Chapter 7

85.5K 945 53
                                    

Kath's POV

 

"Kath nandiyan na si JC!" Sigaw ni Manang Flor.


Lumabas na ako at nginitian si JC.


"Goodmorning." JC.


"Morning." Malumanay kong sabi.


"Ang tamlay mo ata? Kumain ka ba ng breakfast?" Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad.


Habang naglalakd kami ay puro si Gab ang pinag uusapan namin. Buti pa si JC, walang pinoproblema. 


Isang linggo na ang nakalipas simula 'nong niligawan na ni Dan si Mich. Kaya si JC na ang palagi 'kong kasabay. Napag usapan din namin na simula bukas ay gagamit na kami ng sasakyan, pumayag nalang ako. Isang rason lang naman eh kung bakit gusto ko maglakad. Para makasaman ko ng mas matagal si Dan.


Pagdating namin ni JC sa room ay nagpaalam siya sa'kin kasi naiihi daw siya. Nag sa-sound trip lang ako nang may biglang tumapik sa'kin. Tinanggal ko yung earphones ko at tinignan ang tumapik sa'kin. Kaklase ko, si Andrea.


"Bakit Andrea?"


"Pinapunta ka daw ng office ni Ms Vice. May sasabihin daw siya sa'yo." Tumango nalang ako at nagpasalamat sakanya.


Pagkatayo ko ay dumating naman si JC.


"JC, punta muna ako ng office ni Ms Vice ha? Pinapatawag kasi ako eh." 


"Ahh sige. Yayayain sana kita na punta tayo ng field kasi nandon na si Kats at Les." 


"Mauna ka nalang. Kung makakaabot pa ako, pupunta ako doon." Ngumiti nalang siya sa'kin at nagpaalam na.


Kinuha ko yung camera ko bigay ni papa. Inalagaan ko talaga 'to, kasi bigay 'to ni papa sa'kin bago siya umalis ng pilipinas. Sabi niya na baka daw magkainterest ako sa photography at tama nga siya nagkainterest nga ako pero stewardess talaga ang gusto ko. Pero hindi ko naman pwedeng kunin kasi business ang kailangan, hay.


Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa harap ng opisina ni Ms Vice. Kumatok na ako sa pinto.


"Pasok."  Sabi ni Ms Vice.


Pumasok ako at binati siya.


"Goodmorning Ms. Pinapatawag niyo raw ako?" Tanong ko kay Ms VIce.


"Ahhh oo ma-upo ka muna." Umupo na ako.  "Ikaw na muna ang una kong tatanungin kung may partner ka na?"  Tanong naman ni Ms Vice sa akin.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now