Chapter 11

84.6K 900 39
                                    

Kath's POV

 

Breathe in, breathe out. 


Pinaypayan ko ang sarili ko kasi hindi ako mapakali!


Alam niyo kung bakit?


Siyempre hindi ikukuwento ko palang diba? 


Kinikilig ako, alam niyo kung bakit?


Siyempre hindi, sasabihin palang diba? 


Baliw na ata ako, binabara ko ang sarili ko.


Ganito kasi yun..


FLASHBACK

Galing ako ng school ngayon, nagabihan ako ng uwi kasi ginawa ko na ang mga assignment ko doon, buti nalang at naabutan ko pa si JC at may kasabay akong umuwi. Lagi nga siyang nagkukwento tungkol kay Gabby, nakakainggit nga eh. 'Nong dumating na ako sa bahay binati ko muna si mama at si kuya tapos sabay sabay na kaming kumain ng dinner. Pagkatapos kong kumain ay pumanik na ako sa kwarto ko. Pagpasok ko ng kwarto ay nag linis ako ng katawan at humiga sa kama.


Hindi agad ako dinadalaw ng antok kaya napag desisiyonan kong pumunta sa terrace ko at umupo sa sahig. Nakatanaw lang ako sa veranda ng kabilang bahay, which is ang kwarto ni Dan, nagbabaka sakali lang naman na lalabas siya. At tama nga ako lumabas siya na may kausap sa phone ang laki laki nga ng ngiti eh, baka si Michelle yan. Pero ang pinag tataka ko bakit bigla siyang nalungkot? Ano kaya yun?


Nung binaba na niya ang telepono ay nakita niya ako na naktingin sa kanya bigla siyang ngumiti. Ayyy Bipolar.


"Oh KC! Hindi karin ba maktulog?" 


"HIndi eh! Hindi pa ako inaantok!"  Oo nagsisigawan kami dito sa labas. Wala kaming paki elam kung may magising nang dahil lang sa lakas ng boses namin. 


"Ahhhh." Tanging sagot ni Dan


Dinalaw kami ng matinding katahimikan.


"A-ahhhm KC! May gagawin ka ba bukas?  Pambabasag ni Dan sa katahimikan.


"Wala naman! Bakit?"  


"Ahhhh! Labas tayo bukas!" Aya ni Dan sa akin.


"Saan naman tayo pupunta!? Magdedate hihihihi! Charot!" Binulong ko na yung bandang huli. Delikado na, malaman pa niya ang naramdaman ko.


"Ha!? Oo! Ano sama ka?"  Sabi ni Dan


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now