Chapter 12

84.3K 931 64
                                    

Kath's POV 


Papunta kami ni Dan ngayon sa park. Nag usap usap kami tapos bigla siyang umupo sa ilalim ng puno ako naman nakatingin lang sa kanya.


"KC dito ka sa tabi ko." Nagdadalawang isip pa ako pero hinila niya ang kamay ko kaya napa upo ako sa tabi niya.


Pag upo ko ay bigla siya humilig saakin sabay baon ng ulo niya sa leeg ko habang nakatingin sa tanawin dito sa park.


Hinawakan ko ang psinge ko kasi naramdaman ko ang pag init nito. OMG! Kath, pmag pigil ka!


"Nakaka miss yong ganito nuh?" Medyo gumalaw ako kasi naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko. Kinagat ko ang labi ko at hindi na makapag isip ns maayos.


"H-ha?"  


Bigla siyang umayos ng upo at sinandal ang ulo niya sa puno. Sumulyap ako sakanya at nakit ako siyang naka tanaw lang sa tanawin. Tumingin ako sa mga swings, slide, at lahat ng bagay na pinag laruan namin ni Dan nong bata pa kami.


"Yong ganito nating bondin? Yong tayong dalawa lang, naglakad lakad dito sa park. Naglalaro sa mga swing." Ngumiti ako ng pilit.


"Ehhh ikaw lang naman ang laging wala ehh."  Mahinang sabi ko sakanya.


"Ano yun?" Tanong niya.


"Ha? Wala! Sabi ko kamukha mo si Justin Bieber!" Pinilit ko nalang na ibahin ang topic namin kasi baka hindi ko mapigilan at baka mapaamin pa ako. Baka pagisishan ko lang sa huli.


"Ahh ganon?"  Tumawa ako sa reaksyon niya. Ayaw na ayaw niya kasi na sinasabihan na kamukha niya si Justin Bieber eh.


Tumayo na ako at medyo lumayo sakanya.


"Anong sabi mo Kayce?" Tumayo siya kaya tumili ako at medyo lumayo.


Nagsimula na siyang maglakad papalapit saakin kaya atras lang ako ng atras.


"Anong gagawin mo?" Hindi ko na hinintay ang sagot niya kasi bigla nalang siyang tumakbo kaya napatili nalang ako at tumakbo na din.


Tawa lang ako ng tawa kasi para kaming mga bata na tumatakbo dito sa park. 


Napatigil ako sa kakatakbo nong nawala bigla si Dan sa likod ko. Kumunot ang noo ko.


Nasaan na yon?


"Dan! Dan! Nasaan ka!?"  Sigaw ko habang lumilinga sa paligid.


"Da--" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla siya sumulpot salikod ko at kiniliti ako.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum