Chapter 24

82.5K 962 104
                                    

Kath's POV

Naglalakad na kaming dalawa ni Kats papuntang GYM. Habang naglalakad kami ay laging nagpapatawa si Kats saakin. Hindi ko alam na laitero pala siya. Tuwing may nakikita siyang hidi maganda ay nilalait niya yon, ayaw na ayaw niya daw kasi sa mga babaeng malandi. Yong nasobrahan ang confidence at halos buong kaluluwa na ipapakita. Nagbakla baklaan din siya kaya halos maubusan ako ng hininga sa kakaatawa.


Pero infairness sakanya, parang wala lang siyang pinagdaanan. Na parang hindi lang nag broken hearted. Ako? Eh para nanag binagsakan ng langit at lupa. Yong mukha ko hindi na mawari kaya ewan ko nalang. Kung tutuusin nga eh mas masakit yong pinagdaanan ni Kats kaysa saakin. NI reject na nga siya eh. Eh ako? Umiling nalang ako.


Kung nasaan man si Coleen ngayon? Sana magsisisi siya sa ginawa niyang pag reject kay Kats. Kasi kita niyo ba? Total package na si Kats. Mabait, MEDYO matalino, gwapo, cute, talented, ang ganda ganda ng boses, tapos sobrang nakakatawa pa! Any girl can fall for his charms pero bakit si Coleen hindi? Sayang nga to si Kats eh. Siya nalang kaya ang mahalin ko?


Napangiti ako at umiling nalang sa iniisip.


"Hoy! Madam ok ka lang? Ngumingiti ka diyan nang mag isa! Eh wala pa yung nakakatawa na part eh." Singit ni Kats sa iniisip ko. Natawa nalang ako.


"Wala! Tara na. Baka mahuli pa tayo sa awardings eh. Gutom pa naman ako." Hinawakan ko yong tiyan ko.


"Gusto mo daan muna tayo sa canteen bago tayo pumunta ng gym?"


"Wag na. Baka mahuli pa tayo eh hindi natin malalaman kung sino ang mananalo"


"Ahhhn oo nga naman." Tinitigan niya ako at parang sinusuri, "Sure ka talaga?"


"Oo nga!" Ngumiti pa ako. Biglang tumunog ang tiyan ko kaya natawa siya at hinila na ako.


"Tara sa canteen! Gutom na gutom ka eh, hindi pa tayo nag lulunch. Doon mo nalang kainin sa gym." Tumango nalang ako sa suhestiyon niya at nagpatinaod nalang sa hila niya.


Habang naglalakad kami ni Kats papuntang canteen ay usap usap lang kami tungkol sa mga bagay bagay. Nang biglang may tumulak saakin sabay sa sampal sa pisnge ko.


"KATH!"


Napaupo ako dahil sa lakas ng impact sa sampal. Napahawak ako dito dahil sa sakit.


Dinaluhan kaagad ako ni Kats at tinulungan.


"M-Michelle?" Tinignan ko siya na parang galit na galit talaga siya. Ano ba ang ginawa ko?


"How dare you!! Walang hiya ka!" Napansin ko na pinagtitinginan na kami ng mga tao. May mga nag vivideo pa ay nakikiusisa.


Sinampal niya ulit ako peros a kabilang pisnge nanaman. Sobrang hapdi na ng pisnge ko. Naiiyak na ako dahil sa sakit.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon