Chapter 8

87.2K 977 32
                                    

Kath's POV


Friday ngayon at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan yung nakita ko.


"Hoy! Kath! Kanina pa kami salita ng salita dito. Hindi ka naman pala nakikinig!" Ella.


"H-ha? Ahhh, sorry."


"Ano ba ang nangyari sa'yo? 'Nong Wednesday ka pa ah? Palagi kang balisa. Ok ka lang ba?" Yen.


"Ano ba kasi ang nangyari?" Julia.


Sasabihin ko ba sakanila? I have no choice.


"Promise me you won't tell anybody about this." Tinignan ko sila ng mariin.


Nagkatinginan sila bago tumingin sa'kin ulit.


"Promise." Sabay na sabi nila.


Huminga muna ako nang malalim bago ako nag simula..


"Ganito kasi yun."


FLASHBACK


Nanlaki ang mata ko sa nakita ko.


No way...


Mas lumapit pa ako at doon ko nakita si Paul Salas na taga kabilang section kasama si Mich.


Are they kissing!? What the hell? Pinapaasa lang ba ni Mich si Dan!? How could she!?


Gusto ko siyang sugurin dahil sa galit ko. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam, siguro natatakot ako.


Bigla 'kong naalala yung sinabi ni Ms Vice sa'kin kanina.


'Pictures are very important ok?, kumbaga kung may balita dapat may picture for evidence'

Paulit ulit yun nag echo sa ulo ko.


Tinignan ko yung cam ko at tinignan sila na patuloy pa rin sa paghahalikan. Hindi na ako nagdalawang isip na kunan sila. Umatras ako pero natamaan ko yung isang box dito kaya natumba yun.


"Shit!" Mura 'ko at dali daling nag tago sa isang gilid.


"Sino yun?" Narinig ko ang boses ni Mich.


Kinagat ko yung labi ko.


"Wala lang yung." Narinig ko na nagpatuloy silang naghalikan kaya dali dali akong umalis 'don.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum