Chapter 41

74.7K 803 31
                                    


Katsumi's POV


Alam niyo yung malas? Ako yun eh!

Bakit kasi kasama ko pa si Montes sa iisang kwarton!

"Hoy! Kabe! Ako sa kama! Ikaw sa sofa!" Tignan mo 'tong babaeng 'to. Putak nang putak.

"Ayoko nga! Dun ka sa sofa! Ako diyan sa kama!" Ako.

"Napaka gentleman mo talaga!" Siya.


"Talaga lang!" Ako.


Hindi na siya umimik. Siguro na pagod sa bangayan namin. Nong nasa elevator pa lang kasi kami away ng away.


Hindi ko alam pero, palagi lang kaming nagbabangayan nitong si Montes. Ewan ko lang. Nakakatawa kasi siya kapag naiinis.

Narinig kong may kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito. 


"Baba na daw tayo! Kakain na nang dinner. Tapos magbobonfire tayo!"  Sabi ni Les. Tumango ako.


"Oo! Susunod lang kami!" Ako. Sinara ko na ang pinto at pinuntahan si Julia.

"Hoy Montes! Dali an mo diyan! Bababa na tayo!" Ako.

"Eh sino ba kasi nagsabi sa'yo na hintayin mo'ko!?" Siya.


"Ikaw na nga 'tong hinintay. Ikaw pa 'tong reklamo nang reklamo!" Ako.


"Oo na! Oo na! Ingay..." Binulong niya yung huli.


"Ano!?" Kahit narinig ko naman.


"Wala! Tara na. Ang bagal bagal mo!"


"Hiyang hiya naman ako sa'yo!" Ako.


"Whatever." Nagsimula na siyang maglakad.



Pagkarating namin gn restaurant ay medyo nabahala kami dahil sa dami ng tao. Paano namin sila makikita nito?


"Nasaan kaya sila?" Sabi ni Julia. Habang tumitingin sa paligid.


"Malay ko. Diba tayo ang magkasama?"


"Alam mo? Ang tino mo kausap! Grabe!" Natawa nalang ako ng palihim. Ang cute niyang mainis.


Wait.. sinabi ko bang cute? Hindi! Ang pangit niya kapag mainis.



"Excuse me? Nakaharang kayo sa daan." Napatingin kami ni Julia sa likod namin.




Nanlaki ang mata ko. Gusot kong tumakbo o tumago sa likod ni Julia. Pero it's already too late kasi nanlaki din ang mga mata niya. 


"Chumi..."

"Lee..."

Nakita ko namang kasama ni Lee si Quen. So sila pa pala? Napatingin ako sa mga kamay nilang magkahawak.



Nakita ko namang titig na titig si Quen kay Julia. Hindi talaga nagbabago ang g*go.


Nakita ko ang pamumutla ni Julia. Nanlaki ang mga amta niya at parang naiilang siya sa mga titig ni Quen sakanya.

Hinawakan ko ang kamay ni Julia and interwined it. Napalingon naman si Julia sa'kin at pinanglakihan ako ng mata. Napangiti naman ako.


Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now