaya. Sana walang makakasira sa family namin.

Ilang oras na ang lumipas at napag desisyonan ni papa na umuwi na, kasi magluluto si mama nang favorite namin.

Habang nasa sasakyan kami, nag-iingay kami at nagpapakasaya. Kumakanta, at tumatawa. 

Pero hindi naman nagtagal at nawala ang kasiyahan na 'yun.

"PAPA! MAY SASAKYAN!!!!" Sigaw ko.

*screeeeeeeeeech*baaaaaaaaaaaang* 

Biglang nagpreno si Papa at nahulog kami sa bangin.

Nakita kong duguan si Mama sa front seat, at si papa walang malay. Tinignan ko ang kapatid ko, si M. Hinawakan ko ang kamay niya bago pa ako mawalan nang malay.

May narinig ako pero hindi ko na masyadong naiintindihan, kasi nanghihina na'ko.

______________________

"Kuya......"

"M? Ikaw ba yan?"

"Kuya, I love you!"

"I love you too M!"

"Paalam kuya..." 

________________________

Bigla naman nagising ang diwa ko, pero hindi makakagalaw ang katawan ko.

May narinig akong nag-usap usap.

"Sasabihin ba natin sakanya?"

"Wag na muna, makakasama 'to sa kalagayan niya."

"Pero dapat niya 'tong malaman! Tungkol sa kapatid niya 'to."

"Alam ko, pero wag muna ngayon. Sige, alis muna ako. Punta pa ako nang station."

Narinig ko ang pagsarado nang pinto an.

Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Mama na naka upo lang sa sofa at umiiyak.

"M-mama?" Umangat naman ang ulo niya at nagulat 'nung nakita niya 'ko."

"HUGH! ANAK!" Bigla naman napatayo si Mama at niyakap niya 'ko, gamit ang right arm niya. May bali pala siya.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now