Chapter 67

66K 905 292
                                    


Kats POV


Namiss ko kayoooo! Sabihin niyo na namiss din niyo ako! Now na! Hahaha joke 


Thursday ngayon, at ngayon nandito lang kami ni madam sa garden ng school, wala naman masyadong tao dito eh. Makayo kami sa mga tao na tumatambay din dito. May sasabihin daw siya eh.


"Madam ano ba yung sasabihin mo?" 


"Kats, panatag na ako sa sasabihin ko."


"Na alin?" Kunot noo kong sabi.


"Sasabihin ko kay Dan, na mahal ko siya."


"P-pero pa'no kapag layuan ka niya?"


"I don't know. Pero ito nalang kasi ang kaiisang desisyon na sa tingin ko ay tama."


"Tama ka nga madam, pero masasaktan ka lang kung hindi mo magustuhan yung sagot niya."


"Masaktan man ako, wala na akong pakealam. As long na nasabi ko na sakanya ang nararamdaman ko."


"Ano ba ang nakain mo at napagdesisyonan mo yan?"


Ngumiti siya ng mapait sa'kin.


"Naisip ko kasi na ang sakit pala no? Na itago yung nararamdaman mo. Ang tanga ko, hindi ko talaga napansin yun. Ilang years na ba? Hmmm, 3? 4? I lost count. At a very young age alam ko na, na mahal ko siya." Nakita ko na kinagat niya yung lips niya at inangat yung tingin. Trying to stop her tears.


"Ngayon ko lang din napansin. Lagi niyo sinasabi sa'kin na, tama na Kath. Mukha ka nang tanga eh. Napaka martyr mo Kath. Alam ko naman yun eh, kailangan talaga ipamukha sa'kin na ganon na ako ka tanga? Naiisip ko na nga minsan eh na, sana hindi nalang ako yung naging bestfriend ni Dan. Sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana pala hindi nalang naging mag-bestfriend yung mga magulang namin. Kasi kung ganito na rin naman ang aabutin ko, eh wala na. Gusto ko ng sumuko, matagal na, pero bakit hindi ko kaya? Huh, totoo talaga yung sinabi nila. Kapag mahal mo ang isang tao nagiging tanga ka na. Eh yung ginawa ko nga eh sobra na sa pagiging tanga, pwede na akong patungan ng corona. Most tanga female of the year. Ha-ha-ha." Siya habanng pinipilit na tumawa.


Nakatingin lang ako sakanya hinahayaan na ilabas yung hinanakit sa loob niya.


Nakita kong pinunasan niya yung luha niya.


"Kats, ang sakit. Paano ko ba 'to pipigilan? Hirap na hirap na ako eh. Lagi kong sinasabi na, 'tama na Kath. Napapabayaan mo na yung sarili mo eh. Tama na.'  Pero hanggang salita lang pala ako no? Lagi kong sinasabi pero hindi ko naman ginagawa. Gusto ko siyang sigawan. Na, 'ganon ka na ba talaga ka manhid? hindi mo ba talaga nararamdaman yung puso ko na sinisigaw yung panggalan mo? Grabe Dan! Ang tanga tanga mo! Galit ako sa'yo pero alam mo kung kanino ako mas galit? Sa sarili ko! Kasi hinayaan ko na mahulog yung loob ko sa'yo eh! Kahit alam ko naman na hanggang mag-bestfriends lang tayo eh. Kung sana sinabi ko nalang sakanya na mahal ko siya edi sana malaya na ako ngayon. Kahit na sabihin niya sa'kin na hindi niya ako mahal, tatanggapin ko naman yun eh. Pero.. pero... ang sakit na eh. Masyado siyang paasa." Yumuko siya at tinakpan yung mukha niya.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now