Chapter 30

86.7K 956 94
                                    

Yen's POV


"You may now take your lunch." Tumayo na kaming lahat para lumabas ng classroom,


Tumabi ako kay Kath nong nakita ko siyang tulala na naglalakad.


"Galing mo kanina!" Sinko ko siya kaya nagulat siya. Tinignan niya ako at natawa nalang ako.


"Don't do that! Akala ko kung ano na." Tumawa ako lalo sa itsura niya. 


"If you could only see your face right now, epic!" Ngumiwi lang si Kath saakin at tumawa nalang din.


"Nang asar ka pa!"

 

"Bakit ka ba kasi tulala? Nasaan si Kats?" 


"Nauna na sa canteen. Alam mo naman yon, patay gutom." Humagikgik ako at hinila na si Kath para mapabilis ang lakad namin. Nakita ko kasi na malayo na ang barkada.


"Bilisan mo naman ng konti. Nahuhuli na tayo." Binilisan niya ang lakad niya pero tulala pa rin.


"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sakanya.


"Pangit ba yung kinanta namin?"


"Are you insane!? Ang ganda kaya nun! Na LSS nga ako eh! Hindi ko inakala na you can make a song of your own. Epekto nga naman ng pag ibig." Umiiling kong sabi.


"Sa pag iwas ko sakanya ay marami akong naisip. Marami akong natandaan. Marami akong naalala at namiss."


"Hey! Cheer up! Wag mo nalang yan isipin ulit. Think positive."


Pag upo namin ay nagprisinta na ang mga lalaki na umorder ng pagkain namin.


"Ella. Anong gusto mo kainin?" Lester


"Pagmamahal mo." Narinig kong bulong niya. Siniko ko siya kaya napatingin siya saakin. Nginitian ko siya ng nakakaloko kaya namula siya at umiwas ng tingin.


"Ha ano yun?" Lester


"A-ahh lasagna nalang sa akin." Tumingin ulit siya saakin at tinaasan ko lang siya ng kilay. Ngumuso siya kay Seth at ngumiti din ng nakakaloko. Inirapan ko nalang siya at humarap kay Seth.


"Ikaw Yen? Anong sa'yo? Ako na bibili." Seth


"Adobo with rice at tsaka ice tea." Tumango siya sa sinabi ko at ngumiti.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now