Chapter 5

88.4K 1K 68
                                    

Kath's POV

TInginan ko yung wall clock ko. 6:45, ang aga ko ata. Sorry, masyado kasi akong excited eh. Sabay kasi kami ni Dan na papasok nagyon. Ngayon lang ulit kami magkakasabay na pumaosk kasi lagi niyang sinusundo si Mich sakanila eh.

Pagbaba ko ay humalik kaagad ako sa pisnge ni mama.

"Goodmorning ma!" Masiglang bati ko.

"Goodmorning din sa aking pinaka magandang anak!"  Bati ni mama at niyakap ako. Tumawa nalang si Manang Flor sa kakulitan namin ni mama.

"Sus si mama, nang bola pa eh." Tumawa lang siya at umakyat na para gisingin si Kuya. Morning ritual na ata niya yan eh. Ang gisingin si Kuya.

Pagkatapos 'kong kumain ay nagpaalam na ako at lumabas. Pumunta ako sa bahay nina Dan at nakita si Tita na nagkakape sa garden nila.

"Goodmorning po Tita Karla!" Bati ko kay Tita.

"Goodmorning din anak! Oh bakit ngayon kalang nagising?"  Tanong sa akin ni tita.

"Po?"  Ang aga aga pa nga eh.

"Sabi sa akin ni DJ maaga daw kayo papasok sa school ngayon kaya nga pinagalitan ko si JC kasi ang tagal bumangon. Hindi ko alam na may event pala kayo ngayon sa school, walang kasing sinabi ang administrator. " Sabi sa akin ni tita. Tinignan ko ang wrist watch ko.

7:00 pa ah? Ang aga ata ni Dan umalis, iniwan pa ako. Nasaan na yung sinabi niya na sabay kami? Sana hindi nalnag niya sinabi yun para hindi ako umasa.

Umiling ako. Hindi, baka pinatawag lang siya ni coach ng maaga. Baka may sasabihin sakanya.

Sakto naman lumabas si JC na naka kunot ang noo at naka busangot.

"Oh Kath aga mo din ah. Diba wala naman tayong gagawin ngayon sa school?"  Tanong ni JC sa akin.

"A-ahhm m-may gagawin tayo ngayon sa school. B-baka nakalimutan mo lang."  Pagsisinungaling ko. NIlakihan ko ng mata si JC, yung parang sinasabi na 'sakyan-mo-ako' look.

"Ha? W--" Pinutol ko na agad kung ano man ang gustong sabihin ni JC.

"A-ahhmm Tita. Sige po una na po kami ni JC. Late na p-po kasi kami ngayon."  Pagsisinungaling ko kay tita, nag nod ang siya sa amin at nag smile.

Hinila ko na si JC palabas sa kanila. Nag lalakad na kami ng tahimik ng bigalang binasag ni JC ang katahimikan.

"May gagawin pala tayo ngayon? Bakit hindi ko alam? Baka tulog nanaman ako sa klase?"   Nakakunot noong tanong ni JC sa'kin.

"Wala tayong gagawin ngayon, pinagtakpan ko lang yung kuya mo." Sagot ko sakanya.

"Ahhh ganon ba? Bakit kaya ang aga gumising ni Kuya. Sinabi niya ba sa'yo?" Nagkibit balikat nalang ako at nagpatuloy na kami maglakad papuntang school.

Pagdating namin ng school ay napansin namin na nagkagulo ang mga tao. Tumatakbo sila, na parang nagmamadali.

"Anong meron Kath? Ba't ang daming tao?"  Tanong sa akin ni JC.

"I don't know. Ask someone."   Sabi ko kay JC, nag nod nalang siya at hinarang yung babaeng tumatakbo papunta sa kung saan man pupunta.

"Ahm ms, anong meron? Bakit parang nagmamadali ang mga tao? Anong meron?" Tanong ni JC doon sa girl.

Tulala pa yung babae 'nong una. Kung hindi lang siya tinapik ni JC, baka hindi masagot yung tanong namin.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon