Chapter 70

63.9K 969 125
                                    


Kathryn's POV

Nandito kami sa GYM ulit. Basketball kasi nila ngayon eh.


Bilib na ako sa mga officers ng school, ang bilis mag transform.


Nandito ako sa may bandang harapan, para malinaw yung kuha. Pero hindi talaga ganon kalinaw. Mas maganda kung malapitan.



Nakita ko si Ms Vice at Julia nagtatalo. Pinicturan ko sila. 



Tinignan ko ang picture. Natawa nalang ako.


Si Julia lang ang may kayang sumagot sagot kay Ms Vice. Lagi silang nagtatalo. Close sila actually.


Pagtingin ko ulit sakanila ay nagulat nalang ako kasi nakatingin na sila sa'kin at nakangiti ng nakakaloko.  Yung ngiti na may masamang binabalak.



Sinundan ko ng tingin si Ms Vice. Lumapit siya announcer at inagaw yung mic. 



"MS BERNARDO!" Nagulat ako.



Napatingin lahat ng tao sa'kin. Kaya nahiya naman ako.



Langyang Ms Vice 'to. Pinapahiya ba ako nito? Alam naman niyang ayaw ko sa attention eh.


Tinignan ko si Julia. 


Ayun! Tawa ng tawa. Kita ko pa nga mula dito ang pag talsik ng laway niya, ew.



"PAGING MS BERNARDO. PLEASE PROCEED TO THE LOCKER ROOMS."


"ONCE AGAIN. PAGING MS BERNARDO PLEASE PROCEED TO THE LOCKER ROOMS."


Nakita kong lumapit si Julia kay Ms Vice.


"FOR THE LAST TIME. PAGING MS BERNARDO PLEASE PROCEED TO THE---Masyado ka naman atang nag enjoy bakla!" Inagaw ni Julia yung mic sa kalagitnaan ng sinabi ni Ms.


Nakita ko naman na napasimangot si Ms.

Napuno ng tawanan yung buong GYM.

Tinignan ko ulit sila. Nakita kong nilakihan ako ng mata ni Julia.

Kaya napatayo agad ako, at naglakad na papuntang lockers room.


Nakita ko dun nakatayo sina Ms Vice at Julia. Hindi pa sila pumapasok.

"Ano bang kailangan niyo?" Ako.


"Sa loob nalang. Halika." Julia


Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad .


Nakasalubong namin sina Kats at ang iba pang players. Siyempre, including Dan.


"Oh Madam. Saan punta niyo?" Kats.


"Ay bakit? May iba pa bang mapuntahan kapag dumaan dito?" Ms Vice.


Napakamot nalang sa batok si Kats.



Nakita kong siniko ni Julia si Ms Vice.



"Sungit mo!" Julia.



"Eh inagawan mo'ko ng mic kanina eh." Ms Vice.


"Eh nagpapacute ka sa announcer eh." Julia.


"Inggit ka no? Kasi mas malakas ang karisma ko kaysa sa'yo!"


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ