Chapter 68

65.3K 1K 406
                                    


Kath's POV


Nandito ako sa bahay namin. Tapos na kasi yong game eh, panalo sila Julia. Nong una medyo dehado sila pero nakabawi naman agad.


Nandito ako sa kwarto ko, tinitignan yung mga pictures ng mga make out sessions nina Mich at ng ibang lalaki. 


Tama ba ang magiging desisyon ko? Tama bang sabihin ko na kay Dan yung nararamdaman ko?


Pa'no kung layuan niya ako? Pa'no kung hindi na niya ako pansinin? Pa'no kung hindi niya din ako mahal? Pa'no kung si Michelle talaga yung para sakanya?


Ang daming paano. pero isang paano lang ang kinakatakutan ko.


Pa'no kung kakalimutan na niya yung pagkakaibigan namin? 


Napangiti ako ng mapait, kalimutan ang pagkakaibigan namin?


Eh mismong bestfriendsary namin, nakalimutan niya. Anong klaseng bestfriend siya?


I sigh heavily.


Bestfriend. 


Yan! Yan yung laging barrier sa'min. Laging may humaharang! Hindi pwede ganito kasi bestfriends kami hindi kami pwedeng maging ganyan kasi bestfriends kami. Ang daming hindi pwede dahil lang sa salitang bestfriend! Nakaka bobo.


Kaya kayo! Kung mahal niyo yung tao wag niyong gawing bestfriend. Ano akala niyo? Mahuhulog din siya sa'yo kapag naging mag-bestfriends kayo? Yan ba ang first step bago maging kayo? Wake up people! Masasaktan lang tayo kung maging mag-bestfriend kayo ng taong mahal niyo. Because the word BESTFRIEND is a big barrier! 


Wag din tayo masyadong assuming ha? Kasi masakit eh, sobrang sakit. Sa sobrang assuming ko eh naging tanga na ako. Wag niyo din sabihing pa-fall siya! Kasi hindi naman mage-exist ang word na pa-fall kung hindi naman din tayo assuming diba? Tama ako diba? 


Kaya tigilan na natin yang bestfriend-bestfriend na yan! Baka mapatay ko pa yung gumawa ng salitang yan!


May narinig akong ingay sa baba kaya kinabahan ako bigla.


May magnanakaw?


Niligpit ko yung mga pictures at kinuha ko yung walis na nandito sa taas at dahan dahang bumaba.


May nakita akong lalakeng nakatalikod sa sala. Familiar yung frame niya pero hindi dapat ako makampante. Baka magnanakaw yan.


Inangat ko yung walis, at tsaka siya tinanong.


"S-sino k-ka?" 


Humarap siya sa'kin.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now